Chapter 1

10.2K 335 13
                                    

Klei Pov:

"Hoy klei bumangon ka na jan anong oras na!!!?"

Nagising yung diwa ko dahil sa sigaw ng aking magandang nanay nakalimutan ko pala mag-alarm kagabi kaya anong oras na ako nagising buti na lang ginamit ni nanay ang kaniyang mahiwagang bibig para magising ako haha

Ang ganda pa naman ng panaginip ko na-trap daw ako saka si Daniel Padilla sa isang isla at kami lang ang tao doon wala nang iba

Andoon na ako sa parte ng panaginip ko na maghahalikan na kami ni Daniel eh pero wala nagising lang ako sayang hahaha

Sana matuloy yung panaginip ko mamayang gabi

Tumigil na ako sa pag-iisip at tumingin ako sa orasan at napasigaw ako sa aking nakita

6:30 am na pala eh ang pasok ko 7:00, dali dali akong tumayo at pumunta sa banyo para magpaganda charot siyempre para maligo

Mabilisang kuskos sa katawan, shampoo sa buhok lang ang ginawa ko para di ako masyadong malate

Sa tansiya ko mga 15 minutes lang ako naligo malayong malayo sa 45 minutes kong pagligo kapag maaga akong nagigising haha

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako ng uniform ko at nagpabango, first day of class ngayon kaya kailangan maging maganda tayo

Pagkatapos kong magbihis ay bumaba na ako baka masigawan ulit ako ng aking ina

"Ma, alis na po ako!" Sigaw ko ng makababa ako

"Hindi ka ba kakain anak?" Tanong ni mama

"Di na po ma anong oras na eh sa school na lang siguro, babye labyu." Sabay halik sa pisngi ni mama.

"O sige pero hintayin mo at ipagbabalot kita ng tinapay para naman may kinakain ka habang nasa biyahe" sabi sa akin ng maganda kong nanay

Pagkabalot ni mama ng tinapay ay binigay niya na ito sa akin at agad na akong umalis para pumasok

Umalis na ako sa bahay at dali dali akong sumakay ng jeep papunta sa aking paaralan, pagkababa ko ay dali dali akong tumakbo upang maabutan ko ang ang aking unang klase, 7:05 na kasi at limang minuto na akong late sa aking klase.

Magpapakilala pala muna ako sa inyo ang dami ko nang nasabi pero di niyo pa pala ako kilala haha

"ako pala si klei domingo im 17 yrs.old na at isa akong bakla at proud ako doon hindi kami mayaman at hindi din kami mahirap bale may kaya lang, dalawa kaming magkapatid at ako ang bunso yung kuya ko ay college na at ako 4th year high school pa lamang. Tinataguyod kami ng aming magulang at pinalaki nila kami bilang isang mabuting bata

Oo isa akong bakla pero hindi ako cross dresser hindi ako yung tipo ng bakla na nagmamake-up at nagsusuot ng maikling short kasi gusto ko maging simple lang

Pero natry ko na dati na magsuot ng pambabae noong nagplay kami sa english ng romeo and juliet ako yung napili nilang gumanap bilang juliet kasi nagkasakit yung dapat na gaganap nito

Sabi nila bagay daw sa akin mag suot ng pambabae kasi mukha daw talaga akong babae pero di ko sila pinakinggan at di ko na inulit pang magsuot ng pambabae

Ang aking tatay ay sa isang company nagtatrabaho at ang aking nanay ay business woman at tanggap nila kung ano ako kaya mahal na mahal ko sila.

Hindi ako panget sa katunayan maputi ako at maamo ang mukha ko baby face sabi nga nila maraming lakaki ang napagkakamalan akong babae minsan dahil sa kagandahan kong taglay haha

Papaliko na sana ako nang may mabunggo akong lalaki

nagulat ako ng makita ko ang kagwapuhan niyang taglay ngunit halata mo sa mukha niya na galit siya dahil sa pagkakabunggo ko dito kaya agad akong humingi ng tawad baka kasi ano pang gawin neto sa akin

"Sorry hindi ko sinasadya sige babye!" sigaw ko at dali daling tumakbo

"Hoy! San ka pupunta? humanda ka sa akin kapag nagkita tayo ulit!" dinig kong sigaw neto ngunit mabilis ako tumakbo kaya di niya na ako naabutan.

Tumakbo ako kasi baka kapag kinausap ko pa siya magtalo pa kaming dalawa at lalo pang tumagal ang pag-uusap namin eh late na pa naman ako

Wala na akong oras para kausapin pa siya at baka ano pang magawa niya sa akin

Nako sana hindi ko siya maging kaklase mukha pa naman siyang transferee bago ko pa lang kasi siya nakita dito halos lahat kasi ng nandito sa school nato ay kabisado ko na ang mga itsura kaya ganon

Papasok na ako sa classroom namin at mabuti na lang at kasabay ko lang pumasok ang aking guro kaya di ako na-late

"Good morning sir!" masiglang bati namin sa kaniya

"Okay good morning din class pwede na kayo umupo" umupo na nga kami lahat at nag-introduce muna siya.

"Ako ang magiging adviser niyo at ako rin ang guro niyo sa Araling Panlipunan ako si sir Arnel reyes pero tawagin niyo na lang akong MR.A para tipid sa laway" sabi nito na ikinatawa namin

Nagtawanan naman dahil doon ang aking mga kaklase

"Ok class introduce yourself muna tayo" at yun na nga nag introduce na kami at ako ang huling tinawag.

"Hi im Klei Domingo, just call me Klei and i hope we can all be friends and im proud to say that im gay thankyou!"

Pagkatapos non ay dali dali na akong umupo akala ko tapos na kaming lahat magintroduce ngunit nagsalita si MR. A

"ok class meron kayong magiging bagong kaklase transferee ito kaya sana maging mabait kayo sa kaniya, o pasok na iho"

Niluwa ng pinto ang lalaking matangkad gwapo at maputi na nakabanggaan ko kanina kaya ako ay labis na kinabahan.

"ok introduce yourself" sabi ni MR.A

"HI IM CLARK SANDER VENTURA BUT YOU CAN CALL ME SANDER IM 18 YRS. OLD AT SANA MAGING MAGKAIBIGAN TAYO LAHAT DITO LALONG LALO NA SAYO" sabay turo niya sa akin habang nakangisi kaya lalo tuloy akong kinabahan at ang aking mga kaklase ay nagsitilian pa dahil dito.

Gusto ko ng kainin ng lupa dahil sa sobrang kaba ko!

-------------------------------------------------------------

AN:
GUYS NAGUSTUHAN NIYO BA YUNG UNANG CHAPTER? COMMENT KAYO PLEASE

AT SANA PATULOY NIYO PO AKONG SUPORTAHAN

MAG-UUPDATE PO AKO KAPAG MAY NAGCOMMENT

SALAMATSU!<3

Ang Crush Kong Transferee ( BOYXBOY) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon