Chapter 25

2.3K 117 0
                                    

AN: MALAPIT NA PO TAYO SA FINALE SANA PO PATULOY NIYO AKONG SUPORTAHAN

-------------------------------------------------------------
Klei Pov:

Nagising ang diwa ko ng marandaman kong may mga kamay na dumadampi sa aking mukha

"Gising na little princess" sabi nito boses babae ito at parang pamilyar ang boses nito

"Sino ka? Anong kailangan mo sa akin?!" Pasigaw kong tanong dito hindi ko pa nakikita ang mukha nito dahil nakapiring ako

"Im your greates fear klei kaya humanda ka na" nakakatakot nitong sabi kaya labis akong kinilabutan

"Tulong! Tulong! Tulungan niyo ako!" Sigaw ko

"Wag mo ng sayangin ang laway mo klei walang makakarinig sayo rito" aniya

"Pakawalan mo na ako ano ba ang nagawa ko sayo?" Pagmamakaawa ko dito

"Marami klei, marami, ngayon tingnan mo ako malalaman mo kung ano yung mga kasalana mo sa akin" sabi niya habang dahan dahang tinatanggal ang piring ko

Nang matanggal ang piring ko ay labis akong nagulat sa nakita ko,

"Le-lea?" Utal kong sabi

"Oo ako nga klei nagulat ka ba?" Maangas na tanong nito sa akin

"Ano ang kasalanan ko sayo bakit mo ako ginaganito?" Tanong ko rito

Pero isang sampal lang ang sinagot nito sa akin

"Magmula simula inagaw mo na sa akin si sander na hindi dapat sayo dahil isa ka lang bakla" sigaw nito sa akin

"Ako ang mahal niya lea hindi ik--" sabi ko at aambahan niya na dapat ako ng sampal pero may kamay na pumigil dito

"Huwag mo siyang saktan lea" boses ito ng isang lalaki kaya napatingin ako dito at labis akong naguluhan sa nakikita ko

"Jo-jonas?" Ang nasabi ko

"Patawarin mo ako klei pero ginawa ko lang to dahil mahal kita hindi ko kaya na mawala ka sa akin kaya ko ginawa ang lahat ng to" sabi niya sa akin

"Pe-pero si sander ang mahal ko at hindi ikaw" wika ko

"Hindi pwede yan klei dapat ako lang! Ako lang ang mahalin mo" pasigaw niyang sabi sa akin

Pagkatapos nun ay sunod sunod na putok lang ang umalingawngaw sa warehouse

"Boss mukhang nasundan po tayo ng mga pulis" sabi ng isqng malaking lalaki pagkabukas niya ng pinto

"Pigilan niyo sila hindi sila maaring makapunta dito" ang nasabi ni lea

"Pakawalan niyo ako! Tulong tulong" sigaw ko

"Tumahimik ka diyan bruha" sabi ni lea sabay sampal sa akin

"Humanda kayong lahat kapag nakawala ako rito mga walanv hiya kayo! Sabi ko pa

Maya maya ay may iaang lalaki ang iniluwal ng pinto, labis akong nasiyahan ng makita ko ang mukha niya

"Pakawalan niyo siya! Sabi ni sander habang may hawak na baril

"Hindi pwede sa akin lang si klei sander hindi siya magiging sayo" maangas na sabi ni jonas

Gumawa ako ng paraan para makawala sa tali na inilagay nila sa akin at ng magtagumpay ako ay kumuha agad ako ng kahoy at ipinukpok sa ulo ni jonas

"Hayup ka!" Sabi ko matapos ko siyang pukpukin ng kahoy

Nagulat si lea sa ginawa ko kaya bigla niya akong tunutukan ng baril

"Ikaw! Dapat ka ng mawala para wala na akong kaagaw kay sander!" Sabi niya tapos akmang babarilin niya na ako

"Huwaaaaag!" Sigaw ni sander habang tumatakbo papunta sa akin

Isang putok na baril ang narinig ko at nagulat ako dahil nakahandusay na sa sahig si sander at duguan

"Sandeeer!" Sigaw ko sabay luhod sa kaniya

"Sander please gumising ka na!" Umiiyak kong sabi

Maya maya pa ay dumating na ang mga pulis at agad nilang hinuli sina lea at jonas

"Tulong! Tumawag kayo ng ambulansiya!" Sabi ko habang umiiyak

Tinulungan akong magbuhat ng ibang pulis at dinala agad namin siya sa hospital

Pagkarating namin doon ay inasikaso agad siya ng mga doktor

"Sir dito na lang po tayo sa labas bawal po kayo sa loob" pagpapalabas sa akin ng nurse

Lumabas ako at napaupo na lang ako habang umiiyak

Sander please lumaban ka hindi ko kaya na mawala ka sa akin marami pa tayong pangarap para sa isa't-isa kaya lumaban ka please.

Hindi ko maintindihan kung bakit ito nagawa sa akin ni jonas, pinagkatiwalaan ko siya ng mabuti pero bakit ganon yung ginawa niya sa akin

Maya maya pa ay dumating na sila michael at ang iba pa naming kaibigan

"Beks kamusta si sander ayos na ba siya?" Bungad sa akin ni zine

"Beks di ko kaya! Di ko kaya na mawala siya sa akin" humahagulgol kong sabi

"Shhh beks kaya mo to, malalampasan din natin to" pagpapakalma niya sa akin

Maya maya pa ay lumabas na si doc kaya agad kaming lumapit dito

"Doc kamusta po si sander" tanong ko rito

"Gusto ko lang malaman niyo na" putol nitong sabi kaya labis akong kinabahan

"Ano po yun doc?" Takang tanong ko dito

"Gusto ko lang malaman niyo na tagumpay ang pagtanggal ng bala sa kaniyang katawan, ligtas ang pasiyente" wika nito na labis kong ikinatuwa

"Pwede ko po ba siyang makita?" Tanong ko rito

"Yes, you can see him" sabi ng doctor kaya pinihit ko na ang doorknob sabay pasok sa loob

Nakita ko si sander na nasa loob at tulog na kaya nagdahan dahan lang ako para hindi siya magising, umupo ako sa tabi nito at hinalikan siya

"Babe salamat at lumaban ka hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kapag wala ka" wika ko pagkatapos ko siyang halikan

"Babe mahal na mahal kita hindi ko kaya na mawala ka sa tabi ko dahil mula ng maging tayo nakita ko na ang direksiyon ng buhay ko"

Ang swerte ko sa kaniya alam kong maraming beses ko ng nasabi ito sa inyo pero gusto ko lang na malaman ng buong mundo na mahal namin ang isa't-isa

-------------------------------------------------------------
AN: GUYS PALAPIT NA PO TAYO SA HULI KAYA KAPIT LANG SALAMAT SA LAHAT NG PATULOY NA SUMUSUPORTA SA AKIN LOVEYAH!

SALAMATSU!

Ang Crush Kong Transferee ( BOYXBOY) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon