Chapter 9

4K 177 2
                                    

Klei Pov:

Lumipas ang araw at miyerkules na hindi pa rin nawawala sa isip ko ang katanungang kung papayag ba ako o hindi sa kaniyang panliligaw kasi sinasabi ng isip ko na baka saktan niya ulit ako at niloloko niya lang ako pero ang sinasabi ng puso ko ay payagan siya upang malaman ko kung totoo nga ba at malinis ang kaniyang intensiyon sa panliligaw sa akin

Siyempre kahit na bakla ako ayoko yung niloloko lang ako gusto ko rin naman maranasan kung paano umibig at kung ano ang pakiramdam ng nililigawan yung may nagbibigay sayo ng flowers at chocolate yung may naghahatid sayo at yung may nagmamahal sayo higit pa sa buhay niya

Noong mga nakaraang araw pagkatapos umamin ni sander sa akin ay naging tulala na ako mabuti na nga lang ay kinakalabit ako ni zine upang mabalik ako sa realidad lumipat muna kasi ako sa tabi niya para di ko muna mapansin si sander

Kapag kasi katabi ko si sander merong awkward feeling sa pagitan naming dalawa atsaka hindi din ako makakapagfocus sa lesson namin kaya hindi muna ako tumabi sa kaniya

Ngayong araw ay nakapagdesisyon na ako na payagan siyang manligaw sa akin upang malaman ko kung totoo ba siya sa nararamdaman niya

Kasi alam ko na kapag manliligaw siya sa akin doon ko malalaman ko sincere siya sa akin at kung totoong mahal niya ako

"Pst oy bakla makinig ka nagtuturo na si Ms. F ( teacher namin sa Filipino)” sabi niya sa akin pagkatapos akong kalabitin

"Ah eh sorry” sabi ko na lang sa kaniya

Bumalik na ako sa realidad at hinihintay ko na magbreak kasi balak ko sanang sabihin kay sander kung ano ang naging desisyon ko

Sana hindi ako nagkamali sa desisyon ko kasi pinag-isipan ko naman itong mabuti kaya sana tama ako

Ringgg

Nagbell na kaya nagsiayos na kami ng aming mga gamit kasi break na una kong tiningnan bago lumabas ay ang upuan ni sander ngunit nauna na itong lumabas kaya lumabas na din ako

Habang tinutungo ko ang daan patungong canteen ay nagmamasid akong mabuti upang malaman kung nasaan si sander pero di ko siya najita kaya dumiretso na ako sa loob ng canteen para kumain

Pagkaupo ko sa table naming magkakaibigan ay agad kong binigay kay lotty ang pera ko upang magpasabay ng order haha hindi naman namin siya masiyadong ginagawang alalay

Maya maya pa ay nakita ko na papunta na sa table namin si lotty dala dala ang mga order namin pero mukhang nahihirapan siya kaya nagpatulong na ako kay prince

"Uhmm prince pwede tulungan mo si lotty sa pagbuhat ng mga pagkain natin mukhang bigat na bigat kasi siya eh” sabi ko kay prince

"Sige" sagot ni prince diba kahit kailan talaga to ang tipid sumagot

Tinulungan ni prince si lotty sa pagbubuhat at pagkadating ng pagkain namin ay agad ko itong nilantakan upang ako ay matapos na kasi balak ko ng makipag-usap kay sander at masabi ang desisyon ko

"Oy beks excited may lakad? Para kang baboy kumain eh” sita sa akin ni zine

"Ay sorry beks” sabi ko sa kaniya at nagpatuloy na lang sa pagkain pero inaayos ko na hindi na parang baboy

Nakakahiya tuloy kasalanan ko naman kasi eh para akong ewan kung kumain ayan tuloy na sita haha

Pagkatapos kong kumain ay agad kong hinanap ko kung saan nakapwesto si sander at ng makita ko siya ay kasama niya yung mga kaibigan niya

Hindi na ako nagpatumpik tumpik pa at agad akong pumunta kay sander upang makipagusap, pag dating ko sa inuupuan niya ay tinawag ko na siya

"Uhmm sander pwede ba kitang maka-usap” tanong ko sa kaniya

" oo naman tara doon tayo" at inaya niya ako sa room habang wala pang tao upang makapag-usap kami ng maayos maingay kasi sa labas

Pagkarating namin doon ay agad niyang isinarado ang pinto at tinanong ako

"Ano ba sasabihin mo sa akin klei” tanong niya sa akin

"Ah-eh " utal kong sabi

"Sige na klei huwag kang mahiya sabihin mo na” Wika niya kaya wala na akong sinayang na oras at sinabi ko na sa kaniya

"Ah gusto ko sana sabihin sayo na pumapayag na ako na ligawan mo ako" sabi ko sa kaniya at nang tingnan ko siya bakas sa kaniya ang labis na tuwa

"Wooh! Yes! Yes!” sigaw niya sa room namin

"Oy huwag kang maingay baka may makarinig sa atin” sabi ko dito ba agad nagpatigil sa kaniyang pagsigaw

" ay sorry sorry pero salamat talaga klei papatunayan ko talaga sayo na ako lang ang deserving para sa pagmamahal mo at wala ng iba” wika niya

" sinunod ko lang ang gusto ng puso ko sander kaya wala kang dapat ipagpasalamat" wika ko dito

"Ipaparamdam ko talaga sayo klei kung paano magmahal ang isang gwapong katulad ko" sabay pogi sign ang gwapo niya talaga

" hahaha kapal ha sino nagsabi sayo na pogi ka?" Tanong ko dito na ikinalungkot ng mukha niya

"Hindi ka ba napopogian sa akin ha babe?” tanong niya sa akin habang naka pout ang cute niya lang tignan

"Oo na gwapo ka na at ano yang babe babe na yan hindi pa nga tayo meron ka na agad endearment para sa atin?”
Tanong ko dito

"Ano ka ba babe ako pa ADVANCE AKO MAG-ISIP, dun din naman papunta yun eh papatagalin pa ba natin?” Wika nito

"Minamadali mo ba ako? wag mo na lang kaya ako ligawan” biro ko dito

"Joke lang babe ikaw naman di ka mabiro siyempre maghihintay ako hanggang sa maging handa ka na alam mo namang mahal kita eh kaya kaya kong maghintay para lang makamit ang matamis mong OO” sweet niyang sabi sa akin na nagpakilig sa akin

"Haha dami mong alam tara na nga panget baka hinahanap na ako ng aking squad haha” sabi ko dito kaya dali dali na kaming bumaba ulit sa canteen

At di ko muna sasabihin sa mga kaibigan ko ang panliligaw sa akin ni Sander sa susunod na siguro kapag nalaman kong totoo ang intensiyon niya sa akin.

-------------------------------------------------------------

AN:
        GUYS PASUBSCRIBE PO YOUTUBE CHANNEL NAMIN "LUWANG FAM” PAKI HANAP NA LANG PO SA YOUTUBE

SALAMATSU!

Ang Crush Kong Transferee ( BOYXBOY) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon