Chapter 20

2.3K 113 0
                                    

Klei Pov:

Linggo ngayon at bored na bored ako sa bahay dahil wala akong ginagawa, si mama at si kuya ay umalis kaya wala akong kasama dito sa bahay kundi si manang

Tinext ko si sander at pinapapunta ko siya dito pero ang sabi niya ay may gagawin daw siyang importante kaya di siya makakapunta kaya wala akong choice kundi ang mag mukmok dito sa bahay

Masaya ako dahil tanggap ni kuya si sander bilang boyfriend ko masaya nga din para sa akin si kuya dahil nakahanap na daw ako ng lalaki na magmamahal sa akin

Supportive talaga sa akin sina mama at kuya kaya alam kong matatanggap nila para sa akin si sander at isa pa mabait naman talaga si sander gaya pumayag sina mama

May maya pa ay biglang nagvibrate ang cellphone ko hudyat na may tumatawag kay dali dali kong kinuha ang cellphone ko at si zine lang pala ang tumatawag ano kaya kailangan nito?

"Hello bakla" bati nito pagkasagot ko sa tawag niya

"O hello bakla anong ganap at napatawag ka?" Tanong ko dito

"Bakla may ginagawa ka ba?"

"Wala naman bakit?" Ani ko

"Gusto ko sana magpasama sa mall bibili kasi ako ng mga bago kong damit nalulumaan na kasi ako sa iba eh" wika nito

"Ay nako beks sige ba kung alam mo lang bored na bored na ako dito sa bahay" sabi ko

"Hahaha sige beks kita na lang tayo sa harap ng sturbucks hintayin kita doon" wika nito

"Sige beks ligo lang ako" sabi ko sabay patay ng tawag

Pumunta na ako sa banyo para maligo at magpa-fresh

Pagkatapos kong maligo ay nagpaalam na ako kay manang at lumabas na sa bahay, nagcommute lang ako

Pagkarating ko sa mall ay dumiretso ako sa sturbucks para hanapin si zine at nagtagumpay naman ako dahil mabilis ko lang siya nakita

"O bakla kanina ka pa jan?" Tanong ko dito

"Ay hindi prend kakarating ko lang din ano ka ba" wika nito

"Ah ganun ba tara na para makapili ka pa ng mga damit" sabi ko

"O sige tara na prend" sabi nito sabay tayo

Umalis na kami sa sturbucks at pumunta sa department store ng mall nato

Pagkatapos namin sa department store mamili ay dumiretso kami sa bench para mamili ng ibang damit ewan ko ba tong baklang to ang dami ng pinamili parang magtatayo ng ukay ukay

Maya maya pa ay natapos na rin kami mamili kaya inaya ko na to si bakla na kumain gutom na kaya ako

Napagpasiyahan namin na kumain sa isang fastfood chain kaya pumunta na kami doon, si zine na ang nag-order at ako na ang nahanap ng mauupuan namin

Pagkadating ni zine ay nilantakan na agad namin ang pagkain

"Oy beks magkwento ka naman sa mga ganap sa inyong dalawa ni michael" sabi ko habang kumakain ng fries

"Ay nako beks di mo lang alam na may mabait side pala yang si michael akala ko kasi jan f*ckboy lang siya pero hindi pala" sabi niya na ikinabigla ko

"O talaga ba?" Tanong ko dito

"Ay oo beks pero wala naman masiyadong importanteng ganap sa amin ang mahalaga magkaibigan na kami" ani nito

"Ahh ingat ka prend baka magkatuluyan kayo ha" sabi ko na ikinaubo niya

"Oy bakla anong nangyari sayo ito tubig oh" sabi ko sabay abot ng tubig

"Bakla ka naman kasi kung ano ano sinasabi mo" sabi niya pagkatapos uminom

"Hahaha malay mo diba" ani ko

"Ano ka ba bakla alam mo namang mas straight pa yun sa bakal eh" wika niya

"Don't loose hope prend ganiyan din naman akala ko kay sander eh pero tingnan mo" sabi ko

"Hay nako beks huwag na nga natin pag-usapan yan let's change the topic ang pag-usapan naman natin ay ang tungkol sa inyong dalawa ni sander kamusta kayo" wika nito

"Ay ok naman kami beks pero wala siya ngayon may importante daw siyang lakad" ani ko

"Oh teka diba siya yun?" Sabi niya sabay turo doon sa nakapila sa counter

Pagkatingin ko ay biglang nalungkot ako dahil sa nakita ko, si sander nga pero may kasama siyang babae at nakaakbay pa talaga siya dito ha

"Tara na prend uwi na tayo" aya ko kay zine

"Ay hindi pwede prend kakausapin ko muna yang si sander di pwede yung ganiyan" wika nito

"Hindi na kailangan prend tara na" sabi ko sabay patak ng luha ko sobrang naiiyak lang ako sa nakikita ko

"Prend huwag kang umiyak hindi mo ikakaganda yan dapat strong ka lang"sabi nito

Hinila ko na siya palabas pero bago ako makalabas ay nagkatinginan kami ni sander at bakas sa mukha niya ang pagkabigla

"K-klei?" Sabi niya habang nakahawak sa braso ko pero binawi ko agad ang kamay ko sabay sampal sa kaniya

"Huwag mo akong kausapin" sabi ko pagkatapos ko siyang sampalin

"Ba-babe nagkakamali ka ng iniisip" utal nitong sabi

"Ako pa ang mali eh kitang kita ko na nga, magpakasaya ka diyan sa bago mo" sabi ko sabay hila kay zine palabas

"Klei sandali!" Rinig kong sigaw ni sander pero di ko na siya pinansin at nagmadaling umuwi

Pagkarating namin sa bahay ay dumiretso agad ako sa kwarto ko at doon ko binuhos ang mga luha ko

"Prend tahan na hindi niya deserve ang mga luha mo kaya huwag mo ng sayangin yan" ani nito

"Beks akala ko ba mahal niya ako bakit niya nagawa yun?" Umiiyak kong sabi

"Tahan na beks may mga tao talagang ganiyan yung akala mo mahal ka pero pinapaasa ka lang pala" wika nito

"Magsama sila ng babaeng yun mga manloloko" sabi ko sabay punas ng mga luha ko

"Yan tama nga yan beks di mo siya dapat iyakan" sabi niya sa akin

Maya maya pa ay may narinig akong sumisigaw sa labas

"Klei kausapin mo naman ako please magpapaliwanag ako" sigaw ni sander mula sa labas

Binuksan ni zine ang bintana at siya ang humarap kay sander

"Nagpapahinga na siya ngayon huwag mo na siyang istorbohin maraming luha na siyang nailabas para sayo kaya umalis ka na" sigaw ni zine kay sander

Maya maya pa ay di ko namalayang nakatulog na pala ako sa sobrang pagod

-------------------------------------------------------------
AN:
MAGKAKABATI KAYA SILANG DALAWA? ABANGAN!

PLEASE VOTE AND COMMENT PO

SALAMATSU!




Ang Crush Kong Transferee ( BOYXBOY) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon