Chapter 11

57 4 0
                                    

Lander's POV

"Punta tayo starbucks." Sabi ni Daniela "Treat ko." Sabi niya tiyaka ngumiti.

"Gusto namin yan." Sabi ni Larky at ngumiti ng malawak.

Wala ako sa reyalidad ko ngayon, masyado akong lutang lalo't yong mga kilos ni Bernice ay iba, yong suot niya. ngayon ko lang siya nakita nag ganon, oo mahilig siya sa mga dress,mag ayos, pero first time ko lang siya nakita mag ganon. Ewan ko! Ano kayang ngyari sakanya?

"Hoy! Anong order mo?" Tanong ni Larky kaya naman bumalik ako sa reyalidad ko.

Hindi ko namalayan na nandito na pala kami. At naka upo na pala ako, hindi ko napansin.

"Kahit ano nalang." Sabi ko tiyaka sumandal sa Upuan.

"Dre bakit ka tulala?" Tanong ni Xender.

"May naisip lang ako, na nag pagulo ng utak ko." Sabi ko tiyaka tumingin sa labas. Halos hindi na maalis ng mata ko ang tingin don sa puno.

May babaeng nakatalikod tas naka tinangala. Pamilyar siya sakin! Kaya naman pag harap niya hindi ako nag kamali, si bernice.

"Bernice!" Sabi ko tiyaka mabilis na lumabas, alam ko nakatingin sila xender sakin.

Mabilis ko siyang hinabol, matamlay siyang nag lalakad.

"Bernice!" Sigaw ko kaya naman napahinto siya, nasa likod na niya ako.

Pag lingon niya ngumiti siya tiyaka natumba nalang bigla. Kaya naman mabilis ko siyang nasalo!

"Bernice!Bernice!" Sabi ko at inalog alog siya, ang init niya.

"Anong nangyari?" Biglang sulpot nila Daniela.

"N-natumba nalang siya bigla!" Natatarantang sabi ko, kaya naman umiling iling si Jayron at lumapit samin. Hinawakan niya ang ulo ni Bernice, tiyaka nilabas ang Panyo niya sa Bulsa niya.

"Xender, basain niyo ito." Sabi ni Jayron na mabilis na inabot kay xender, binuhat ni Jayron si Bernice at dinala sa gilid. Nandito kami ngayon sa Park dahil sabado ngayon. Hindi ko alam kong bakit anong ginagawa niya dito!

"Ang taas ng lagnat niya." Sabi ni Daniela. "A-ano bang ginagawa n-niya d-dito?" Natatarantang tanong din niya.

"Wala tayong alam, kong bat napunta siya dito." Sabi ko at tinignan si Bernice.

Pag dating nila Xender ay mabilis na inabot niya kay Jayron ang panyo, kaya naman mabilis na pinunas ni Jayron ang Mga ulo,braso ni Bernice.

Binuhat niya ito.

"Kailangan natin siya iuwi sa bahay nila." Sabi ni Jayron.

"Hindi natin alam bahay nila." Sabi naman ni Larky.

"Alam ko." Sabay naming sabi ni Jayron, kaya naman nag tinginan kaming dalaaa pag tapos non ay dinala na sa kotse niya.

Sumakay na ako sa kotse ko.

Ano ba naman kaseng pinag gagawa mo bernice? at tiyaka ano naman ginawa mo sa Tapat ng puno? Baka naman may kinakausap kang demonyo don? Tsk, sa takot ko binilisan kuna pag takbo ng kotse ko, kaya naman sakto lang din ang dating ko don.

"Ito ba bahay nila?" Tanong ni Larky."Ang laki din pala." Sabi niya tiyaka binuksan nong Guard sa labas ang pinto, pag pasok mo may dalawang guard nanaman sa mag kabilang side.

"A-anong nangyari kay Mam?" Tanong nong Yaya nilang nag di-dilig na Halaman.

"May lagnat." Sabi ni Xender, buhat padin ngayon ni Jayron si Bernice. Pag pasok namin don ay biglang napatalon si Aliee.

THE F4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon