Aliee's POV
"Bernice, baba kana jan. Kakain na!" Sigaw ko pero wala padin hindi siya nag sasalita, kaya naman pumasok na ako sa kwarto niya. Lintek na babae! "Bernice!" Sigaw ko pero ayaw paden, ang sarap ng tulog. "Papasok kaba?" Tanong ko at hinila ang paa niya.
"Uhmmmm!" Inat niya. Nag kamot ulo siya."Hindi ako papasok! Sabihin mo nalang may Lagnat ako." Sabi niya tiyaka natulog ulit. Kaya naman bumaba ako ng kwarto niya.
Bakit naman kaya hindi papasok toh? Hindi kaya masyado niyang dinamdam ang sakit ng naramdaman niya kahapon? Ay pak.
Mabilis akong naligo at kumain, pag tapos non ay lumabas na ako ng bahay!
Pag dating ko naman sa school, ay sakto nakita ko si Milktea at Luhan na mag kasama, may relasyon ata sila eh. Tsk
"Tea!" Sigaw ko kaya naman napatingin sila sakin.
"Oh aliee!" Sabi naman niya at Lumapit sakin. "Bakit hindi mo kasama si Bernice?" Tanong niya.
"Ayaw pumasok." Sabi ko tiyaka nag kibit balikat. "Tulog pa e, malay ko ba don." Dag-dag ko at bumuntong hininga.
"Hala! May quiz pa ata tayo ngayon sa Bio?" Nakangusong sabi ni Milktea.
"Edi mag review ka!" Sabi naman ni Luhan, kaya naman pinalo ni milktea sa braso. Ang cute nilang tignan para silang aso't pusa.
Pag dating namin sa classroom ay naupo na kami. Wala pa sila lander
"Okay class I'll give you time para mag review, para sa quiz." Sabi ni Lec na naupo.
Nag review kaming tatlo, bat ngayon pa Bernice? Ang bobo mo naman.
Napatingin kaming lahat ng pumasok sila Lander, at naupo. Kaya naman binaling ko nalang sa Libro ang mata ko.
"Wala ata si Bernice?" Bulong ni Larky kay Lander. "Aliee --" hindi kuna siya pinatapos.
"Absent." Sabi ko ng hindi lumilingon sakanila.
"Bakit naman?" Sabay na sabi ni Lander at Jayron, kaya naman lumingon ako sakanila. Mag katinginan sila pero agad naman silang umiwas.
"Ayaw niya pumasok, tinatamad at tiyaka tulog pa. Ewan ko, kahapon pa siya ganon. minsan wala sa mood minsan hindi kumain!" Sabi ko at palihim na tumingin kay Jayron, at tiyaka binaling nalang ulit sa Libro ang mga mata ko.
"Ngayon pa talaga a-absent?" Sabi naman ni lander. Kaya naman hindi ko nalang sila pinansin!
Ng mag start na ang Quiz, ay focus na focus kami sa test! Bio to bio. Hays!
Mga 30minutes bago kami matapos.
"Past your paper." Sabi ni Lec kaya naman pila pila kaming binigay ang Test namin, nasa likod ko sila Lander.
Nang ipapasa kuna ay tinignan ako ni Lec.
"Diba pinsan mo si Ms Balce?" Tanong ng drakula kong Lec.
"Yes Ma'am."
"Bakit siya absent?" Tanong niya.
Hala ano sasabihin ko? Alangan naman sasabihin, 'mam kase tinamad. Ayaw daw niya sainyo. Drakula daw kayo e.' Alangan naman ganyan? Baka ma flying kick kaming dalawa pag pasok niya
"She's not feeling well." Sabi ko .
"Akala ko ba tinam--" hindi kuna pinatapos si Lander ng apakan ko ang paa niya, ng naka talikod lang ako. "Oo nga pala may sakit siya." Sabi niya kaya naman ngumiti ako.
"Bukas, papuntahin mo siya sa Faculty at mag Quiz siya don." Sabi ni Ma'am at tumayo. "Wag mong ibigay ang mga sagot sakanya, kong hindi minus 20 ang test mo." Sabi niya tiyaka bago lumabas ng Classroom.
BINABASA MO ANG
THE F4
Teen FictionNag aral si Bernice Averon Balce, sa University of Philippines -Diliman. upang makasama ang dati niyang mga kaibigan at para sa Pangarap niya. Kaso dahil sa maliit na pangyayari ay gugulo ang buhay niya, dahil sa F4. Lilito ang mga utak at puso niy...