AN: IDEDICATE THIS CHAPTER TO ALL OF YOU WHO READ MY STORY SPECIALLY TO THOSE PEOPLE WHO SHOWS THEIR SUPPORT. THANKYAH!
-------------------------------------------------------------
Klei Pov:"Papa si kuya oh kinuha yung yayuan ko" sabi ng anak ko habang naka pout
"Kuya magshare na kayo ni bunso ng laruan niyo" sabi ko sa kuya nila
5 years na ang nakalipas at eto kami magkasama pa rin ni sander, may anak kaming dalawa yung panganay ay si Nathan na 8 years old na at yung bunso namin ay si Brix 6 years old
Pareho silang lalaki, ang mga anak namin ay bunga ng surrogacy ang panganay ay nabuo mula sa semen ni sander at yung bunso naman ay nagmula sa semen ko
Maayos naming pinalaki ni sander ang dalawa naming anak, siyempre mahirap pero hanggat magkasama kami ni sander ay kinaya namin ang hirap
Masaya ako dahil nagkaroon ako ng mga anak, sila ang tumupad sa pangarap ko na magkaroon ng isang pamilya yung aalagan ko at iingatan ko na parang isang kayamanan
Sa tingin ko ay naging makabuluhan ang buhay ko mula ng dumating ang dalawa naming anak dahil meron na akong mga anak na aalagaan at palalakihin
Tamang pag-aaruga ang ibinibigay ko sa kanilang dalawa para lumaki sila bilang isang mabuting bata
"Babe ang lalim ata ng iniisip mo ah?" Wika ni sander na nagputol sa pag-iisip ko
" May naalala ako babe" sabi ko rito
Andito kami ngayon sa park dahil napagpasiyahan naming ipasiyal ang dalawa naming anak
Malaki ang pinagbago ng relasiyon naming dalawa ni sander dahil mas naging matatag at sweet kami sa isa't-isa, may mga naranasan kaming problema pero nalalagpasan din naman namin at sa tingin ko ito ang naging dahilan para mas lalong tumibay ang relasiyon naming dalawa ni sander
Sabay kaming nagtapos ni sander sa kursong business management at pagkatapos naming grumaduate ay nagpakasal din agad kami makalipas ang ilang buwan
Sa amerika kami nagpakasal dahil doon legal ang same sex marriage hindi katulad dito sa pilipinas
Naging masaya ang kasal naming dalawa ni sander dahil kumpleto ang mga kaibigan ko maging sina jonas at lea ay naroon rin
Pagkatapos ng mga ginawa sa amin nila lea at jonas ay pinatawad pa rin namin sila dahil alam kong nadala lang sila ng kanilang mga damdamin kaya nila nagawa yun
Simpleng handaan lang ang naganap sa aming kasal at kumpleto rin doon ang bawat pamilya namin na talagang todo suporta sa aming dalawa.
Pagkatapos naming magpakasal ay napagpasiyahan namin ni sander na magtayo na isang restaurant at sa di inaasahan ito ay lumago hanggang sa dumami na ang branch ng restaurant namin sa buong bansa.
"Babe ang galing no, hindi natin alam na magkakatuluyan pala sina michael at zine" saad ni sander
"Oo nga babe pati nga rin sina lotty at prince eh di ko inaasahang magiging sila pala at tingnan mo naman sila ngayon ang sasaya na nila sa bawat pamilyang mayroon sila" ani ko
Si zine at michael ay nagkatuluyan sa huli akala naming magkakaibigan ay nagbibiruan lang sila kapag nag-aasaran ayun pala doon sila nahulog sa isa't-isa
Lagi ngang ikinukwento sa akin ni zine na ang saya saya niya dahil nakilala niya si michael di niya rin daw akalain na mahuhulog sila sa isa't-isa dahil kilala naman namin tong si michael bilang isang cassanova, yung lalaking katawan lang ang habol tapos kapag tapos na iiwan ka lang
Napansin nga ng mga kaibigan namin na nag-iba si michael simula ng maging sila ni zine haha nakahanap si michael ng katapat niya.
Si lotty at prince naman ay masaya na rin sa kanilang pamilya mayroon silang isang anak na babae at masaya nila itong inaalagaan at pinapalaki ng maayos
Naikwento sa akin ni lotty na si prince daw ang unang nagtapat na may gusto ito sa kaniya pero si gaga ayun nagpakipot daw at hindi muna ito sinagot pero ang sabi niya yung mga oras daw na yun ay may gusto na din daw siya kay prince di niya lang sinasabi dahil gusto niyang malaman kung sincere si prince
"Babe tulala ka na naman ano ba yang iniisip mo?" Takang tanong sa akin ni sander
"Naisip ko lang babe yung mga magagandang bagay na nagyari sa buhay natin" ani ko
"Isa ba ako sa magagandang pangyayari diyan sa buhay mo?" Tanong ni sander habang taas baba ng kaniyang kilay
"Siyempre naman babe ikaw kaya ang nagbigay mg kulay sa buhay ko kung alam mo lang" sabi ko na ikinatuwa niya
"Alam mo babe ikaw yung pinakamagandang blessing na binigay sa akin ni lord dahil ikaw ang nagpabago sa buhay ko siyempre kasama na din doon ang mga anak natin" saad nito
"I love you babe" ani ko
"I love you too babe" sagot siya sabay halik sa labi ko
"Uy si daddy at papa nagkiss" sabi sa amin ni nathan
"Daddy ako din kiss nyo" sabi naman sa amin ni Brix
"Siyempre naman ikaw pa ba" sagot dito ni sander
At kiniss nga namin siya.
----------------------THE END------------------------
AN: NAGUSTUHAN NIYO PO BA ANG ENDING?PLEASE LEAVE A COMMENT PO KUNG NAGUSTUHAN NIYO
SALAMATSU!
BINABASA MO ANG
Ang Crush Kong Transferee ( BOYXBOY) (COMPLETED)
RomantizmAko si Klei isang simpleng bakla na may pangarap sa buhay at ngayong pasukan ay inaasahan ko na magiging katulad rin ito ng mga pasukan dati ngunit nagkamali ako dahil may makikilala ako na isang lalaki na siyang babago ng ikot ng mundo ko. Maging m...