"I THOUGHT"
"Yieee! "
"Ang sweet! "
"Kingina bess! Ss! "
"Happy First Anniversary baby" saad ng lalaking may hawak ng isang bouquet ng bulaklak. Nakasuot sya ngayon ng pulang polo at black pants.
Habang papalapit ako sa kanya ay naririnig ko ang mga tilian at sigawan ng mga tao pa'ti na ng mga kaibigan ko.
At ng tuluyan na akong makalapit sa kanya ay tinanggap ko ang bulaklak. Shet! Naiiyak ako sa tuwa! Palagi nya na lang ako pinapasaya."Oh? Ba't umiiyak ang prinsesa ko? " sa sinabi nyang yun ay pinalo ko ang kanyang dibdib at bigla rin syang niyakap.
Napakaswerte ko talaga sa lalaking toh. Napakaswerte ko sayo Reid Villanueva.
---
"Ms. Revuelta! Nag-aaral ka ba talaga?! " napapikit na lang ako sa sigaw ng prof. ko.
"I'm sorry sir. " tanging naiusal ko na lamang dahil hindi ko masagot ang tanong nya.
"Tsk, you may now sit. Idiot student. "
Kringggg~
Pagkasabi nun ni Sir ay nangilid ang luha ko. Nakakahiya bwisit! Bakit kailangan nya pang sabihin sa klase na bobo ako?!
Inaya ako ng mga kaibigan ko pero sinabi kong wala akong ganang pumunta ng Canteen.Hindi ko na'rin itetext si Reid dahil baka nasa klase pa sya.
Napagdesisyunan kong lumabas at nagulat ako sa nakita.
Nakita ko si Reid na hawak ang pisnge ni Abby. Bestfriend ko.
Sa posisyon nilang dalawa ay tila may namamagitan sa kanila.No! I trust both of them!
Alam kong hindi nila ako sasaktan at magagawang lokohin. 1 year na kami ni Reid at almost 2 years na kaming magkaibigan ni Abby. Kaya imposibleng lokohin nila ako.
"Reid! "- I shouted
Agad din naman silang napalingon sa'kin na nanlalaki ang mga mata. Nakita kong tinanggal na ni Reid ang kamay nya sa pisnge ni Abby.
"M-Mae? A-andit--"
"Sorry bess huh? Tinawagan ko kasi si Reid na andito ka pa sa room at ayaw mong lumabas para kumain. Tinawagan ko sya para sya ang pumilit sayo dahil alam kong hindi ka na namin mapipilit. " pagpuputol ni Abby sa sasabihin ni Reid.
"Atsaka yung kanina wala lang yun. Sige aalis na ako. " dagdag pa nya at umalis na.
"M-Mae, wag ka ng mag selos baby please. "- sabi pa ni Reid at niyakap ako.
"Hindi naman talaga ako nagseselos eh. Alam ko namang hindi nyo ako sasaktan at malaki ang tiwala ko sa inyo. " nagulat ako ng bigla syang natahimik. Tinanong ko sya kung anong dahilan pero wala naman daw.
Inaya nya akong pumunta ng Canteen para sabay kaming kumain. As usual libre na naman nya. Hindi talaga ako ginugutom ng lalaking toh. At masasabi kong ang swerte ko talaga sa kanya.
---
It's weekend. Nagkayayaan kaming magkakaibigan na pumunta ng mall. Nagtataka lang din ako dahil hindi sumama si Abby. Maybe busy sya sa paper works sa school dahil Secretary sya sa Students Council.
Like my boyfriend. He's the president in Student Council so busy rin talaga sya ngayon. Minsan nga nagseselos na'rin ako kay Reid at Abby. Sila kasi lagi ang magkasama porket President at Secretary.
Andito na'rin kami ngayon sa Mall. Di gaya ng mga kaibigan ko, nakasuot sila ng sexy outfit habang ako ay pants at T-shirt lang.
Sanay naman na ako dahil utos na naman yan ng boyfriend ko. Tsk, over protective ang peg. Pero masaya pa'rin ako dahil alam kong pinahahalagahan nya ako.
YOU ARE READING
One Shot Stories
CasualeTwenty 'One Shot Story' that will make you cry, laugh, giggle, and hope.