Klei Pov:
Pagkalabas ko ng room ay naglakad na ako patungo sa canteen, oo umiiwas na ako kay sander para di na ako lubusang umasa na kaya niya rin akong mahalin kasi isa lang naman akong bakla
Alam ko namang mahirap para sa aming mga bakla ang makahanap ng totoong tao na magmamahal sa amin kahit na ganto kami
Pero akala ko sa pag-iwas ko ay makakalimutan na ng puso ko siya pero hindi mas lalo pang tumindi yung pagmamahal ko sa kaniya kahit na alam kong di niya rin ako mahal
Namiss ko yung mga bagay na ginagawa namin nung bati pa kami parang ayoko na nga siya iwasan kasi miss na miss ko na siya pero wala akong magagawa yun ang dapat para sa amin din naman to
Pagkapasok ko sa canteen ay dumiretso na ako sa table kung saan nakaupo si zine pati ang iba pa naming kaibigan, apat kami sa magkakaibigan
Si zine ang pinakamatalik kung kaibigan, since 1st year high school ay magkasama na kami sa pagpapalaganap ng kabaklaan sa school haha charot lang
Si Prince kaklase din namin siya ni zine actually kaming magkakaibigan ay napapabilang sa iisang section kaya pagdating ng exam may tulungang nagaganap haha si prince ay isang lalaki saka siya yung tipo ng lalaki na tahimik lang, kapag kinausap mo lang siya sasagot tapos kung sumagot tipid pa
At ang pinakahuli ay si lotty siya yung tipo ng babae na kalog tapos siya din yung tinatawag na baklang babae kasi ang harot niya kasi, kasama namin siya ni zine minsan kapag nagbo-boys hunting kami malalandi lang haha
Pagkaupo ko ay binigay ko na kay lotty yung pera ko kasi siya yung taga order ng pagkain naming magkakaibigan
"Lotty tulad padin ng dati yung sa akin" sabi ko dito sabay abot ng pera, alam niya na yun lagi ba naman kaming magpabili sa kaniya eh
"Sige, order na ako mga beks" sabi niya sa amin, napatango na lang kami, pagakaalis ni lotty ay bigla namang nagtanong itong si zine sa akin
"Oy beks bakit di mo kasabay si fafa sander? LQ ba kayo?" tanong niya sa akin na ikinagulat ko ng husto
"Anong LQ eh hindi naman kami saka kaya ako sumabay sa inyo kasi matagal ko na kayong di nakakasabay kapag break" pagsisinungaling ko dito sana naman maniwala siya
"Kung sabagay lagi nga kayong magkasama eh akala nga ng iba dito kayo na eh" sabi niya na ikina bilis ng tibok ng puso ko
"A-anong kami malabo mangyari yun straight yun eh" sabi ko dito
"Ok sabi mo eh" nasabi niya na lang sa akin
Maya maya pa ay dumating na si lotty dala dala yung mga pagkain namin at pagkaupo niya ay sabay sabay na kaming kumain
Pagkatapos namin kumain ay aakyat na sana ako para sa next subject kaso naramdaman kong sasabog na ang panubigan ko charot yung pantog ko kaya pinauna ko na sila saka tumungo sa cr ng school
Pagkapasok ko ay dumiretso na agad ako sa isang cubicle na walang tao, habang umiihi ako ay nadinig ko pa ang pagbukas ng pinto hudyat na may tao na pumasok pero di ko na lang pinansin kasi nga cr to kaya magkakaroon talaga ng tao dito
Pagkatapos kong umihi ay lumabas na ako upang maghugas ng kamay habang naghuhugas ako ng kamay ay may nagsalita
"Pwede ba tayong mag-usap klei?" Sabi niya sa akin na kahit di ko lingunin ay alam ko kung sino yun
"Ah-eh oo, ano ba pag-sasabihin mo sa akin? Utal na tanong ko dito
"iniiwasan mo ba ako dahil sa nasabi ko sayo? Tanong niya na may halong lungkot yung tono
"Hi-hindi bakit naman kita iiwasan" sabi ko sa kaniya habang nakatingin sa ibang direksiyon di ko kasi kayang tingnan yung mga mata niya kasi nawawala yung sama ng loob ko sa kaniya
"Tumingin ka sa akin klei bakit mo nga ako iniiwasan" sabi niya sa akin habang hawak yung dalawang braso ko
"A-aray sander nasasaktan ako bitawan mo ako" maluha-luha kong sabi sa kaniya
"SABIHIN MO MO MUNA KUNG BAKIT MO AKO INIIWASAN!!" Pasigaw niyang sabi sa akin na nagdulot sa akin ng kaba
"Gusto mo ba talagang malaman kung bakit kita iniiwasan?" at tuluyan ng pumatak ang mga luha ko
"O-o" sagot niya sabay bitaw sa akin
"Pwes, kaya kita iniiwasan kasi kapag kasama kita mas lalong tumitindi yung nararamdaman ko para sayo, Oo mahal kita sander pero di mo ako mahal kaya pinili ko na lang umiwas para di na lumala yung nararamdaman ko para sayo!"
Umiiyak kong sabi sa kaniya"Pero kahit umiiwas na ako sayo di parin nawawala yung nararamdaman ko para sayo mas lalo lang akong nasasaktan kapag pinipigil ko yung nararamdaman ko para sayo" sabi ko sa kaniya
"Masaya ka na ba ngayon na alam mo na kung bakit kita iniiwasan?" tanong ko dito
" k-klei pasensiya na kung dahil sa akin kaya ka nagkakaganiyan pero sana pakinggan mo din yung nararamdaman ko" sabi niya habang nakatitig sa akin, halata sa mukha niya yung lungkot na nararamdaman niya pero bakit?
"A-ano ba pinagsasabi mo?" Utal na tanong ko dito
"Klei mahal na din kita p*ta oo mahal na kita pero naging duwag ako nung una kaya di ko muna sinabi sayo pero ngayon na alam ko na mahal mo din ako naglakas loob na ako para sabihin tong nararamdaman ko para sayo kasi mahirap din para sa akin na makita kang umiiyak nang dahil sa akin" sabi niya sa akin na ikinagulat ko
"To-too ba yan?" tanong ko dito
"Mukha ba akong nagbibiro klei? Oo mahal kita kaya sana hayaan mo na iparamdam ko sayo kung gaano kita kamahal hayaan mo sana ako na manligaw sayo?" tanong niya sa akin na ikinabigla ko
Di ako nakasagot agad sa kaniya kaya nagsakita ulit siya
"Hahayaan muna kitang mag-isip klei pero sana payagan mo ako sige paalam na" sabi kiya sa akin sabay alis
Iniwan niya akong nakatulala dahil di ako makapaniwala sa mga nangyayari
-------------------------------------------------------------
AN:
NAGUSTUHAN NIYO BA ANG PAG-AMIN NILANG DALAWA? COMMENT KAYO PLEASE, ABANG ULIT KAYO SA NEXT UPDATE KO BUKASSALAMATSU!
BINABASA MO ANG
Ang Crush Kong Transferee ( BOYXBOY) (COMPLETED)
RomanceAko si Klei isang simpleng bakla na may pangarap sa buhay at ngayong pasukan ay inaasahan ko na magiging katulad rin ito ng mga pasukan dati ngunit nagkamali ako dahil may makikilala ako na isang lalaki na siyang babago ng ikot ng mundo ko. Maging m...