AN: SALAMAT PO SA LAHAT NG PATULOY NA SUMUSUPORTA SA AKING ISTORYA MABUHAY KAYO HAHA!
_________________________________________Sander Pov:
Lumipas ang marami pang araw at ngayon ay thursday na at sa sabado na ang araw na pinakahihintay ko dahil mag mo-monthsary na kami ni klei
Dumaan ang mga araw wala namang panibagong nangyari sa aming dalawa ni klei maayos naman kami sa mga nagdaang araw pero siyempre may di maiiwasang mga tampuhan pero nagbabati din kami agad
At ito pa ang nagpapatibay ng relasiyon namin at masaya ako na maganda naman ang work ng relationship namin
Andito ako ngayon sa school at break na namin at di muna ako sumama kila klei at nagpaalam ako sa kaniya na may kailangan akong gawin
Kasama ko ngayon sa loob ng gym ang tatlo kong mga kaibigan
Si Michael siya yung tipo ng lalaki na mahilig sa mga babae yung mahilig magparty tapos bibingwit ng babae tapos ikakama niya lang at iiwan buti na lang hindi ako ganiyan kasi siguro di ako magugustuhan ni klei kapag ganiyan ako haha
Si Ayo, siya naman yung pinakamatalino sa amin, matalino din naman kaming lahat pero siya yung pinakamatalino sa amin yung kapag may hindi kami alam siya yung nilalapitan namin ang bait diba?
At ang huli ay si Jem siya yung tipo ng lalaki na di mahilig sa mga party at babae siya yung lalaking focus lang sa pag-aaral para di mapariwara ang buhay hehe
"Uy dre ano bang kailangan mo at bakit mo kami tinawag?" Tanong sa akin ni michael
"Malapit na kasi kami mag monthsary ni klei at gusto ko sana siyang surpresahin baka may alam kayo kung ano ang maganda kong gawin?" Sabi ko sa kanila at bigla naman silang napaisip
"Aha! Alam ko na" sabi sa akin ni ayo
"Bakit haranahin pagkagising niya tapos pagkatapos nun dalhin mo siya sa lugar na maganda or something special" wika ni ayo na sinang ayunan naming lahat kasi maganda din naman ang concept niya very effort
" oo nga dre ang ganda ng naisip mo yan na lang ang gagawin ko pero tulungan niyo ako ha" sabi ko sa kanila
"Aba'y oo naman ikaw pa atsaka tropa naman tayo eh" wika ni jem
" ayos yan tol salamat ha" sabi ko na ikinatango nila
"Pero may naisip ka na ba kung anong kanta ang kakantahin mo kapag hinarana mo si klei?" Tanong ni ayo
"Sa totoo niyan ang naisip kong kantahin ay yung WEAK by michael pangilinan ang ganda kasi ng kantang yun eh bagay kay klei" wika ko sa kanila
"Oo pre maganda nga yun suportado kita jan" sabi ni michael, actually magagaling din kumanta tong tatlong ugok na to kaya marami ding nagkakagusto na mga babae at kabaklaan sa kanila eh
"Oh sige salamat ulit ha balik na ako baka hinahanap na ako ni klei" sabi ko
"Sige una na din kami" sabi nilang lahat na tinanguan ko lang
Pagkatapos kong magpaalam sa kanila ay bumalik na ako sa classroom at buti na lang absent ang next subject namin kaya may free time kami
Umupo ako sa tabi ni klei at binati ko siya
"Hi Babe" sabi ko sabay halik sa pisngi niya na ikinamula niya
"He-hello din babe andito ka na pala tapos na ba yung kailangan mong gawin?" Tanong niya sa akin
"Oo babe pasensiya na ulit ha kung hindi kita nasamahan kumain kaninang break" wika ko dito
"Ano ka ba babe ok lang sabi ko diba huwag mo ng isipin yun" sabi niya
"Hehe i love you babe" sabi ko sa kaniya
"I love you too babe" sabi niya sa akin
Sana magtagumpay at magustuhan niya yung gagawin kong surpresa sa kaniya kasi gusto ko maging masaya siya sa first monthsary namin at gusto ko memorable yun para naman atleast nadagdagan na naman yung magagandang nangyayari sa buhay niya
Laking pasalamat ko talaga sa kaniya kasi dahil sa kaniya mas nagpursige ako sa pag-aaral kasi siya yung naging inspirasyon ko sa bawat araw na pumapasok ako sa paaralan
"Ang lalim ng iniisip mo babe ah?" Sabi bigla ni klei sa akin na nagpatigil sa pag-iisip ko
"Ah wala yun babe mah naalala lang ako" palusot ko dito
"Ahh sige " sabi niya sa akin
Dumating na ang next teacher namin at nagsimula na nga itong magturo
Lesson
Lesson
Bell (ringgggg)
At natapos na din ang aming klase at dumating na din ang oras na paborito ng lahat, ang uwian haha
Napagpasiyahan kong ihatid si klei para di na siya mahirapan pang magcommute
Lumabas na kaming dalawa at pumunta sa parking lot dala ko kasi ngayon ang kotse ko
Pagkapasok namin ay pinaandar ko na ang kotse ko at habang pinapaandar ko ang kotse napansin kong nakatulog na pala itong si klei pero hinayaan ko lang siya alam ko namang pagod siya eh
Maya maya pa ay nakarating na kami sa tapat ng bahay nila, hindi ko na siya ginising at binuhat ko na lamang siya ng dahan dahan para hindi siya magising
Kumatok ako at si manang ang nagbukas ng pinto nila
"Oh ano nangyari jan sa batang yan at nakatulog ng mahimbing?" Tanong sa akin ni manang
"Ah eh napagod po ata pero ako na pong bahala iaakyat ko na lang po siya sa kuwarto niya para makatulog ng maayos" sabi ko kay manang
"O siya sige na para makauwi ka na din naabala ka pa ata nitong si klei eh" ani ni manang
"Nako hindi po, sige po akyat na po kami" wika ko dito
Pagkaakyat namin sa kuwarto niya inilapag ko siya ng dahan dahan sa kama niya para di siya magising
"I love you babe" sabi ko dito sabay halik sa noo niya
At pagkatapos nun ay lumabas na ako at umuwi, napagpasiyahan ko kasing magsimula na gumawa ng letter na ibibigay kong letter kay klei sa sabado
Sana marami pang monthsary ang dadating sa relasiyon naming dalawa ni klei at tumagal ka kami
_________________________________________
AN:
PLEASE VOTE AND COMMENT GUYS, SUBCRIBE PO KAYO SA YOUTUBE NAMIN NG MGA KAIBIGAN KO "LUWANG FAM"SALAMATSU! <3
BINABASA MO ANG
Ang Crush Kong Transferee ( BOYXBOY) (COMPLETED)
RomantizmAko si Klei isang simpleng bakla na may pangarap sa buhay at ngayong pasukan ay inaasahan ko na magiging katulad rin ito ng mga pasukan dati ngunit nagkamali ako dahil may makikilala ako na isang lalaki na siyang babago ng ikot ng mundo ko. Maging m...