Chapter 24

2.3K 109 0
                                    


Klei Pov:

Ngayong araw ay ang js prom namin kaya maaga akong gumising para maghanda sa prom mamaya

Naghilamos na ako at bumamaba para kumain, naabutan ko si mama na kumakain kaya sumabay na ako dito

"Good morning anak ready ka na ba para sa prom niyo mamaya?" Tanong nito sa akin pagkaupo k

"Good morning din ma, opo ma nakahanda na po yung mga susuotin ko para mamaya" sagot ko dito

"Sige anak bikisan mo na jan para makaligo ka na" aniya kaya binilisan ko na ang pagkain

Pagkatapos kong kumain ay umakyat na ako sa taas para maligo at magpapresh dahil kailangan kong magmukhang maganda mamaya

Pinayagan ng school namin na mag cross-dressed ang mga bakla kaya ang susuotin ko ngayon ay gown, diba hindi papakabog ang ate niyo haha

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis muna ako ng simpleng damit dahil anjan na yung nirentahan ni mama na magme-make up sa akin ngayong araw

Sinimulan niya na mag make up at simpleng make up lang ang pinalagay ko dahil gusto ko magmukhang natural, nilagyan din niya ako ng extension sa buhok para babaeng babae ang dating

Pagkatapos niya akong make-upan ay nagbihis na agad ako ng susuotin ko para sa prom, suaunduin ako ni sander ngayon dahil kami ang magkadate sa prom kailangan sabay kami

"Anak bumaba ka na andito na si sander" sigaw ni mama mula sa baba

"Opo ma pababa na po" sabi ko kaya agad ko ng inayos ang aking sarili at bumaba

pagkababa ko ay nakita ko ang lalaking iniibig ko nakasuot siya ng white tuxedo shems ang gwapo niya

Pagkatingin ko dito ay bakas sa mukha niya ang pagkabigla dahil siguro sa ayos ko ngayon

"Ba-babe ikaw ba yan?" Takang tanong nito sa akin

"Oo babe ako to sino pa ba?" Sagot ko dito

"Babe ang ganda mo, hindi kita namukhaan" wika nito

"Ay nako babe alam ko na yan hahaha charot" sagot ko na ikinatawa niya lang

Umalis na kami sa bahay namin at pumunta na sa school para sa gaganaping Js Prom

Pagkarating namin sa labas ng school ay rinig na rinig mo na ang tugtog na nagmumula sa loob kaya agad na kaming pumasok

Sabay kaming naglakad ni sander sa red carpet at ang buong tao doon ay sa amin lang nakatingin

"Uy beks ikaw ba yan?" Tanong ni zine sa akin ng makarating kami sa table nila

Ang ganda din niya ngayon naka gown din siya at para talaga siyang babae

"Ay oo beks ako to, ikaw ang ganda mo ah" puri ko dito

"Ay beks sinabi mo pa pero ngayong gabi parehas lang tayo maganda walang lamangan haha" sabi niya na ikinataka namin

"Hahaha tama ka diyan beks" sabi ko sa kaniya

Dumating na halos lahat ng kasali dito sa prom dahil makikita mo na dumadami na ang mga tao dito

Ang ganda ng set up ng gym namin ngayon may stage sa gitna kung saan nagsasalita ang mga teachers at principal at may mga flowers aa gilid

"Ok good evening to everyone" wika ng principal namin sa stage kay natahimik kaming lahat

"Ok, i wanna say thankyou to those people who able to attend this prom and i hope we all enjoy this night, let's start the party!" Sabi ng principal namin na nagpasaya sa amin

"Woooooh!" Sigaw naming lahat kaya nagsimula na magsayaw ang mga couple

"Pwede ba kitang masayaw babe?" Tanong ni sander na pinaunlakan ko naman

"Oo naman babe basta ikaw" sabi ko sa kaniya

Pumunta kami ni sander sa gitna para sumabay sa ilang tao na nagsasayaw rin, nakita kong magkasayaw sina zine at michael pati na rin si lotty at prince mukhang may di sinasabi sa akin tong mga baklang to ha makausap nga kapag may oras ako

Pagkatapos naming sumayaw ay umupo muna kami saglit para magpahinga si sander ay nagpaalam na magccr kaya umalis muna siya saglit

Di ko pa nakikita ngayong araw na to si Jonas siguro di siya napunta sa mga ganitong klase ng event kaya wala siya dito

Maya maya pa ay biglang namatay ang mga ilaw kaya labis na naghiyawan ang mga tao sa sobrang takot

Nakarinig ako ng may mga basag kay labis akong kinabahan

"Sander nasaan ka?!" Sigaw ko

"Babe nasa--" bigla na lang naputol ang aking sasabihin ng may nagtakip sa bibig ko at pagkatapos nun something went black.

----------------
Sander Pov:

Palabas na ako ng cr ng mamatay ang mga ilaw at nakarinig ako ng sigawan ng mga tao kaya labis akong nag-alala ng maisip ko si klei

"Klei asan ka andito na ako" sigaw ko

Hinanap ko pa siya doon sa upuan namin kahit madilim pero di ko siya nakita

Maya maya pa ay biglang bumukas ang mga ilaw kaya agad ko na ulit hinanap si klei

"Klei asan ka na" sigaw ko pero bigo ako na makita siya

"Pre nakita ko si klei nakita kong dala dala siya ng mga nakaitim na lalaki at mukhang wala siyang malay" mabilis na sabi sa akin ni Ayo

"Ha? Asan siya?" Tanong ko dito

"Pre mabilis na umalis yung sinakyan nilang van kaya di ko na sila nasundan pa" aniya kaya bigla akong nalungkot dahil nahayaan kong makidnap siya dapat nandoon ako sa tabi niya para naprotektahan ko siya

"Uhmm teka pre gamitin mo kaya yung GPS mo para malaman natin kung nasaan siya" dagdag pa niya

"Oo nga no saglit lang pre titingnan ko" sabi ko kaya agad kong kinuha ang cellphone ko at laking pasasalamat ko dahil nakita ko kung nasaan siya

"Teka pre alam ko yan ah sa lumang warehouse yan malapit dito" sabi ni jems na ikinasaya ko

"Zine please ikaw na ang tumawag sa mga pulis para humingi ng tulong hindi ko na kaya pa na tumayo lang dito habang alam ko na nasa peligro ang mahal ko" sabi ko kay zine

"O sige sander pero mag-iingat ka may mga armas yun" paalala ni zine sa akin

"Ang mahalaga ay maligtas ko siya kaya aalis na ako" sabi ko

"Teka pre hintayin mo kami sasama kami" sabi ni michael

"O sige tara na" sabi ko kaya lumabas na kami ng school

Hintayin mo ako klei parating na ako ililigtas kita

-------------------------------------------------------------
AN:
ANO KAYA ANG MANGYAYARI KAY KLEI?
MAILIGTAS PA KAYA NI SANDER SI KLEI?

ABANGAN SA SUSUNOD NA CHAPTER

PLEASE VOTE AND COMMENT!

SALAMATSU!

Ang Crush Kong Transferee ( BOYXBOY) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon