Klei Pov:
Biyernes na ngayon at andito ako sa table namin kapag recess at si sander ay nakapila doon as always naman diba
Ngayon ko pa lang sasabihin kay sander yung tungkol sa pag-uwi ni kuya dito para makita siya, nakwento ko na dati kay sander na mayroon akong kuya na nag-aaral sa malayong lugar kaya alam niya na yun
Maya maya pa ay dumating na si sander dala dala ang mga pagkain namin kasama niya lagi bumili si prince tutal sila lang namang dalawa ang lalaki dito kaya sila na ang pinabili namin
"Babe may sasabihin pala ako sayo" sabi ko pagkaupo niya
"Ano yun babe?" Tanong niya sa akin
" diba nasabi ko sayo na may kuya ako na nag-aaral sa malayong lugar?" Wika ko
"Ah oo bakit?" Tanong niya sabay kagat sa binili niyang burger
"Uuwi kasi siya dito sa sabado at gusto ka daw niya makita" sabi ko na nagpatigil sa kaniyang pagkain
"Ba-bakit daw?" Ani nito
"Gusto ka daw kasi niya makilala" sabi ko dito
"Ah si-sige" utal nitong sabi
"Huwag kang mag-alala mabait yun sadiyang mahal lang talaga ako non kaya gusto niya makilala ng mabuti yung boyfriend ko" ani ko
"Sige babe punta na lang ako sa inyo sa sabado" sabi nito
"Sige babe"
------------------
Sander Pov:
Araw ng sabado ay maaga akong gumising dahil ngayong araw uuwi ang kuya ni klei kaya dapat maging disente ako tingnan para hindi naman nakakahiya sa kuya niya
Pumunta na ako sa banyo para gawin ang aking morning rituals
Pagkaligo ko ay nagbihis na ako ng simpleng plain white t-shirt at black ng tokong sabay spray ng paborito kong pabango kailangan maging mabango ako para kay klei.
Maaga akong umalis sa bahay para hindi ako malate nakakahiya naman sa kuya ni klei kung ganon, sumakay na ako sa kotse ko at pinaandar na ito
Pagkarating ko sa bahay nila klei ay nagdoor bell na ako at ang nagbukas nito ay si manang ang kasambahay nila klei
"Good morning sir" sabi nito sa akin
"Good morning din po manang, nako huwag niyo na po ako tawaging sir sander lang po ok na" ani ko na ikinatango niya lang
"Anjan po ba si klei" tanong ko dito
"Ay oo pasok ka andoon siya sa taas nagbibihis ngayon kasi darating ang kuya niya" wika nito
"Ah sige po" sabi ko sabay upo sa sofa nila
Maya maya pa ay bumaba na si klei at sa inaasahan nga naman ang ganda niya ngayon kaya ang swerte ko sa kaniya eh mabait na maganda pa.
"Hi babe ang aga natin ah" sabi nito sa akin
"Hi din babe siyempre nakakahiya naman sa kuya mo kung late ako diba" ani ko na ikinatawa niya
" haha tara babe doon tayo sa sala andoon na si mama" ani nito
At pumumta na nga kami sa sala nila at naabutan namin ang mama niya na naghahanda ng makakain namin ngayon
"Good morning po tita" sabi ko sabay beso
"Oh good morning anak ang gwapo natin ngayon ah" wika nito
"Ay salamat po, ano po bang maitutulong ko sa inyo?" Tanong ko
"Ay nako hindi na kailangan anak patapos na din ako maupo na kayo diyan at parating na din ang kuya ni klei" ani nito
"Sige po" sabi ko sabay upo doon sa sala nila habang hinihintay pa ang kuya ni klei
Kinakabahan ako pero di ko ipinahahalata sa kanila ayoko magmukhang awkward sa hatap nila
Maya maya pa ay may nagdoorbell sa kanila hudyat na may tao sa labas lalo tuloy akong kinabahan dahil alam kong kuya na iyon ni klei
"Oh anak kamusta ka matagal din tayong di nagkita ha" sabi ni tita pagkabukas niya ng pintuan
"Kuyaaaaa!" Sigaw ni klei sabay yakap sa kuya niya
"Bunso namiss ka ni kuya asan yung boyfriend mo gusto kong makita" rinig kong sabi ng kuya niya na lalong nagpakaba sa akin
" kuya meet sander boyfriend ko po"
"Sander meet kuya calvin"
"Good morning po" bati ko sabay abot ng kamay para makipagshake hands pero tinapik niya lang ito
"Kain na muna tayo mamaya na kita kakausapin" sabi niya kaya umupo na kami
Hawak hawak ni klei ang kamay ko siguro nararamdaman niya yung kaba ko sa mga oras na toh
Pagkatapos naming kumain ay nagsalita na si kuya calvin
"Ikaw pala ang boyfriend ng bunso namin?" Ani nito
"O-opo" sabi ko
"Alam mo naman siguro ang kasarian ng kapatid ko" wika nito
" opo at tanggap ko po iyon" wika ko dito
"Oh sige bunso iwan niyo muna kaming dalawa" sabi niya kay klei
"Sige kuya" sabi ni klei sabay tayo kaya ang naiwan ay dalawa na lang kami ng kuya niya
"Mahal mo ba talaga ang kapatid ko?" Biglang tanong nito sa akin
"Opo kuya calvin mahal na mahal ko po ang kapatid niyo kahit ano pa man ang kasarian niya tanggap ko po siya at masaya po kaming nagmamahalan" wika ko
"Mangako ka na hindi mo sasaktan ang kapatid dahil sa oras na malaman kong pinaiyak mo siya ako na mismo ang gagawa ng paraan para magkahiwalay kayo" sabi ni calvin na nagpakaba sa akin
"Hindi po ako nangangako na hindi ko siya masasaktan pero gagawin ko ang lahat para lagi siyang masaya kapag kasama niya sa ako" wika ko
"O sige nakikita ko namang mabuti ang intensiyon mo sa kapatid ko gusto ko lang sabihin sayo na prinsesa ang turing ko sa kapatid kong yan kaya sana ganon ka din"
"Opo kuya calvin tinuturing ko po siyang prinsesa ng buhay ko" sabi ko dito
"Ok papayagan na kitang maging boyfriend ng kapatid ko sa isang kundisyon" sabi niya na ipinagtaka ko
"A-ano po yun" ani ko
"Huwag mo na ako tatawaging kuya calvin na lang ok na nakakatanda eh" sabi niya na ikinatawa ko
"Haha yun lang po ba masusunod calvin" sabi ko sa kaniya
"Oh tara na baka isipin nila pinahirapan kita dito haha"
At yun na nga naging maganda naman ang pagkikita namin ni calvin at masaya ako dahil tanggap na ako ng buong pamilya ni klei
Pagkatapos nun ay nagbonding kami nanood kami ng pelikula sa bahay nila at naging masaya lang kami
-------------------------------------------------------------
AN:
NAGUSTUHAN NIYO PO BA ITONG CHAPTER? PLEASE VOTE AND COMMENT MGA BEKSSALAMATSU!
BINABASA MO ANG
Ang Crush Kong Transferee ( BOYXBOY) (COMPLETED)
RomanceAko si Klei isang simpleng bakla na may pangarap sa buhay at ngayong pasukan ay inaasahan ko na magiging katulad rin ito ng mga pasukan dati ngunit nagkamali ako dahil may makikilala ako na isang lalaki na siyang babago ng ikot ng mundo ko. Maging m...