"SANA"
"Uy besh! Salamat sa libre! "-ani ng kaibigan kong si Thea.
Kakatapos lang ng break time namin at nandito pa kami sa labas.
"Oo nga Praiselyn. Salamat besh! At dahil birthday mo ngayon, papayag ako na ikaw muna ang dyosa sa ating tatlo. "-saad naman ng kaibigan kong Bi na si Osleck. Leck for short.
"Hoy Leck magtigil ka! Alam naman nating si Praiselyn na talaga ang mas dyosa sa'ting tat--"
"Oo na! Oo na! Panira kang bruha ka! "
-ang ingay talaga ng dalawa kong kaibigan. Sarap lagyan ng tape sa bibig.
"SHETTTT! ANDYAN NA DAW SILA GLEN! "
"MY PRINCE CHARMING! OWEMJIEE! "
"LET'S GO GIRLS! "
Nakarinig kami ng tilian at nakakita ng kumpulan ng mga tao.
"Hala mga besh! Ngayon pala ang dating ni Glen! "-tili ng kaibigan kong si Thea.
"Like owemjieee! Yung prince charming ko! "-tili rin ni Osleck at sabay silang tumakbo papunta sa kumpulan at makita yung Glen.
So ganun na lang yun? Dahil dyan sa Glen na yan iiwan na lang ako sa ere? Mga walangya talaga.
Syempre majority wins. Dalawa sila at isa lang ako. Kaya naman agad ko silang sinundan sa kumpulan.
Kung di nyo naitatanong, si Glen Salazar ay apo ng Dean sa paaralang pinapasukan namin.
18 years old sya, Fourth Year High School. While kami ay 16 years old, Fourth Year High school rin.Nagtataka siguro kayo kung bakit 18 years old na si Glen sa pagiging Fourth Year. Yun ay, huminto sya sa pag-aaral ng dalawang taon dahil inoperahan sya sa America. Di ko knows kung anong sakit nya. And besides, di ko sya type at hindi ako interestedo sa kanya.
Naabutan ko ang mukhang asong ngiti ng kaibigan kong si Thea.
"Hoy! Itsura mo?! "-tanong ko sa kanya.
"Like owemjiee besh! Magkaklase kami ni Glen! Waaahhh! "-tsk. Kaya naman pala. Section one sila pareho ng prince charming daw nya.
"Hala besh! Pa-switch kaya ako sa section one? "-ani naman ni Osleck na agad kong binatukan.
"Hoy Mr. Beronio! Ano yun iiwan nyo'ko tapos kayo happy?! "-magclassmate kasi kami ni Osleck sa section two.
"Sorry naman. Bruhang toh' talaga. "-saad nya sa'kin sabay roll eye.
Maya-maya ay tumunog ang bell hudyat na pasukan na. Kakatapos lang ng break time namin.
Nag tuloy-tuloy ang klase. At pagdating sa Last subject, PE na namin. Volleyball kaming mga babae habang ang mga lalaki naman ay Basket Bali ang pag-aaralan. Natatawa nga ako kay Osleck dahil ayaw nya daw sa Basket Ball. Bwahahaha!
Nakapagpalit na kami ng pang-PE. Tiningnan ko ang wrist watch ko at magfo-four pm pa lang. Five PM ang labasan namin so kunti na lang makakapag pahinga na ako sa bahay.
Dalawa ang court ng school at may isang field. Sa isang court naglaro ng Basket Ball sila Osleck habang kaming mga babae ay sa isang court.
"Girls! Maiwan ko muna kayo dito. Pag-aralan nyo ang galaw ng bawat isa huh? Doon muna ako sa kabilang court. "-ani ng lecturer namin sa PE at umalis na.
Nagsimula na'rin ang laro. Gaya nga ng sinabi ni ma'am, pag-aralan namin ang galaw at technique ng bawat isa.
Hanggang sa, dumating na ako na ang magseserve dahil nakapuntos ang grupong kinabibilangan ko.
YOU ARE READING
One Shot Stories
AcakTwenty 'One Shot Story' that will make you cry, laugh, giggle, and hope.