Chapter 21

2.2K 109 0
                                    

Klei Pov:

Lunes na ngayon at maaga akong gumising para maligo at makapasok na sa school

Papasok ako ngayong araw kasi hindi ko naman kqilangan magmukmok sa bahay para umiyak lang ng umiyak walang mangyayari sa akin kung ganon

Pumunta na ako sa baniyo para maligo, pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako at bumaba na para mag-almusal

Si Mama at papa ang nadatnan ko sa sala pagkababa ko, himala andito ngayon si papa siguro wala siyang pasok kaya andito siya

"Good Morning Pa, Good Morning Ma" bati ko sa kanila pagkaupo ko

"Good Morning din anak" bati ni mama

"Good morning din anak, bakit parang namamaga mata mo anak umiyak ka ba?" Biglang sabi ni papa na ikinakaba ko

"Ah-eh hindi po pa kagat lang po siguro ng ipis" palusot ko sa kaniya

"Maghihilamos ka kasi bago matulog para hindi ka iniipis" wika ni papa

"Si-sige po" utal kong sagot

Pagkatapos kong kumain ay nagpaalam na ako kina mama at papa para pumasok, nagcommute lang ako dahil ito lang naman talaga ang lagi kong ginagawa kapag wala si sander

Pagkababa ko ay tinungo ko na agad ang daan papunta sa classroom namin, may mga mata na namang nakatingin sa akin habang ako ay naglalakad siguro nagtataka sila kung bakit hindi ko kasabay si sander

Hindi ko na lang sila pinansin at dumiretso lang sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa classroom namin

Pagkapasok ko sa loob ay nakita ko si sander at Jonas na nakaupo na sa upuan namin pero hindi ako doon umupo pumunta ako doon sa tabi ni zine at doon ako naupo

Ayoko muna siyang kausapin dahil sariwa pa ang pangyayari

"Uy beks ok ka na ba? Dapat hindi ka muna pumasok" wika ni zine

"Ay nako beks ok na ako atsaka wala naman akong dahilan para magmukmok sa bahay" sagot ko dito

"Ay tumpak ganern yan beks dapat ipakita mo na hindi siya kawalan" sabi ni zine

Hindi ko na siya sinagot pa at nakinig na lang ako sa lesson ng mga teacher namin buti at hindi nangulit si sander ngayon

(Ringggggg) bell na hudyat na recess na namin kaya agad kong hinila si zine para kumain sa canteen

"Prince pasabay ako ah" sabi ko kay prince pagkababa ko sa canteen

"Bakit diba anjan naman si sander?" Tanong nito

"Ay nako sige na huwag ka na magtanong please" pagmamakaawa ko sa kaniya

"Sige na nga akin na pera mo" sabi niya kaya inabot ko na yung pera ko

Umupo na kaming lahat at buti na lang hindi dito umupo si sander kasi ayoko magkaroon ng awkward moments sa aming lahat

Maya maya pa ay dumating na si prince dala dala yung mga pagkain namin at pagkalapag niya nito ay nilantakan agad namin ito

Natapos kaming kumain ng maayos pero nakaramdam ako na sasabog na yung pantog ko kaya pinauna ko na silang umakyat at dali dali na akong pumunta sa cr

Pagkapasok ko sa cr ay walang tao kaya umihi na agad ako sa isa sa mga cubicle doon, narinig kong may nagbukas ng pinto ng cr pero di ko na pinansin at umihi na lang

Pagkalabas ko ay nakita ko si sander na nakatayo sa harap ng pintuan

"Babe kausapin mo naman ako please hindi ko kaya yung ganito" sabi ni sander habang tumutulo yung mga luha niya

Hindi ako sanay na nakikita siyang umiiyak kaya nakaramdam ako ng awa para sa kaniya pero dapat kong ipakita sa kaniya na matatag ako

"Wala na tayong pag-uusapan pa umalis ka diyan at lalabas na ako" sabi ko dito

"Please babe kaya kong ipaliwanag ang lahat" umiiyak niyang sabi

"Ang sabi ko hindi mo na kailangan pang magpaliwanag lubayan mo na ako hindi kita kailangan" sabi ko sabay labas sa cr

Paglabas ko ay doon na bumuhos lahat na luha ko naiiyak ako sa nangyayari sa aming dalawa hindi ako sanay ng ganito pero siya naman ang may kasalanan kung bakit kami nagkakaganito

Napagpasiyahan kong umuwi na lang sa amin para hindi ko na siya makita pa

Pagkauwi ko ay dumiretso na ako sa kwarto ko buti na alng walang tao sa bahay siguro umalis silang lahat kaya ganon

Umiyak lang ako ng umiyak doon sa kwarto ko, binuhos ko na ang lahat ng luha ko para kapag magkaharap ulit kami hindi ako iiyak sa harap niya

Umiiyak si sander kanina at di kaya na puso ko na makita yung taong mahal ko na umiiyak pero wala dapat siyag karapatan para umiyak dahil una sa lahat siya ang dahilan ng lahat ng ito

Sa sobrang pag-iiyak ay di ko namalayang nakatulog na pala ako

--------------

Kinagabihan ay nagising ako sa katok ni mama

"Anak gumising ka na diyan maghahapunan na sumabay ka na sa amin ng papa mo" sabi ni mama mula sa labas

"Pababa na po ma" sagot ko dito

Tumayo na agad ako para pumunta sa baniyo pagkarating ko dito ay tiningnan ko ang itsura ko sa salamin at namamaga ang mata ko kaya naghilamos ako ng bongga para di masiyadong halata na umiyak ako

Pagkatapos kong maghilamos ay bumaba na ako para maghapunan

Pagkababa ko ay nakita kong nandoon sina mama at papa kumakain na kaya sumabay na din ako

"O anak maaga ka raw umuwi ng school niyo?" Sabi ni mama

"Ah opo ma bigla po kasing sumama yung pakiramdam ko kanina" palusot ko na sana paniwalaan nila

"Ayos ka na ba anak?" tanong ni papa na nagpahinga sa akin ng maluwag dahil naniwala sila sa palusot ko

"Opo pa tinulog ko lang po at nawala din po yung sakit na nararamdaman ko" ani ko

"O sige anak kumain na tayo para makapagpahinga ka agad" wika ni mama

Natapos kaming kumain at pagkatapos non ay umakyat na agad ako sa taas para magpahinga

Pagkaakyat ko ay nakita ko ang cellphone ko sa ibabaw ng kama ko kaya tiningnan ko ito

Puro missed call at text lang mula kay sander ang nakita ko pero hindi ko na ito pinagtuunan pa ng pansin at natulog na lang ako ng mahimbing

-------------------------------------------------------------

AN:
KAILAN KAYA SILA MAGKAKABATI? ABANGAN SA SUSUNOD NA CHAPTER

PLEASE VOTE AND COMMENT PO

SALAMATSU!

Ang Crush Kong Transferee ( BOYXBOY) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon