Klei Pov:
Lumipas ang isang linggo at ngayon ay sabado na simula nung nangyaring okrayan samin ni lea ay hindi na siya nangulit pa sa akin pero siguro gumagawa na yun ng matindi niyang hakbang para agawin sa akin si sander na hindi ko naman papayagan
Ngayong araw ay tinext ako ni sander na magde-date daw kami, siguro isa ito sa mga pakulo niya sa panliligaw sa akin nung mga nakaraan araw kasi lagi niya ako binibigyan ng flowers at chocolate
Nararamdaman ko na totoo talaga si sander sa panliligaw sa akin kaya hindi ko na papatagalin pa ang kaniyang panliligaw at ngayon araw din ay sasagutin ko na siya
Naniniwala kasi ako na kung mahal niyo ang isa't-isa hindi mo na papatagalin pa at sasagutin mo na siya baka maunahan pa ako ng iba jan diba?
Kaya naligo na ako at nagbihis simple lang ang suot ko naka high ways at simpleng white t-shirt lang na may tatak na LOVE, oo minsan trip ko magsuot ng pambabae kasi sabi naman nila bagay sa akin mukha daw akong babae
Bumaba na ako para hintayin ang sundo ko kasi binilisan ko na magbihis para hindi na siya paghintayin pa at maaga kaming makaalis
Maya maya pa ay may bumisina na sa labas ng bahay namin kaya agad na akong nagpaalam kay mama kasi alam kong si sander yun eh
"Ma alis na po ako anjan na po si sander" alam na ni mama ang tungkol sa panliligaw ni sander at tanggap niya ito oh diba ganiyan ka supportive si mama sa akin
"Oh sige anak mag-ingat kayo ha gumamit ng proteksiyon ha para ligtas" sabi niya na ikinapula ko
"Ma ano bang sinasabi mo eh hindi pa nga kami eh atsaka wala pa yan sa isip ko" sabi ko naman
"Oo sige na anak umalis ka na naghihintay na sayo si sander sa labas" sabi niya kaya lumabas na ako at paglabas ko ay nakita ko kung paano lumaki abg kaniyang mata at bibig
"Oy nabigla ka ata" sabi ko dito
"A-ang ganda mo ngayon babe" sabi niya na dahilan ng pag blush ko
" Bolero ka talaga tara na nga nang makaalis na tayo" sabi ko sa kaniya at agad na sumakay sa sasakyan
Pumarada ang kaniyang sasakyan sa SM MOA maganda dito kasi ang laki nito at maganda ang view ng sunset sa seaside mamaya
Una naming pinuntahan ang time zone eto kasi ang paborito naming gawin ni sander kapag magkasama kami ang mag-arcade pagkapasok namin sa loob ay hinila niya ako sa basketball yung dapat mong ishoot yung bola para magkaroon ka ng ticket
"Babe pustahan tayo" sabi niya sa akin
"Ha eh hindi ako sugarol no" sabi ko dito na ikinatawa niya
"Hindi naman pera kailangan eh" sabi niya sa akin
"Ha eh ano? Tanong ko dito
"Paramihan tayo ng mashoshoot tapos kapag nanalo ako gagawin mo ang sasabihin ko tapos kapag ikaw naman ang nanalo gagawin ko lahat ng sasabihin mo" wika nito
"Sige ba" sabi ko dito hindi ko alam kung bakit ako pumayag alam ko namang matatalo ako eh pero nadala ako ng excitement ko kaya pymayag na ako
At ayun nga natapos ang pagshoshoot nanin ng bola at sa inaasahang mangyayari si sander ang nanalo
"Babe paano ba yan ako ang nanalo handa ka na ba gawin ang sasabihin ko?" tanong niya habang nakangisi
"Ano ba kailangan kong gawin?" Tanong ko sa kaniya
"Simple lang, ikikiss mo lang dito" sabay turo sa labi niya na ikinabigla ko
"Ha? Iba na lang please wag muna yan" pakiusap ko dito
"Hindi pwede kapag di mo nagawa ako ang gagawa" sabi niya sabay halik sa labi ko smack lang naman pero nagtagal ito ng limang segundo
"Ayiiiiieeeeeh" rinig kong sigaw ng mga tao kaya nahiya ako bigla di ko kasi namalayan na pinagtitinginan na pala kami ng mga tao
"Ba-baliw ka talaga tara alis na tayo dito" sabi ko sabay hila sa kaniya
"Babe gutom ka na ba saan mo sutong kumain?" tanong niya sa akin ng makalabas kami sa timezone
"kahit saan na lang panget ikaw bahala" wika ko dito
At ayun na nga kumain kami sa isang fast food chain na paborito naming kainan ni sander kapag pumupunta kami sa mall
Pagkatapos namin kumain ni sander ay niyaya ko siya pumunta sa seaside ng MOA para panoorin ang sunset
Pagkarating namin doon ay naupo agad kami sa isang malaking bato doon, habang naghihintay kami ay inutusan ko muna si sander na bumili ng ice cream doon malapit sa inuupuan namin
Maya maya pa ay may kumausap sa akin na lalaki
"Hi, pwede po bang magtanong? Sabi sa akin ng lalaki impernes ang gwapo niya ha
"Ah oo naman po ano po ba yun?" Tanong ko dito
" May nakita ka bang babae dito maputi at mahaba ang buhok ito yung itsura niya oh" sabay pakita niya sa akin picture nito
" ay oo nakita ko siya dito kanina pero umalis din agad pumasok ata sa loob ng mall eh" sabi ko dito
" ah sige salamat" sabay kurot sa pisngi ko na ikinabigla ko
"Pasensiya na ha ang cute mo kasi eh sige bye na" sabi niya sa akin at iniwan akong nakatulala
Pagtingin ko sa kaliwa ay nakita kong nakatingin sa akin si sander ng masama mukhang nakita niya yung pagkurot ng lalaki sa pisngi ko ha
"oh eto ice cream mo" cold niyang sabi sa akin
"Sander yung nakita mo wa-" pinutol niya ang sasabihin ko
"Ok lang hindi pa naman tayo eh kaya pwede mong gawin yun" sabi niya habang nakatingin parin sa dagat
"eh bakit ang cold mo sa akin ngayon?" Tanong ko dito
"Cold? hindi kaya" sabi niya sa akin
"We nagseselos ka lang eh" pang-aasar ko dito
" ha? Hindi kaya" sabi niya
"We? Wag ka na magselos BABE hindi ko naman type yun eh saka nagtanong lang sa akin yun" sabi ko at pinagdi-inan ang salitang babe nakita ko kung paano siya ngumiti
"Eh kasi naiisip ko lang kung kailan mo ako sasagutin para may karapatan na ako sayo at mapagsigawan ko sa buong mundo na akin ka na at wala ng makakalapit sayong lalaki" sabi niya sa akin
"Sweet mo naman Babe kaya naman di ko na papatagalin pa at sinsagot na kita" sabi ko na ikinabigla niya
"Ha ano babe di ko narinig paki ulit please" pakiusap niya sa akin
"Sabi ko sinasagot na kita"
" yes wooooh! Kami na" sigaw niya sabay buhat sa akin
"Oy ibaba mo nga ako pinagtitinginan na tayo oh nakakahiya" sabi ko dito kaya ibinaba niya na ako
" salamat babe at sinagot mo na ako hindi ko ipapangako na hindi kita papaiyakin pero gagawin ko ang lahat para lagi kang masaya kapag kasama ako" sabi niya na ikinapula ko
"I-ilove you babe" sabi ko sabay halilk sa labi niya smack lang naman
-------------------------------------------------------------
AN: KUNG NAGUSTUHAN NIYO PLEASE VOTE AND COMMENT PO
SALAMATSU!
BINABASA MO ANG
Ang Crush Kong Transferee ( BOYXBOY) (COMPLETED)
RomanceAko si Klei isang simpleng bakla na may pangarap sa buhay at ngayong pasukan ay inaasahan ko na magiging katulad rin ito ng mga pasukan dati ngunit nagkamali ako dahil may makikilala ako na isang lalaki na siyang babago ng ikot ng mundo ko. Maging m...