ONE SHOT #13

167 4 0
                                    


                        "A TRUTH"

Nagmamadali ako sa pagpasok sa eskwelahan dahil late na ako. Nang nasa tapat na ako ng aming classroom ay naroon na ang aming adviser sa harapan at nagsasalita. Pinapasok nya naman agad ako matapos nya akong makita.

Umupo agad ako sa upuan ko at nakinig na sa adviser namin. Sinasabi nya sa amin ang about sa mangyayaring field trip. Isa ako sa mga sasama. Bukas na yun gaganapin. Mga 30+ lang kami sa section namin ang sasama sa field trip.

Nagpaalam lang sandali si ma'am na may kukuhanin raw sa office nila. Pagka-alis nya ay agad lumapit sa 'kin si si Osleck. Ang isa sa pinakamatalik kong kaibigan.

"Ehem, " Kunwaring nauubong sabi nya sabay turo kay Alexis. Ang crush ko sa classroom namin.

"Sige, mang-aasar ka na naman. " Inirapan ko sya bigla.

"Omg. Guys!Wala ba kayong napapansin?!" Kumunot ang noo ko sa pagtataka dahil sa ginawang pagsigaw ni Osleck.

"Wala. Ano yun Leck?"Takang tanong ng mga kaklase namin.

"Haler?!Magkaparehas ng damit ngayon si Asia at Alexis. Parang couple shirt lang. Ayieee!" Halos mamula ang mukha ko sa kahihiyan. Jusq. Kaibigan ko ba talaga 'to?!

"Ayieeee!Destiny!" Pang-aasar ng mga kaklase namin.

Tiningnan ko naman ang suot na damit ni Alexis. Naka Math club shirt  ito--parehas kami!As in kaming dalawa lang ang nakasuot ng ganoong damit ngayon.

Talagang kapansin-pansin kaming dalawa dahil kami lang ang nakadecolor na damit samantalang ang mga kaklase namin ay nakaputing uniporme.

"Ayieeee!Pandan!" Patuloy na pang-aasar nila.

"At saan nyo naman nakuha ang Pandan, aber?" Mataray kong tanong.

"Pantua plus Mangalindan equals Pandan. Slow mo!" Paliwanang ni Osleck. Ang Pantua ay surname ni Alexis while ang Mangalindan ay surname ko. Letche. Ang dami nilang alam maasar lang kami. Tsk

"Ayieeee!Si Asia kinikilig!" Sinamaan ko naman ng tingin ang nagsabi nun. Si Riza pala, ang treasurer sa klase namin.

"Pag-ibig na kaya ~" Pangangantyaw ng mga kaklase naming lalaki na karamihan
ay mga kaibigan ni Alexis.

"Guys, stop it. " Kalmado lang na sabi ni Alexis. Imbes na tumigil ang mga kaklase namin ay lalo pa nila kaming inasar. Mga hangaaal!

"Hoy nandyan na si ma'am!" Sabi ng kaklase naming si Hannah na syang malapit sa pintuan ng classroom. "

Tumahimik naman na bigla ang lahat ng pumasok ang aming adviser. Parang wala lang nangyaring asaran. Bilis ba namang magtransform ng mga kaklase ko. Tsk

-----

2 am na ako nagising at 4 am na nang makarating ako sa school. Mga 5:30 am na nagsimulang bumyahe ang aming bus sa field trip.

Ang una naming pinuntahan ay ang Car Museum--ata yun sa Quezon City. Pagkatapos namin doon ay dumiretso na kami ng byahe papuntang Tagaytay. Talagang napakatraffic at late na kami kaya napagdesisyunan ng aming tour guide na kumain na lang raw kami sa loob ng bus kung gutom na kami.

Katabi ko ang kaibigan kong si Osleck sa upuan. Matapos naming kumain ay napagdesisyunan naming maglaro ng dare.

"Bato bato pick, " Ang unang natalo ay si Osleck kaya ako ang mag-uutos sa kanya.

"Mag hello ka sa driver ng bus. " Utos ko sa kanya.

"Hi kuya Ricky!" Malakas na sigaw sa loob ng bus. Nagtawanan naman ang iba naming mga kaklase na nanonood sa paglalaro namin at sa ginawang pagsigaw ni Osleck.

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now