Chapter 4

5.4K 227 10
                                    

Klei Pov:

Lumipas ang isang linggo at mas lalo pa kami naging malapit ni sander sa totoo lang mabait pala talaga to si panget BADBOY LOOK lang talaga siya kaya mapagkakamalan mong masungit to sabi nga nila "Don't judge a book by it's cover”

Biyernes na naman at andito ako ngayon sa classroom katabi si panget hinihintay namin dumating si MR. Malabanan siya ang teacher namin sa MAPEH.

maya maya pa ay dumating na siya kaya agad kaming tumayo at bumati

"Good Morning Mr. M” Yan ang tawag namin sa kaniya ewan ko ba sa mga teacher dito gusto yung first letter lang ng pangalan nila yung binabanggit namin kaloka

"Good morning din maari na kayo umupo" sabi nito at agad kaming umupo

"Ok class mayroon kayong performance sa akin pero don't worry by pair ito" sabi niya

Ano na naman kaya ang pakulo nito ni Mr. M sana makapartner ko si sander para masaya haha

"Pwede kayong kumanta, sumayaw, umacting at iba pang trip niyo ako ang pipili ng partner niyo sasabihin ko na ngayon kung sino makakapartner niyo”

Kinuha ni Sir ang listahan niya ng mga pangalan kung sino sino ang magkakapartner

Binanggit na nga  ni Mr. M yung magkakapartner at sa kabutihang palad ay partner kami ni panget este ni Sander kaya nung break ay agad naming tinungo ang canteen upang mapag-usapan ang aming gagawing performance

Habang kumakain kami ay nagtanong ako

"Uy panget, ano gagawin nating performance sa MAPEH?”

"ahhmm kung gusto mo duet na lang tayo marunong ka ba kumanta ako na bahala sa gitara marunong akong gumamit non” sabi niya sa akin

"Ahh oo marunong naman ako kumanta sige yun na lang gawin natin kailan tayo magpapractice?” tanong ko dito

Pumayag na ako kasi marunong din nanan ako kumanta bata pa lang kasi ako hilig ko na ang kumanta sabi nga sa akin ni mama kapag daw kumakanta siya sa videoke namin ay inaagaw ko yung mic para lang makakanta

"Ahh bukas doon tayo sa bahay magpractice wala kasi si mommy pati yung kapatid ko pupunta sa tita namin ok lang ba sayo payat?”

"Ahh sige bukas text mo na lang sa akin kung anong oras tsaka address mo para di ako maligaw” sabi ko sa kaniya

"Sige akin na number mo para matext kita panget” at ayun na nga binigay ko sa kaniya number ko para itext niya na lang sa akin address nila at kung anong oras ako pupunta doon bukas

Natapos na kaming kumain at umakyat na kami sa aming classroom para makinig sa lesson ng iba naming teacher

Lesson

Lesson

Lesson

Lesson

Ringggg

At ng matapos ang aming klase ay lalabas na sana ako ng tawagin ako ni panget

"Payat!!!” ang lakas pa talaga ng pagkakasigaw niya ha nakakahiya tuloy hindi naman talaga kasi ako payat eh

"Ano yun kailangan isigaw talaga?” tanong ko dito habang nakataray

"Makataray ka naman bakla gusto ko lang itanong kung gusto mo ihatid kita sa inyo para naman alam ko bahay niyo dala ko naman kotse ko eh” sabi niya sa akin

"Ayoko may pera ako pamasahe"

"Sige na para naman fair tayo kasi ikaw makakapunta na sa bahay ko bukas tapos ako hindi pa daya mo din eh” sabi niya habang naka pout nako paano pa ako makakatanggi ang cute niya talaga kapag naka pout

"O siya sige na nga para kang bata jan hahaha” sabi ko habang tumatawa

"Talaga? Tara na ” masaya niyang sabi sa akin sabay hila sa akin papunta sa parking lot ng school pagdating namin doon ay sumakay na agad kami at pinaandar niya na din ito

Dami pang alam nito ni panget di na lang sabihin na gusto niya makita yung bahay namin eh haha

Maya maya pa ay nakarating na kami sa tapat ng bahay namin

"Salamat sa paghatid ha tara pasok ka” sabi ko ng makababa ako

"ah hindi na baka hinahanap na kasi ako ng mama ko tsaka wag mo na ako pasalamatan ok lang yun basta ikaw payat” sabay kindat niya sa akin kinilig tuloy ako kaya pumasok na ako sa loob upang di niya mahalata na kinikilig ako, nakasalubong ko naman si manang sa loob pagpasok ko

Buti na lang bigla nawala yung pamumula sa mukha ko nakakainis talaga kasi to si sander eh kindatan ba naman ako

Hi manang, akyat po muna ako sa taas tawagin niyo na lang po ako kapag anjan na si mama at kapag kakain na” sabi ko kay manang

"Sige nak akyat ka na at para makapagpahinga ka na” anak na rin ang turing sa akin ni manang kasi siya yung nag-alaga sa akin simula pagkabata ko kaya ayun anak na ang tawag niya sa akin, umakyat na ako sa taas at nagbihis ng damit pagkabihis ko ay nahiga na ako sa kama at di ko namalayan na nakatulog na pala ako.

------------------------
"Tok! Tok! Tok! Nak bumangon jan
At nandito na ang mama mo nakahanda na din ang hapunan” sigaw ni manang sa labas ng kuwarto ko na siyang nagpagising sa akin.

"Opo manang bababa na po ako” sabi ko at dali dali akong pumunta sa banyo upang maghilamos, pagkatapos nito ay kumain na kami ni mama at ng matapos kami kumain ay nagpaalam na ako kay mama na aakyat na ako upang magpahinga

Paghiga ko sa kama ko ay nag-vibrate ang cellphone at nakita ako ang pangalang.

From Sander Gwapo ( siya ang naglagay niyan ha kapal talaga eh di ko na pinalitan totoo naman eh yieee ano ba tong iniisip ko)

Payat bukas sunduin na lang kita baka maligaw ka pa eh 10:00 kita susunduin dito ka na sa amin maglunch <3

To Sander Gwapo

Yes Boss!

Reply ko sa kaniya at hindi na hinintay pang magreply at tinabi ko na ang aking cellphone at natulog na.

-------------------------------------------------------------

AN: guys support niyo po yung vlog naming magkakaibigan search niyo po sa youtube LUWANG FAM kayo na bahala maghanap sa akin doon .

SALAMATSU! <3

Ang Crush Kong Transferee ( BOYXBOY) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon