Chapter 11

3K 147 10
                                    

Klei Pov:

Kinaumagahan nagising ako kasi sumigaw si mama sa labas ng kwarto ko kahit kailan talaga to si mama eh tutol sa masarap kong pagtulog

"Anak maligo ka na anong oras na!" sigaw niya mula sa labas ng aking kwarto

"Opo ma gising na po" sigaw ko din dito

Pagkatapos non ay pumunta na agad ako sa banyo para maligo at ginawa ang aking morning rituals

Nagsabon akong mabuti para maging maganda ang aking skin haha

Maya maya pa ay natapos na ako maligo at nagbihis na ako pero bago ako bumaba ay naglagay muna ako ng pulbo sa aking mukha at nagspray ng pabango para maging mabango tayo

Pagkatapos nun ay bumaba na ako para kumain at pagbaba ko ay nakita kong kumakain na si mama kaya umupo na din ako para sumabay

"Kamusta school mo anak" tanong sa akin ni mama pagkaupo ko

"Ayos naman ma kaya ko pa naman" sabi ko dito sabay sandok ng kanin

"May boyfriend ka na ba doon?" tanong niya na ikinabigla ko at nagpatigil sa pagkain ko

"Ah-eh siyempre ma wala pa po, study first po muna ako" sabi ko sa kaniya

"Tama tama, pero anak kung magkaboyfriend ka man ipakilala mo agad sa amin ha para makilatis naming mabuti ayaw ko kasing sa maling lalaki ka mapupunta ikaw kaya ang nag-iisang prinsesa namin" sabi kiya na ikinasaya ko kahit kailan talaga to si mama prinsesa na ang turing niya sa akin

"Sige po ma" sagot ko dito at bumalik na sa pagkain, kahit kailan talaga napaka supportive sa akin ni mama kaya lab na lab ko yan eh

Pagkatapos naming kumain ay dumiretso na ako sa labas kasi nagtext na sa akin si sander na nasa labas na raw siya at naghihintay sa akin

Pagkalabas ko ay nakita ko ang isa sa mga gwapong nilalang na nabubuhay sa mundong ito

"Oy ang gwapo ko ba?" Tanong niya sa akin na nagpatigil sa pag-iisip ko

"Ba-baliw di kaya, tara na nga baka malate pa tayo" sabi ko sa kaniya kaya agad niya akong pinagbuksan ng pinto para makasakay, pagkasakay naming dalawa ay pinaandar niya na ang sasakyan niya

Pagkarating namin sa parking lot ng school ay lumbas na kami sa sasakyan at tinungo ang daan papunta sa aming classroom

Nang makarating kami sa loob ay umupo na agad kami sa upuan namin sa likod at maya maya pa ay dumating na si MR. A ang first subject namin

Natapos ang iba pa naming subject at sumapit na ang MAPEH ang subject namin bago mag break

"GOOD MORNING MR. M" bati namin sa teacher namin sa mapeh

"Ok good morning class babaguhin ko ang seating arrangement niyo kaya maghanda na kayo" sabi niya na ikinalungkot ko kasi di na kami magkakatabi ni sander pero ok lang para naman makapagfocus ako sa klase kapag katabi ko kasi siya lagi niya akong kinakalabit tapos nakikipag-usap

"Ok class eto na ang magkakatabi" sabi niya tapos maya maya pa ay nabanggit na ang pangalan ko

"Mr. Domingo katabi mo si Mr. Charm (apelyido ni Prince) at si Mr. Zine varus" sabi niya na ikinasaya ko kasi katabi ko yung mga kaibigan ko

"At Mr. ventura ang makakatabi mo ay si Ms. Venice doon kayo uupo sa harapan nila Mr. Domingo" sabi niya na ikinakaba ko balita ko kasi may gusto siya kay sander eh pero naniniwala naman ako kay sander na ako lang ang mahal niya

At ayun pagkatapos namin ay nag-lesson na kami

maya maya pa ay nag bell na hudyat na break na namin kaya agad na kaming bumaba ni sander para kumain kasama namin sa table ang mga kaibigan ko para sabay sabay na kami kapag break

Pina-order ko na si sander at kami naman ay dumiretso na kami sa upuan namin, habang naghihintay kami kay sander ay may sumabunot sa likod ko kaya agad akong napalingon dito at nagulat ako ng makita ko si Lea

Siya si Lea Venice ang classmate naming patay na patay kay sander

"Anong problema mong babae ka?" Tanong ko dito habang nakataray

"Ay sorry may sarili kasing buhay tong kamay ko at sinasabunutan ang mga baklang desperado sa lalaki" wika niya na ikinagalit ko

"At sino namang desperado ha bruha?" tanong ko dito

"Ikaw kasi nabalitaan ko nililigawan ka daw ni sander magkano kaya ang binayad mo sa kaniya para ligawan ka niya mahal ba? Tanong niya at di na ako nakapagpigil at nasampal ko na siya

" at bakit mo naman ginawa yun?" tanong niya sa akin

"Ay sorry may sarili rin kasing buhay tong kamay ko eh at nananampal ng mga babaeng ingetera na pagkalaki laki ng joga na hindi niya naman ikinaganda" sabi ko dito habang nakangisi

Narinig ko pang tumawa ang ibang tao na nakakita sa pangyayari kaya sa sobrang kahihiyan ay umalis na lang siya agad at bumalik na ako sa pagkakaupo kasi paparating na si sander

"Ganda mo dun bakla ha may pagtaray ka" sabi sa akin ni zine na ikinatawa ko

"Ah wala yun nagalit lang talaga ako sa mga pinagsasabi ng bruhang yun" sabi ko dito

dumating na si sander dala dala ang mga pagkain namin at ito ay kaniyang nilapag na at nagsimula ng kumain

"Anong nangyari dito babe kanina bakit maraming tao? Tanong niya bigla habang kumakain kami na nagpatigil sa akin sa pagkain

"Ah-eh wala yun babe may natapon lang na kung ano jan kaya naki-chismis ang lahat" pagsisinungaling ko dito

"Ahh ok" wika nito

Kaya tinuloy na lang namin ang pagkain at di na inisip pa ang nangyari kanina para di na ako ma bad mood

Nakaka init kasi talaga ng ulo yung bruhang yun nako buto na lang nakapagpigil pa ako kahit papaano at sampal lang ang natikman niya nako kung di ako nakapagtimpi baka nasabunutan ko na yung bruhang yun

Hay nako di pa nga kami ni sander meron na agad akong kaagaw nako kailangan ko nang maghanda sa mga susunod na pwedeng mangyari

-------------------------------------------------------------

AN:
ANO KAYA ANG SUSUNOD NA MANGYAYARI SA LOVE STORY NI SANDER AT KLEI

ABNGAN!

GUYS NAGUSTUHAN NIYO BA?

PLEASE VOTE.

SALAMATSU!

Ang Crush Kong Transferee ( BOYXBOY) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon