Klei Pov:Kinabukasan nagising ako na may ngiti sa aking labi dahil sa wakas ay nasabi ko na din kay sander ang aking nararamdaman at ang nagpadoble pa ng aking mga ngiti ay ang malaman na mahal din pala ako ni sander at handa niya akong ligawan para lang mapatunayan niya yung kaniyang pagmamahal sa akin
Bago ako maligo ay nagvibrate ang cellphone ko kaya agad ko itong kinuha at tiningnan kung sino ang nagtext sa akin, napangiti ako ng mabasa ko ang text niya sa akin
"Good Morning babe, susunduin kita ngayon ha maligo ka na" text sa akin ni sander na nagpangiti sa akin
"Good Morning din, opo maliligo na po" reply ko dito
Mukhang magsisimula na siya sa panliligaw sa akin ha nakaka excite
Hindi ko na hinintay pang magreply siya at agad na akong pumunta sa banyo upang gawin ang aking morning rituals
Pagkatapos ko maligo ay nagbihis na ako at bumaba upang kumain pag baba ko ay nagulat ako ng makita ko si sander dito sa loob ng bahay ang aga niya naman ngayon
parang kakatext niya lang kanina ha tapos ngayon andito na siya sa baba ganon na ba ako katagal sa banyo?
"Paano ka nakapasok dito panget" tanong ko dito
"Siyempre sinabi ko kay manang na manliligaw mo ako kaya pinapasok niya agad ako" wika nito sabay kindat na nagpaakyat ng mga dugo ko papunta sa ulo ko
"loko talaga to si manang, oh paano kumain ka na ba? Baka kasi gusto mo sumabay sa akin mag-almusal"
"Oo naman gusto ko tara kain na tayo" aya niya sa akin
Pagkaupo ko ay magsasandok na sana ako ng kanin ng pigilan niya ako
"Ako na babe" sabi niya, ang sweet niya ngayon ha siguro maraming nakain tong candy kaya naging ganto haha
"Ah-eh sige" at yun nga siya na ang nagsandok ng pagkain ko at nagsimula na kaming kumain
Maya-maya pa ay natapos na kami kumain kaya lumabas na kami sa bahay para makapasok na kami
"Tara babe dala ko kotse ko sakay na" wika niya at agad akong pinagbuksan ng pinto para makapasok, naiisip ko tuloy kung ano nakain nito ni panget kung bakit ang gentleman niya ngayon
Pagkapasok niya ay pinaandar niya na agad ang sasakyan patungo sa school, habang pinapaandar niya ito ay tinanong ko siya
"Oy panget ang gentleman mo ata ngayon ha, ano nakain mo?" tanong ko dito
"Ano ka ba babe siyempre gusgo lang kitang ingatan kasi sabi nila ang kayaman daw dapat iniingatan eh para sa akin ikaw ang kayamanan ng puso ko" sabi niya na ikinapula ko kaya agad kong iniwas ang aking tingin
"Oy kinilig siya" sabi niya habang nakatitig pa rin sa daanan
"Hi-hindi kaya" utal kong sabi
"Eh bakit namumula ka wag mong sabihin na naiinitan ka lang kasi naka bukas naman yung aircon dito" nako wala na ata akong takas sa tanong niya
"O-o na kinikilig na ako ikaw kasi eh" pagsuko ko dito
"Sabi na nga ba eh, masanay ka na babe kasi araw-araw kitang papakiligin at papaligayahin" sabi niya sa akin
Di ko na lang siya sinagot at nang makarating na kami sa aming school ay pinark niya na agad ang kaniyang sasakyan at agad na lumabas upang pagbuksan ako ng pinto
"Salamat" sabi ko dito na tinanguan niya naman kaya tinungo na namin ang daan papunta sa aming classroom
Pagkapasok namin sa aming classroom ay agad na ako naupo sa dati kong upuan kung saan katabi ko si sander
Habang nakaupo ako ay tinanong ako ni zine
"Oy beks sabay ata kayo ni fafa sander ngayon ah, wala na ba kayong LQ?" Tanong niya sa akin na ikinabigla ko
"Sshhhh! Ang ingay mo bakla baka marinig ka ni sander saka ano bang pinagsasabi mong LQ?" Tanong ko dito
"eh diba noong mga nakaraang araw sa akin ka tumatabi tsaka sumasabay kapag recess kaya akala ko nagka-away kayo ni fafa sander" wika nito
"Ah-eh wala yun meron lang maliit na di pagkakaintindihan" sabi ko sa kaniya
"Ah okay sabi mo eh" sabi niya sa akin sabay ayos ng upo at humarap sa balck board kasi anjan na si MR. A
Lesson
Lesson
Lesson
Break
Lesson
Lesson
Bell
Mabilis na lumipas ang oras at uwian na namin, kanina niyaya ako ni sander na magmall at pumayag naman ako kaya sabay na kaming lumabas ni sander upang pumunta sa parking lot ng school, pagkarating namin doon ay sumakay na agad kami sa kotse at pinaandar niya na ito
Pumunta kami sa isang mall malapit dito sa aming school, pagakarating namin doon ay niyaya ko agad si sander na mag-arcade dahil matagal na akong di nakakapunta dito
Naging masaya ang paglalaro namin sa arcade at nang magutom kami ay niyaya na ako ni sandet upang kumain sa isang fast food chain dito sa loob ng mall
Agad akong humanap ng pwesto dahil si sander na ang mag-oorder ng pagkain namin, paborito ko dito ang spag nila tsaka sundae at fries kaya yun ang pina-order ko sa kaniya
Hilig ko kasi na isawsaw yung fries sa sundae ang sarap lang talaga kasi ng lasa niya kapag pinagsama sila
Napaayos ako ng upo ng maramdaman ko si sander na umupo sa harapan ko
"Ang lalim ata ng iniisip mo ha" wika nito sabay lapag ng mga inorder namin
" Ah-eh sakto lang" sabi ko kaya tumango na lang siya bilang pagsagot
Pagkatapos naming kumain ay nagpasiya na kami umuwi anong oras na din kasi hindi rin namin namalayan yung oras nang maglaro kami sa arcade napasarap kasi kami sa paglalaro eh
'ah sige salamat sander sa panglilibre mo sa akin pasok na ako sa loob" Wika ko nang makarating kami sa tapat ng bahay namin
"Sige bye babe" sabi niya sa akin sabay halik sa pisngi ko sabay alis
"Baliw ka talaga panget!!" sigaw ko dito pero mukhang di niya ako narinig kaya pumasok na ako sa loob para makapagpahinga na
-------------------------------------------------------------
AN: ABANGAN NIYO NEXT UPDATE KO LATER OR BUKAS
PLEASE VOTE AND COMMENT KUNG NAGUGUSTUHAN NIYO YUNG KWENTO
PAKIKISAMA LANG MGA PREND.
SALAMATSU!
BINABASA MO ANG
Ang Crush Kong Transferee ( BOYXBOY) (COMPLETED)
RomanceAko si Klei isang simpleng bakla na may pangarap sa buhay at ngayong pasukan ay inaasahan ko na magiging katulad rin ito ng mga pasukan dati ngunit nagkamali ako dahil may makikilala ako na isang lalaki na siyang babago ng ikot ng mundo ko. Maging m...