BONUS STORY (3)

749 3 0
                                    

                    " PAPER PLANE "

Heto na naman ako. Gumagawa na naman ng paper plane kung saan nakasulat ang mga mensahe ko. Mensahe ko para sa babaeng makakasama at mamahalin ko habang buhay. Gusto ko na syang makilala. Gusto ko na syang maging akin. 

Pumunta ako sa terrace ng aming paaralan. Pinalipad ko ang paper plane na aking ginawa kung saan nakasulat ang mga salitang, "Hi wifey. I already found you. I love you. Please be mine. "

Nang mapalipad ko na ang paper plane ay lumipad na ito at bumagsak. Agad akong bumaba galing terrace ng school building. Nakita ko ang isang babaeng nakatalikod. Likod pa lang ay kilala ko na ito kaya tinawag ko sya. 

"Ana! "-tawag ko pa kaya agad syang humarap. Nagulat ako nang makita kung anong hawak nya. 

"Tingnan mo insan oh! Ang sweet! Sino kayang gumawa nito at napunta sa'kin? Gusto ko na syang makilala at maging hubby forever! "

Halos mawalan ako ng balanse sa narinig. Si Ana, ang pinsan ko. Siya ang nakapulot ng paper plane na pinalipad ko. Shit...

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now