Chapter 17

41 3 0
                                    

Lander

Tinaggal ko ang sando ko, hindi pa ako kontento dahil mainit parin yong kwarto ko. Kahit naka todo na ang aircon!

Naupo ako sa Sofa at kinuha ang cellphone ni Bernice, ay finger print? Hmmm alam ko na!

Mabilis ako lumapit sakanya, at nilagay ang isang daliri niya sa button ng cellphone niya at yon! Nabuksan.

Bumalik ako sa sofa! Pag tingin ko ng wallpaper niya. Yong wall niya naka damit siya ng LightBlue na tshirt at tiyaka naka pants na medyo maluwang. At tiyaka may hawak siyang Shake!

Tinignan ko agad ang mga Gallery niya. Ang ganda niya talaga!

Nong gumalaw siya ay mabilis kong binack ang cellphone niya at nilapag sa Sofa.

"Ahhhh!" Sigaw niya tiyaka tinakpan ang mukha niya. "Anong nangyari bat naka tanggal ka ng damit?" Sabi niya at tinaggal ang kamay niya. "Mag suot ka nga!" Sabi niya at nahiga ulit.

"Bakit? Kwarto ko naman toh eh, kaya pwede kong gawin kahit anong gusto ko." Sabi ko tiyaka ngumisi.

"Argh! Nakaka turn off ka!" Sabi niya at bumuntong hininga. "Anong oras na?" Tanong niya.

"8:30." Sabi ko kaya naman napatayo siya.

"Ano?! 8:30?!" Sabi niya tiyaka humarap sa salamin. "Wahhhhh! Wag mong sabihin na ik--"

"Hey, si Yaya nag palit sayo! Bat naman kita papalitan? Maha-- eh lalaki ako!" Sabi ko at inirapan siya.

"Sabagay!" Sabi niya at napatingin sakin ng tumayo ako. Titig na titig siya sakin!

"Ang aga-aga, ginugutom mo sarili mo." Sabi ko at sinuot ang sando ko.

"Yuck bakit naman kita pag nanasahan?" Sabi niya at sinuot ang tsenelas ko. "Pang kapre naman ata toh?" Sabi niya tiyaka lumapit sakin. "Tara! Nagugutom na ako." Sabi niya at hinawakan ang kamay ko. Pag baba namin ay nandon si Trystal.

"Wag muna siya pansinin." Sabi ko

Pag dating namin don ay tinignan niya kami.

"Good morning." Sabi niya at tinaasan  ng kilay si Bernice" By the way, i have to go."Sabi niya tiyaka mabilis na lumabas ng bahay. Kaya naman naupo ako!

"Hi ija." Sabi ni Grandma kaya naman tinignan ko siya ng palihim.

Pag lapit niya dito ay nilapag niya yong tray.

"Ay hello po sainyo, good morning po."  Sabi naman ni Bernice.

"Ang ganda mo naman." Sabi ni Grandma. Kaya naman ngumiti si Bernice.

"Hindi naman po." Sabi niya at tumawa."kain po tayo. Ito po oh!" Sabi niya at nilagyan ng ulam yong plato at pati yong plato, ayan nanaman siya ang bait niya.

"Hindi na ija, nag almusal na ako." Sabi ni Grandma."kayo nalang dalawa. Mag pakasaya kayo!" Sabi ni Grandma tiyaka umalis.

"Psh! Hayaan mo na siya. Inaasar lang niya ako!" Sabi ko tiyaka kumain.

"Wag kasing Guilty." Sabi niya tiyaka natawa.

"Sino bang nag sabi na guilty ako?" Sabi ko at inirapan siya.

"Galit kana niyan? Sorry naaaa." Sabi niya tiyaka ngumiti.

"Psh!"

Pag tapos namin kumain ay hinila niya ako papunta sa labas.

"Saan yong pool niyo?" Tanong niya. Doling ata!

"Ayan oh, ang laki laki hindi mo makita?" Sabi ko at nag kamot ulo.

THE F4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon