Bonus (10)

108 2 0
                                    

【 Warning: THIS CONTENT MAY BE HAVING A GRAMMATICAL AND TYPOGRAPHICAL ERROR. READ AT YOUR OWN RISK. 】

\\ BESFRIEND //
By : Red Alfonso

***

*2017*
👯: Hello!
👩: H-hi?
👯: Anong pangalan mo? Ako nga pala si Rella.
👩: A-ah, eh..
👯: Sus, 'wag ka ng mahiya! Kaklase kita kaya dapat walang hiya-hiya sa akin.
👩: Ganoon ba? Haha. Ako si Ria.
👯: Wow! Cute naman ng name mo. So, friends na tayo ha?
👩: S-sure.
We're grade 7 that time. I was sitting in my chair inside the classroom when a cute girl talked to me. I admit that I was comfortable with her.
Time passed, we're became a good friends. And I think, we're really comfortable with each other. To the point that, I can say bad words in front of her. 
👩: Rella!
👯: Oh?
👩: Gago pakopya nga assignment!
👯: Luh grabe nagmumura ka na ha.
👩: Ih basta puta pakopya please!
👯: Oo na.
👩: Yey!Labyu!
Palagi kaming magkasama sa loob ng school. She's good in math. Dumating nga sa punto na naging Top 2 s'ya ng klase namin noong first grading samantalang ako, nasa Top 9 lang. Palagi na rin kaming magkakwentuhan. Kahit secrets ng isa't-isa, sinasabi namin sa isa't-isa dahil may tiwala kami at mahal namin ang isa't-isa.
👯: Ria, may ikekwento ako sa'yo.
👩: Ano?
👯: Ih, kaso baka hindi ka interesado eh.
👩: Luh?Haha. Ano nga?
👯: 'Yung ano kasi...nabobored ako kaya magkekwento ako. 'Yung about sa gusto kong lalaki.
👩: Weh? Sige makikinig ako! Para naman may alam ako tungkol sa labedabs mo.
👯: Sige, ganito kasi 'yun. May super duper like akong lalaki since grade 1 ata? Ewan siguro grade 3 nagstart. Kasi, simula grade 1 to grade 6, magkaklase kami. My gosh, Ria! Ang gwapo n'ya sinasabi ko sa'yo.
👩: Sus, gwapo. Tsk. 
👯: Luh ayaw maniwala!
👩: Oo na! Oo na! Then? Nasaan na s'ya ngayon?
👯: I don't know eh. Sa ibang school na s'ya nag highschool kaya nalungkot ako ng sobra.
👩: A-huh?
👯: Alam mo ba, halos nasa kan'ya na lahat! Magaling sumayaw, magaling kumanta, magaling maggitara, writer, matangkad, maputi, gwapo, matalino--ah basta nasa kan'ya na talaga lahat! Kaso nga lang, masungit eh.
👩: Ano ba name?
👯: Zayd. Zayd Martinez.
Simula nang magkwento s'ya sa lalaking gusto n'ya, palagi n'ya na 'yung mukhang bibig. Wala akong kaide-ideya sa hitsura ng lalaking sinasabi n'ya. Wala akong kaide-ideya dahil kahit pa sinabi n'ya ang pangalan ng lalaki, hindi ako nag abala pang isearch ang pangalan nito sa social media. Dahil wala naman akong pakealam. Kung gusto s'ya ng kaibigan ko, edi gusto. Basta susuportahan ko ang kaibigan ko, sa kahit ano mang bagay. 

*2018*
Months passed, natapos na ang aming school year. And another months passed, pasukan na naman. Grade 8 na kami at sa kasamaang palad, hindi na kami magkaklase. Napunta ako sa section 1 habang s'ya naman ay nasa section 2. Pero kahit magkaiba kami ng section, palagi pa rin kaming nagpapansinan. Hindi pa rin namin nakakalimutan ang isa't-isa.

👯: Kamusta klase n'yo?
👩: Ayos lang naman. Sa inyo ba?
👯: Okay lang din!
👩: Galingan mo ha?
👯: Syempre naman! Ikaw din, galingan mo!
Muli na namang nagdaan ang mga araw. Dumating din sa punto na hindi na kami nagpapansinan. Na dinadaan-daanan na lamang namin ang isa't-isa. Pero hindi din nagtagal, bumalik kami sa dati. Ganoon ang tunay na magkakaibigan. Kahit ano mang mangyari, babalik at babalik sa isa't-isa. Nagkaroon man kami ng kan'ya-kan'ya naming mga kaibigan, hindi pa rin namin kakalimutan ang isa't-isa.
*2019*
Natapos ang grade 8, grade 9 na kami ngayon. Ngunit sa kasawiang palad, magkaiba na naman kami ng section. Nanatili ako sa section one habang s'ya ay nasa section two pa din.

👭: Omg! May bago raw tayong kaklase!
👩: Oh, tapos?
👭: Gaga! Transferee!
👩: K.
👭: May target na naman ako shit.
👩: Naku tigil-tigilan n'yo 'yan. Nasaan ba 'yung transferee? Kailan papas--
👨: Yow!
👭: Ayan, oh! 'Yung kasama ng iba nating kaklaseng lalaki.
Napatitig ako sa lalaking pumasok sa aming classroom. Aminado ako na gwapo ang isang 'to. Pero wala naman akong pakealam. Naikwento sa akin ng mga kaibigan ko na dati na nilang kaklase ang transferee na 'yun kaya karamihan sa mga kaklase namin ay kilala na s'ya at kilala n'ya.
Isang linggo rin ang nakalilipas simula nang pumasok ang aming transferee. Napakabait at masayahin pala ng isang 'yun. Dumating sa punto rin na nakakausap ko ito through chat dahil isa rin itong manunulat gaya ko. Napag-uusapan namin ang tungkol sa mga nobela at pagsusulat hanggang sa 'di inaasahan...naging magkaibigan kami.

👨: Hoy!
👩: O?
👨: Sabihin mo 'pogi ni Zayd'.
👩: Asa ka. 
👨: Accept mo 'ko sa Facebook.
👩: Ayoko katamad.
👨: *pout*
👩: Joke lang. Sige mamaya pag-uwi ko.
👨: Sige ,sabi mo 'yan, ah.
👩: Oo nga.
👨: Gawaan mo din akong story.
👩: Sige.
👨: Gawa'n mo 'ko pre, ah?
👩: Oo nga punyeta. Paulit-ulit ka.
Nag-uusap na rin kami sa classroom. Sa katunayan, parang familiar sa akin ang kan'yang pangalan. At may narealize din ako, na parang gusto ko ng mamatay. 'Yung tipong napapangiti na lang ako bigla pagnakikita ko s'ya. Doon ko napag-alaman na may gusto na ako kay Zayd.
Kinabukasan, uwian na sa aming school. Nakasalubong ko bigla ang kaibigan kong si Rella.
👯: Hooooy! Omg!
👩: Hala bakiiit?
👯: Omg, Ria! Omg!
👩: Bakit ngaaaa?
👯: Ria, naalala mo 'yung lalaking ikenekwento ko sa'yo dati? 'Yung lalaking gusto ko since grade 1?!
👩: Ha? Parang nakalimutan ko na.
👯: Ano ba naman 'yan!
👩: Bakit? Ano bang meron?
👯: Eh kasi Ria, 'yung transferee n'yo ngayon. 'Yung kaklase n'yo ngayon, s'ya 'yung lalaking gusto ko since grade 1. Si Zayd Martinez, remember?
👩: A-ah, weh? Hala ang galing naman. Nakaharap ko na pala s'ya...

Halos hindi magsink-in sa akin ang lahat ng sinabi ng kaibigan ko. Nawala sa isip ko ang tungkol doon. Ang tungkol kay Zayd. Hindi ko aakalain na ang lalaking ikinekwento n'ya lang sa akin noon, ay nakaharap ko na pala. At hindi lang 'yun, kaklase at kaibigan ko pa. Pero halos madurog ang puso ko sa sunod n'yang sinabi.
👯: Ang gwapo n'ya 'di baaa?
👩: O-oo.
👯: Hoy, baka mamaya, may gusto ka na sa kan'ya!
👩: H-hala, hindi ah! Mas lalaki pa ako dun,hoy! Hindi kami talo! Sa'yo lang 'yun, 'di ko kayang agawin.
👯: Weh? Talagaaa? Omg iloveyou sobra Ria!
👩: Iloveyoutoo. Basta sa'yo lang 'yun.
👯: Promise mo, ha? 'Wag na 'wag kang magkakagusto sa kan'ya.
Tila nag-echo sa aking pandinig ang kan'yang sinabi.
"Promise mo, ha? 'Wag na 'wag kang magkakagusto sa kan'ya."
"Promise mo, ha? 'Wag na 'wag kang magkakagusto sa kan'ya."
"Promise mo, ha? 'Wag na 'wag kang magkakagusto sa kan'ya."
"Promise mo, ha? 'Wag na 'wag kang magkakagusto sa kan'ya."
Halatang masaya s'ya. Ang sarap pagmasdan ng ngiti ng kaibigan ko. Kakayanin ko bang sirain 'yun?
👩: Oo naman ,Rella. Promise ko sa'yo, hinding-hindi ako magkakagusto sa lalaking 'yun. Pangako.

"Pero ginawa ko na. I'm sorry, Rella. I'm sorry. " Ito ang mga salitang gusto kong sabihin ngayon sa kaibigan ko pero hindi ko magawa. Lalo pa't niyakap n'ya ako ng mahigpit. Yakap ng isang totoong kaibigan.
Mali na naging marupok ako. Mali na nagustuhan ko ang lalaking gusto n'ya na simula grade 1 pa sila. Wala akong laban. Kaibigan ko s'ya, at ayaw ko s'yang masaktan. Mas pipiliin ko pang magpa-ubaya, basta maging masaya s'ya. Paano ko ba sasabihin sa kan'ya, na umamin na rin sa akin si Zayd? Umamin na s'ya sa akin na gusto n'ya ako.
Putangina naman talaga. Kaya simula sa araw na 'to, susubukan ko ng umiwas kay Zayd. Susubukan ko ng tanggalin ang feelings ko sa kan'ya. Alang-alang sa kaibigan ko...dahil ayoko s'yang masaktan. Dahil naniniwala ako na mahirap makahap ng totoong kaibigang kaysa sa isang lalaki.
***

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now