Bernice
Nagising dahil sa sinag nang araw sa aking bintana. Kaya naman lumabas ako ng kwarto ko, at saktong palabas nadin si Aliee.
"Good morning Ma'am." Bati sakin ng dalawang guard. Kaya naman ngumiti ako tiyaka tumango bago nag punta kay Aliee.
"Ang aga mo ata magising?" Tanong niya habang umiinat pa
"Mahiya ka nga, baka naman ikaw?" Sabi ko at bumaba sa hagdan kasunod niya ako.
"Hoy! Baka nakakalimutan mo? Ginigising pa kita pag may pasok?" Sabi niya tiyaka naupo sa Sofa.
"Madam, kain na po." Sabi ni yaya kaya naman nag punta na ako sa upuan tiyaka kumain.
Habang kumakain ako, iniisip kong anong magandang Iregalo kay Daniela, nakaka hiya naman kase na pupunta ako don walang regalo. Tas mamaya isipin niya makiki kain lang ako. Tsk
Naupo si Aliee sa tabi ko.
"Ano bang ireregalo mo?" Tanong ni Aliee.
"Tingin nalang ako, yong mahal." Sabi ko tiyaka sumandal sa upuan.
"Eh bat hindi nalang don sa Mall namin?" Sabi niya tiyaka tumango tango pa. "Free don kahit anong kunin mo. HAHAHAHA!" sabi niya tiyaka nag aklo ng kanin. Kaya naman tumango nalang ako.
Kumakain kaming dalawa.
"Saan ba gaganapin birthday niya?" Tanong ko
"Sinabi niya sakin kagabi, don daw sa mansion nila." Sabi niya tiyaka nag simulang kumain. Kaya naman tumango tango ako.
Mga ilang minuto pa ay may tumawag sa cellphone niya, kaya naman mabilis siya nag punta sa kusina. A-aklo pa sana ako ng pagkain ng may mag doorbell, kaya naman nilapag ko sa spoon ko at huminga ng malalim bago tumayo. Sino naman kaya yon?
Nag lakad ako papunta pintuan, lalabas na sana ako sa pinto ng biglang bumungad sa harap ko si Lander.
"A-anong ginagawa mo dito?" Tanong ko kaya naman ngumisi siya, tiyaka may dalawang prutas.
"For you." Abot niya sakin. "I'm here to visit you." Sabi niya tiyaka sumandal sa Sofa, kaya naman bumuntong hininga ako at inabot kay Yaya ang prutas na hawak ko.
"Okay na ako. Kumain kana ba?" Tanong ko.
"Yes, kasama ko sila Xender. Kumain kami sa labas, kaso hindi na sila sumama sakin, pero si larky nandon sa Labas ng bahay niyo." Sabi niya kaya naman salubong kilay akong napatingin sakanya.
"Eh bat hindi mo pinapasok?" Takang tanong ko.
"A-ah may kinukuha pa sa Kotse niya, pasundo mo nalang kay Aliee sa labas." Sabi niya kaya naman tinignan ko muna siya.
"Aliee!" Tawag ko.
"Ohhhhh?" Sigaw niya.
"Tara!" Sabi ko kaya naman Lumabas siya sa kitchen na naka ngiti.
"Anong ngini-ngiti mo jan?" Sabi ko at inirapan siya
"None of your business." Sabi niya at inirapan ako. "Ano bang sasabihin mo?" Tanong niya.
"Sunduin mo si Larky sa Labas." Sabi ko kaya naman salubong kilay siyang napatingin sakin.
"Ano? Ayaw ko nga, bat kase hindi nalang siya pumasok dito?" Sabi niya tiyaka tumalikod, at aapak na sana sa hagdan.
"Susunduin mo oh tatadyakan ko paa mo, ng 10times?" Pananakot ko kaya naman bumuntong hininga siya at tumalikod ule paharap samin.
"Fine!" Padabog na sabi niya tiyaka inis na lumabas.
BINABASA MO ANG
THE F4
Teen FictionNag aral si Bernice Averon Balce, sa University of Philippines -Diliman. upang makasama ang dati niyang mga kaibigan at para sa Pangarap niya. Kaso dahil sa maliit na pangyayari ay gugulo ang buhay niya, dahil sa F4. Lilito ang mga utak at puso niy...