Jonas Pov:
Andito ako ngayon sa isang fastfood chain at dito ko hihintayin ang babaeng makatutulong sa aking mga plano, si lea.
Oo siya nga siya ang nararapat kong maging katuwang plano kong ito dahil parehas kaming makikinabang kapag nagkahiwalay na sina klei at sander
Sa tingin ko tama na ang pananahimik ko, dapat na akong kumilos dahil sa tuwing nakikita ko silang dalawa na laging magkasama at masaya ay parang dinudurog nito ang puso ko
Maya maya pa ay dumating na si lea maganda rin naman to si lea pero hindi siya yung type ko
"So ano ng plano natin?" Tanong agad sa akin ni lea pagkaupo niya
"Shhh wag kang maingay alam mo bang nasa public place tayo" ani ko
"Oo na so kailan natin to gagawin?" Tanong nito sa akin
" nalalapit na ang Js Prom natin at doon ko naisip gawin ang plano natin" sabi ko dito
"Mukhang maganda nga yan ha so tara na at pag-usapan ang plano" wika niya kaya sinumulan ko ng sabihin sa kaniya kung ano ang plano namin
HA HA HA (EVIL LAUGH)
HUMANDA KAYO MALAPIT NA NAMIN MAKUHA ANG DAPAT PARA SA AMIN!
--------------
Lotty Pov:Andito ako ngayon sa garden ng school namin dahil gusto ko muna lumanghap ng sariwang hangin
Nung mga nakaraang araw ay naging isang magulo para sa akin ang mga pangyayari dahil sa hindi ko inaasahan nagtapat sa akin si prince tungkol sa nararamdaman niya para sa akin
Hindi talaga ako makapaniwala na may gusto pala siya sa akin dahil alam niyo naman na tahimik na lalaki lang to si prince
Naaalala ko pa kung paano niya sinabi yun sa akin
Flashback
Kakatapos ko lang magcr at nasa labas na ako nito ng may tumawag sa akin
"Lotty!" Tawag nito at pagtingin ko ay si prince lang pala
"Oy prince anong sa atin?" Tanong ko dito
"May gusto sana ako sanang sabihin sayo" ani nito
"Uhmm ano yun?" Tanong ko
"Sana huwag kang mabibigla" sabi niya na ipinagtaka ko
"Ha sige ano ba yun" wika ko
"Gu-gusto kita lotty sana payagan mo akong manligaw sayo" aniya na ikinabigla ko ng husto
"Ha? May gu-gusto ko sa akin?" Utal kong sabi
"Oo sana payagan mo akong manligaw sayo pero di naman kita minamadali bibigyan kita ng oras para mag-isip sige paalam na." Sabi niya sabay halik sa kamay ko
At iniwan niya lang akong tulala
End of flashback
At ayun nga hindi ko alam ang gagawin ko
Aaminin ko na may gusto din ako sa kaniya matagal na, nagustuhan ko yung pagiging simpleng lalaki lang niya yung kahit di na siya magpgwapo kasi gwapo naman na talaga siya
Kaya sa tingin ko papayagan ko na siyang manligaw sa akin para naman masaya diba?
"Lotty?" Tawag sa akin na nagpatigil sa pag-iisip ko
Pagkalingon ko ay nakita ko si prince kaya labis akong kinabahan
"P-prince ikaw pala" utal kong sabi
"Gusto ko lang malaman kung nakapagdesisyon ka na tungkol doon sa panliligaw ko sayo" aniya
"Uhmm guato ko na malaman mo na OO pumapayag ako na manligaw ka sa akin" ani ko
"Talaga!?" Tanong niya
"Oo nga ayaw mo di wag" biro ko
"Hindi siyempre gusto ko ikaw pa ba di lang ako makapaniwala na pumayag ka na" wika nito na tinawanan ko lang
----------------------
Klei Pov:
Uwian na namin ngayon at inaya ako ni sander na magmall na hindi ko naman tinanggihan
Pagkalabas namin ng room ay dumiretso na kami sa parking lot para sumakay sa kotse nito
Pagkarating namin sa mall ay ang una naming pinuntahan ay ang arcade dahil matagal na rin kaming di nakakapunta dito namiss ko na maglaro ng mga games dito
Naglaro kami ng naglaro at ng makaramdam kami ng gutom ay pumunta kami sa paborito naming fast food chain
Si sander na ang pumila at ako ang naghanap ng pwesto para sa aming dalawa
Pagkadating niya ay inilapag niya na ang mga pagkain na inorder niya atsaka kami nagsimulang kumain
Naging maayos naman ang pagkain namin nabusog naman kaming dalawa
Pagkatapos naming kumain ay niyaya ako ni sander na pumunta sa sea side ng mall na ito para magpahangin
Pagkarating namin doon ay umupo agad kami sa mahabang bato na mataas di ko alam ang tawag dito pasensiya na haha
"Babe ang ganda ng view no?" Tanong ko dito
"Oo babe parang ikaw" sabi niya habang nakatingin sa akin na ikinapula ko
"Ba-baliw ka talaga" sabi ko dito
"Ano ka ba oo nga babe ikaw yung pinakamaganda kong nakilala sa balat ng lupa" aniya
"Bolero!" Sigaw ko dito
"Haha oo nga babe ayaw mo bang maniwala?" Tanong niya
"Hay nako babe tama na yung usapang ganiyan panuorin na lang natin sumayaw ang dagat" wika ko
"Wait lang babe ha may bibilhin lang ako" sabi niya na pinayagan ko naman
"Sige lang babe bilisan ko ha" ani ko na tinanguan niya
Habang naghihintay ay nanunuod lang ako sa anod ng dagat at ineenjoy ang masarap na sariwang han
"Babe baba ka dito" sigaw ng isang boses mula sa likod koNilingon ko ito at si sander lang pala
"O babe andito ka na pala" sabi ko ng makababa ako sa mataas na bato
"May gusto sana akong itanong sayo" aniya sabay luhod
"Uy ano ba yun tumayo ka na jan pinagtitinginan na tayo ng mga tao oh" wika ko pero di siya nakinig at nakaluhod pa rin
"Would you be my prom date in this coming Js Prom?" Tanong niya sabay abot ng flowers at teddy bear
"Ayiiiiiiieee! Wooooooooh! Mag yes ka na!" Rinig kong sigaw ng mga tao
"Yes! Yes sander pumapayag ako" sagot ko dito kaya mas lalong sumigaw ang mga tao
Tumayo si sander at niyakap ako ng mahigpit
"Thankyou babe i love you" sabi nito habang nakayakap parin
"I love you too" ani ko
"Kissss!" Hirit pa ng mga tao
"Babe kiss daw" sabi sa akin ni sander kaya pinagbigyan ko na para sa madla
"Wooooohh!" Sigaw ng mga tao pagkatapos kong ikiss si sander smack lang naman
Sobrang saya ko ngayong araw na ito ang swerte ko talaga kay sander kaya di ako nagkamali na mahalin siya
-------------------------------------------------------------
AN:
ABANGAN ANG SUSUNOD NA MANGYAYARIPLEASE VOTE AND COMMENT PO PARA GANAHAN PO AKONG MAG-UPDATE
SALAMATSU!
BINABASA MO ANG
Ang Crush Kong Transferee ( BOYXBOY) (COMPLETED)
RomanceAko si Klei isang simpleng bakla na may pangarap sa buhay at ngayong pasukan ay inaasahan ko na magiging katulad rin ito ng mga pasukan dati ngunit nagkamali ako dahil may makikilala ako na isang lalaki na siyang babago ng ikot ng mundo ko. Maging m...