Bernice
"San mo ba ako dadalin?" Tanong ko ko kay lander, kaya naman humarap siya sakin at hinawakan ang kamay ko.
"I'm sorry hindi ko sinasabi sayo na may ex ako. hindi ko sinabi sayo lahat!" sabi niya na patulo na ang luha. naiintindihan ko.
"ayos lang, naiintindihan ko naman." sabi ko at ngumiti. "Mahal mo pa ba?" tanong ko kaya naman umiwas siya ng tingin.
"hindi na. niloko niya ako, minahal ko naman siya." sabi niya kaya naman ngumiti siya. "Hindi ko alam kong bat siya bumalik dito sa pilipinas." sabi niya at huminga ng malalim.
"baka naman may balak siyang balikan ka, kaya siya bumalik dito? tiyaka halata naman na gusto ka pa niya at gusto ka niya balikan." sabi ko kaya naman tumingin na siya sakin.
"Gusto? babalikan niya ako ngayon dahil wala na sila ng dati niya? ang bobo ko naman pag binalikan ko pa siya." sabi niya kaya naman hinila ko siya maupo sa may damohan.
"Alam mo kasi ganyan din ako dati." sabi ko kaya naman taka siyang napatingin sakin.
"G-ganyan?" utal na tanong niya.
"Oo, nong highschool kasi ako. may naging boyfriend din ako. wala lang type ko lang kong anong feeling na may boyfriend. then ayon na nga, nag break kami dahil sabi niya sakin pagod na siya, nawawalan na siya ng time sakin parang hindi na ako yong priority niya, parang nasa iba na. parang ang cold na niya sakin parang hindi na siya yong dating nakilala ko. nag desesyon ako ng ilang days kong papakawalan ko na siya. tas nong nakapag isip na ako non, pumunta ako sa classroom nila tas pag kita ko. may kasama na siyang iba." sabi ko sakanya at ngumiti habang naka tingin sa mga ulap
"T-tapos a-anong nangyari?" tanong niya.
"Natulala nalang ako bigla, alam mo yong feeling na Bigla kana lang natulala? kaya pala hindi na ako priority niya. kasi nasa iba na, tas sinabi niya pang mag kaibigan lang sila. kaya ang sabi ko 'Mag kaibigan? ngayon ka pa mag dadahilan sakin? eh kitang kita ko na.' masakit lang kasi kahit ganon minahal ko naman siya." sabi ko kaya naman huminga siya ng malalim.
"alam mo? ganyan din ako. nag punta kasi sa US si gela non dahil sabi ng daddy niya bago siya mamatay. ay don mag mag ko-koleyo si gela. then kahit ayaw ko pinilit ko nalang sarili ko, mahirap din naman kasi ang long distance. then pinilit ko sila dad na mag aral don. pero hindi sila pumayag kaya naman wala akong choice kong hindi tumakas nalang nilabas ko lahat ng pera ko sa banko ko. then pag dating ko non sa US ay don din ako nag aral. mga 1year before, umuwi ako dito sa pinas para dalawin si mommy dahil nag kasakit siya non ng cancer. then nag bakasyon nadin ako dito, 5months bumalik ako sa US tas pag dating ko don, nandon sa loob ng bahay ko si Gela . kaya naman lumapit ako tas sinabi ko sakanya 'mukhang alam na alam mo talaga yong araw kong kailan balik ko dito sa US.' sabi ko pero naka tingin lang siya sakin habang pabagsak na ang luha niya. tas sinabi niyang Engage na siya, kaya naman hindi ko din mapigilan maluha. kaya naman mga 5days nag decide akong umuwi nalang dito sa pinas, nag lagok ako ng nag lagok, parang wala ako sa sarili ko. halos lahat sila sinasabing, hindi na ikaw yong Lander na nakilala namin." kwento niya kaya naman tinignan ko siya.
"Pero swerte ka naman sakanya dati?" tanong ko kaya naman tumingin siya sakin.
"Oo, pero mas se-swertehen ako pag nasakin kana." sabi niya kaya naman inirapan ko nalang siya.
"wtf? tara na nga. may klase pa tayo!" sabi ko tiyaka hinila siya patayo.
nag lalakad kaming dalawa. nang makita namin si Larky na nandon sa may hallway na nakikipag trash talkan sa babae.
"Think you're handsome?" sabi nong babae na sikat din dito sa school namin.
"Why do you think you're beautiful? iws you look like a frog." sabi ni Larky na kinatawa ni Lander at nila Jayron.

BINABASA MO ANG
THE F4
Novela JuvenilNag aral si Bernice Averon Balce, sa University of Philippines -Diliman. upang makasama ang dati niyang mga kaibigan at para sa Pangarap niya. Kaso dahil sa maliit na pangyayari ay gugulo ang buhay niya, dahil sa F4. Lilito ang mga utak at puso niy...