Chapter 17

2.4K 125 2
                                    

Klei Pov:

Ngayong araw ay sabay kaming pumasok ni sander siya yung nagsabi sa akin na lagi niya ako susunduin para lagi niya akong kasabay sa pagpasok

Hindi pa rin nawawala sa isip at puso ko yung sayang naramdaman ko nung first monthsary namin ni sander pinaramdam niya sa akin na mahalaga ako sa kaniya at kung gaano niya ako kamahal

Alam kong may mga tao paring kontra sa relasiyon naming dalawa pero di na namin sila pinapansin kasi alam naming masaya kami kung ano ang estado ng relasiyon namin at wala kaming naaapakang tao hindi kami titigil

" pstt babe ang lalim ata ng iniisip mo ah?" Biglang sabi sa akin ni sander na nagpatigil sa pag-iisip ko, andito kami ngayon sa clasroom at hinihintay ang next teacher namin

"Ah-eh wala babe naisip ko lang na ang swerte ko sayo dahil minahal mo ako ng totoo" sabi ko sa kaniya

" ano ka ba babe alam mo namang mas maswerte ako kasi ikaw yung naging girlfriend ko kasi ikaw lang yung nagbibigay ng saya sa akin sa bawat araw na nakikita kita" ani nito

"I love you babe" sabi ko dito

"I love you too babe" sabi nito sabay halik sa noo ko

"Mga bakla ang aga aga naglalandian kayo jan umayos na kayo anjan na si Mr.A" wika ni zine kaya umayos na kami at tumayo

"Good Morning Mr.A" bati naming lahat

"Ok Good morning din class you may now take your sit" ani nito

"gusto ko lang malaman niyo na may bago kayong kaklase kaya sana maging mabait kayo sa kaniya ok ba yun?" Ani ni Mr.A

"Opo" sagot namin kay sir

"Oh sige pumasok ka na" sigaw ni sir doon sa taong nasa labas

At ng bumukas ang pinto iniluwal nito ang isang matangkad na lalaki maputi at gwapo kaloka bes ang gwapo talaga pero ekis siya sa akin meron na akong sander eh hihi

" Please introduce yourself" wika ni Mr.A

"Good morning everyone im Jonas Quintos my hobbies are playing guitar and playing computer games, i hope that we can all be friends" pag-iintroduce niya sa amin sabay ng tilian ng malalandi kong classmate di na siguro nila natiis ang kagwapuhan nito haha

"Ok Mr. Quintos doon ka na lang umupo sa tabi ni Mr. Domingo" sabi ni sir sabay turo sa bakanteng upuan sa tabi ko

"Hi im Jonas" pagpapakilala niya sa akin sabay abot ng kamay para makipag shake hands

"Ahmm hello im klei, Klei Domingo" sabi ko sabay abot ng kamay at nakipagshake hands

"Ahem!" Pagsingit ni sander kasi mukhang napatagal ata ang paghawak niya sa kamay ko

"Oh im sorry" wika ni jonas

"No it's ok, eto nga pala si sander" wika ko

"Nice to meet you pre" maangas na sabi ni sander

"Nice to meet you too" sagot naman ni jonas

At pagkatapos nun ay nakinig na kami sa lesson ni Mr.A

Dumating ang break at niyaya ko na si Jonas na sumabay sa amin kasi alam kong bago pa lang siya dito at wala pa siya gaanong kilala maliban sa amin ni sander

Pumayag naman si Jonas na sumabay sa amin kaya bumaba na kami sa canteen para kumain

"Babe gaya pa din ng dati yung sa akin ha" sabi ko kay sander aiya kasi yung bumibili ng pagkain ko tuwing break

"Oh sige babe maghintay na lang kayo jan" sabi niya sa akin

" So magboyfriend pala kayo ni sander?" Biglang tanong ni jonas ng makaalis sina sander at prince

Ang Crush Kong Transferee ( BOYXBOY) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon