Chapter 13

2.9K 139 0
                                    

Klei Pov:

Lunes na ngayon at may pasok na nga ulit kami kaya maaga akong nagising para maligo at magpaganda haha siyempre kailangan nating magpaganda para kay sander

Kasi alam kong ginagawa niya din lahat para gumwapo sa paningin ko peto kahit di naman niya gawin yun gwapo naman talaga siya

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako ng mganda kong uniform tapos bumaba na para kumain

Pagkababa ko ay nakita ko si manang na naghahanda ng kanin para sa akin

"Good morning manang asan po si mama?" tanong ko dito

"Ah eh umalis na anak kanina pa bakit may kailangan ka ba sa mama mo? Tanong nito sa akin

"Ah wala naman po" wika ko

"Oh sige kumain ka na para maaga ka makaalis" sabi niya kaya agad na akong umupo at kumain

Pagkatapos kong kumain ay naupo muna ako sa sofa namin kasi ngayon nga ay hinihintay ko si sander sa baba tinext niya kasi ako na susunduin niya raw ako kaya hindi na ako tumanggi pa isang gwapo na ang susundo sayo aarte ka pa ba siyempre hindi na haha

Maya maya pa ay may bumisina na sa harap ng bahay namin kaya dali dali na akong nagpaalam kay mama kasi alam kong si sander na yun

Paglabas ko sa bahay ay nakita ko ang bubuo sa buhay ko si SANDER ang gwapo niya talaga pero siyempre di ko siya nagustuhan dahil lang sa gwapo siya nagustuhan ko din siya kasi napakabait niya sa akin

"Gwapo ko no?" tanong niya sa akin na nagpatigil sa akin sa pag-iisip

"Ha? Sino sabi?" tanong ko dito na ikinapout niya

"Joke lang ang gwapo mo talaga Babe" sabi ko sabay halik sa pisngi niya na ikinangiti niya

"Alam ko naman yun babe eh, babe para sayo oh" sabi niya sabay bigay sa akin ng flowers at chocolate

"Ang sweet mo naman babe thankyou ha" sabi ko dito

"Basta ikaw babe gagawin ko lahat para lagi kang mapasaya" wika nito na ikinapula ko

"Ah-eh salamat babe" sabi ko habang nakayuko

"Oh bakit nakayuko ka babe" tanong niya sa akin

"Ah wala-wala tara na baka malate pa tayo" sabi ko sa kaniya sabay pasok sa sasakyan niya

Pagkapasok namin sa loob ng sasakyan niya ay agad niya na itong pinaandar

Pagkapark niya ng sasakyan ay lumabas na kami at tinungo ang daan papunta sa aming classroom

Habang naglalakad kami ay nakatingin lahat sila sa amin hindi ko alam kung may dumi ba kami sa mukha kaya sila nakatingin sa amin

Hindi ko na lang sila pinansin at naglakad lang ng diretso papuntsa sa classroom namin

Nang makarating kami sa loob ay napatigil silang lahat sa pinaggagawa nila na ikinataka ko kaya dali dali na kaming naupo ni sander at hindi na pinansin ang mga matang nakatingin sa amin

"Uy beks ang sweet niyo naman ni fafa sander magkahawak talaga kayo ng kamay" sabi niya na ikinabigla ko kaya napatingin ako sa kamay naming dalawa at nagulantang ako sa nakita ko magkahawak nga talaga kani ng kamay pero paano?

Tiningnan ko si sander at nakangisi lang to habang nakatingin sa akin

"Loko ka talaga sander!" sabi ko sa kaniya sabay akmang aalisin ko na ang kamay ko sa kamay niya pero pinigilan niya ako

"huwag mong alisin babe please" sabi niya habang nakapout

"Ssshhh huwag kang maingay baka nakakalimutan mong di pa nila alam na tayo na" bulong ko sa kaniya

"Edi ipaalam natin" sabi niya sabay tayo

"Makinig kayong lahat! Gusto ko lang ipaalam sa inyo na kami na ni klei kaya huwag kayong magtataka kung sweet kami sa isa't isa yun lang salamat!" sigaw niya sa mga classmate ko na ikinapula ko

"Ayieeeee ang sweet" rinig kong sigaw nila

"Oy ano ba sander umupo ka na nakakahiya" sabi ko sa kaniya sabay hila paupo

"Huwag kang mahiya babe kasi gusto ko walang lalapit sayo para landiin ka gusto ko lagi kitang kasama, gusto ko lagi kang nakikitang masaya kasi nga mahal kita" sabi niya na ikinapula ko ng husto

"Sa-salamat babe ang saya ko dahil nagkaroon ako ng boyfriend na katulad mo na handa akong ipagmalaki at hindi nahihiya na malaman ng tao ang relasyon natin" sabi ko dito

Sana lahat ng lakaki katulad niya yung sweet at handang ipangalandakan ang relasyon niyong dalawa sa iba nang hindi nahihiya

"Masanay ka na babe kasi lagi kitang pakikiligin at paliligayahin" sabi niya sabay taas ng dalawa niyang kilay

"Baliw ka talaga panget!" sabi ko dito

"Hahaha joke lang babe siyempre hihintayin ko yung oras at panahon na handa ka na" sabi niya sa akin

"Loko ka, tumayo ka na jan anjan na si MR. A" sabi ko sabay tayo naming lahat

Lesson

Lesson

Lesson

Break

At lumipas yung oras break na namin kaya agad akong hinila ni sander para pumunta si canteen at kumain

Pagkarating namin doon ay nakita ko na ang mga kaibigan ko kaya agad na kaming naupo sa table nila

"Babe ano order mo ako na pipila dito ka lang" tanong niya sa akin

"uhhm ikaw na bahala babe" sabi ko dito na ikinatango niya lang sabay tayo upang pumila

"Oy beks kaya pala lagi kayong magkasama ni sander kayo na pala di ka man lang nagsabi" sabi ni zine sa akin

"Sorry naman beks tsaka bago pa lang naman kami eh kaya natatakot pa ako na malaman ng iba yung relasyon namin" wika ko dito

"Pero ang swerte mo beks ha proud sayo yung jowakels mo" wika nito

"Oo nga beks kaya nga minahal ko yun eh kasi napakabait niya" sabi ko dito

Bigla ko tuloy naisip kung ano ang magiging reaksiyon ng pamilya ni sander kapag nalaman niya yung relasyon namin

Pero sana matanggap niya kami at yung relaston namin kasi sinunod lang naman namin yung tinitibok ng puso namin

"Ang lalim ata ng iniisip mo babe" natigil ako sa pag-iisip ng magsalita siya

"ah eh wala may naalala lang" sabi ko dito

"ah sige babe tara kain na tayo" sabi niya sa akin

At kumain na nga kami pagkatapos ay umakyat ulit kami sa classroom namin para sa next subject namin

-------------------------------------------------------------

AN:
PLEASE VOTE AND COMMENT PO KUNG NAGUSTUHAN NIYO

SALAMATSU!

Ang Crush Kong Transferee ( BOYXBOY) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon