Chapter 5

4.9K 236 10
                                    

Klei Pov:

Maaga akong nagising dahil na set ko na ang alarm clock ko sa wakas! Haha
Pagkagising ko ay pumunta agad ako sa banyo para maghilamos na at makababa na ako para sa almusal

Ngayong araw kasi ako pupunta sa bahay ni sander kasi kailangan naming magpractice para sa performance namin sa MAPEH

Pagbaba ko ay naabutan ko si mama na kumakain kaya dali-dali na ako umupo at nagsandok ng pagkain, habang kumakain kami ay nagpaalam na ako kay mama na hindi ako dito maglu-lunch kasi doon na ako kila sander makikikain haha

"Ma doon po ako sa bahay ng classmate ko maglulunch kasi magpapractice pa kami para sa performance namin sa MAPEH" sabi ko dito

"Sige anak aalis din naman ako at may aasikasuhin ako mag-ingat ka doon ha” sabi ni mama sa akin

"Opo ma” sagot ko dito

Pagkatapos kong kumain ay dumiretso na ako sa banyo upang maligo at makapagbihis na, pagkabihis ko ay may bumusinang sasakyan kaya sumilip ako sa bintana at nakita ko ang sasakyan ni Sander

Dali dali agad akong pumunta sa salamin at naglagay ng lip tint para hindi magmukhang dry yung lips ko

Kailangan kissable tayo tingnan para ma-attract yung mga boys hehe ang landi ko ba?

Pagkababa ko ay naaninag ko ang gwapong lalaki na nakaupo sa sofa namin sh*t ang gwapo niya sa suot niya naka tokong siyang puti at plain black t-shirt parang BADBOY pero gwapo talaga siya

"Baka matunaw naman ako niyan" sabi niya sa akin kaya mabilis akong umiwas ng tingin sa kaniya nakakahiya kasi kasalanan niya naman to eh bakit ba kasi ang gwapo niya ngayon

"Tara na para matapos agad tayo” pag-iiba ko ng usapan agad din naman siyang lumabas ng bahay at pinagbuksan pa ako ng pinto ng sasakyan niya naisip ko tuloy na gentleman siya parang nasa kaniya na ata lahat ah gwapo na gentleman pa san ka pa?

Pagpasok namin sa kotse ay agad niya itong pinaandar at maya maya pa ay huminto kami sa isang malaking bahay na maganda ang pagkaka disenyo

Mukhang sa kanila nga to kasi pinark niya sa loob yung kotse niya eh, ang ganda naman ng bahay nila

"Wow ang ganda at ang laki” sabi ko dito ng makapasok kami sa loob ang linis lang tingnan ng bahay nila parang nahihiya tuloy ako pumasok kasi baka madumihan lang

"Salamat, tara kain na tayo para makapagsimula na tayong magpractice" yaya nito sa akin at agad ko namang pinaunlakan gutom na rin kasi ako eh nagutom ako sa biyahe haha

Pagkatapos naming kumain ay agad kaming umakyat sa kaniyang kwarto upang makapagsimula ng magpractice

Pagkapasok namin sa loob ay namangha ako sa ganda ng kwarto niya ang linis parang di siya yung nakatira dito

Ang ganda ng combination ng kulay ng kwarto niya red and black lalaking lalaki tingnan

Di ko na ito masiyado pang pinansin at tinanong ko na siya kung ano yung kakantahin namin para sa monday

"Oy panget ano gusto mong kantahin natin para sa presentation?” tanong ko sa kaniya

"Tagpuan na lang ni Moira maganda yun eh” sabi niya sa akin pumayag na ako kasi maganda naman talaga yung kantang yun

"Ay sige sige maganda yan” sabi ko sa kaniya nagsimula na kaming magpractice at masasabi kong maganda ang kinalabasan neto

Sa tingin ko may ibubuga kami ni sander sa pagkanta bagay sa amin yung kanta at siyempre maganda din yung collab namin ni Sander

Pagkatapos naming magpractice puro papuri lang ang natanggap ko sa kaniya eh gusto ata ako nitong paliguan ng mga papuri eh

"Payat ang ganda pala ng boses mo parang babae” sabi niya sa akin na ikinangiti ko

"Salamat, mas maganda kaya yung boses mo" balik ko dito

"Pareho lang tayo payat kaya bagay tayo eh” sabi niya sa akin na ikinagulat ko

"Ba-bagay tayo?" takang tanong ko dito

"ahh-ehh o-oo bagay tayong magpartner kasi maganda pareho boses natin” utal niyang sabi

Ayan nag-assume pa kasi ako yan tuloy nasaktan lang ako, oo matagal na akong may lihim na pagtingin kay sander nahulog ako sa pagiging mabait niya pero di ko pa ito pinapaalam sa kaniya baka kasi lumayo siya sa akin kapag nalaman niya ito

Duwag na kung duwag pero ayaw ko lang talaga masaktan alam ko namang lalaki siya at babae ang gusto niya kaya ayaw kong ipaalam yung nararamdaman ko sa kaniya

"Hoy payat tulala ka jan?” pagputol niya sa pag-iisip ko

"Ahh-ehh wala tara na baba na tayo ng maka-uwi na ako" tatayo na sana ako sa kaniyang kama pero bigla niya akong hinila at napahiga tuloy ako sa ibabaw niya at ang mas ikinagulat ko ay ang paglapat ng labi niya sa akin

Oh my! sa pagdampi ng kaniyang labi sa aking labi ay para pang may mga paru-paro sa aking tiyan at para bang may kung anong kuryente ang dumaloy sa buong katawan ko

Dali dali agad akong tumayo at napayuko sa sobrang kahihiyan nahihiya ako sa nangyari sa amin

"u-uhhm sorry” sabi ko habang nakayuko parin

"Ahh-ehh ako dapat ang magsorry kasi kasalanan ko naman” sabi niya sa akin

"Kalimutan na lang natin to hindi naman natin to ginusto eh” dugtong pa niya  na siyang nagpakirot sa aking puso

kaya dali dali agad akong nagpaalam sa kaniya at lumabas

"Ahh sige una na ako baka gabihin pa ako eh” sabi ko at tumango lang ito

Pumara agad ako ng jeep dahil Gusto ko ng maka-uwi at ilabas lahat ng nararamdaman ko, pag ka uwi ko ay dumiretso agad ako sa kwarto ko at nilock ang pinto

Doon na ako umiyak dahil di ko matanggap na ganon ganon na lang yun na gusto niyang kalimutan, kung siya kaya niyang kalimutan pwes ako hindi, siya kasi yung unang humalik sa akin nakakainis talaga siya.

tama na siguro dapat ko na siyang iwasan para di na ako mahulog ng sobra sa kaniya kasi di naman niya ako kayang saluhin

Sa pag-iiyak ko di ko namalayan nakatulog na pala ako..

-------------------------------------------------------------

AN: ANO KAYA ANG MANGYARI SA KANILANG LOVE STORY?

ABANGAN PO ANG SUSUNOD KONG UPDATE BUKAS

PLEASE VOTE AND COMMENT

SALAMATSU <3!

Ang Crush Kong Transferee ( BOYXBOY) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon