Sander Pov:
Nagising ako sa aking pagtulog ng lumapat sa aking gwapong mukha ang sinag ng araw mula sa bintana ng aking kwarto, unang araw pala ng pasukan ngayon sa lilipatan kong school, lumipat ako ng school dahil na assign ang daddy ko na magmanage ng branch ng company nila dito sa manila
Oo sa isang company nagtatrabaho ang daddy ko, di mo masasabing mayaman kami at hindi rin mahirap nasa average level lang yung kayamanan namin sapat para tustusan lahat ng pangangailangan namin sa aming pamilya.
Ako pala si CLARK SANDER VENTURA gwapo daw ako sabi nila pero di naman sa pagmamayabang pero may ibubuga din naman ako pagdating sa itsura pati sa utak dahil consistent honor student ako sa dati kong school may pagkamakulit lang talaga ako kaya di halata sa akin yun
Tulad din ako ng mga ibang lalaki na mahilig maglaro ng mga computer games like LOL (LEAGUE OF LEGENDS), ROS ( RULES OF SURVIVAL) AT DOTA
Pero sadyang minamanage ko lang yung oras ko sa paglalaro at pag-aaral kaya nagiging honor student ako
Dalawa kaming magkapatid at ako yung panganay yung isa kong kapatid ay 8 yrs. Old na at napaka cute ng kapatid ko na yun lalaki din mana sa akin haha
Sabi nga nila BADBOY LOOK daw yung datingan ko kaya maraming nagkakagusto sa akin
Maraming nagkakagusto sa akin yung tipong yung babae na yung nanliligaw sa akin pero di ko sila sinasagot
Ayaw ko muna kasi magka-girlfriend sa ngayon pero may mga naging grilfriend na rin ako dati focus kasi ako sa pag-aaral ko
Isa rin sa dahilan kung bakit di pa ako nagkaka girlfriend sa ngayon ay wala pa akong nagugustuhan kahit sino pero kapag may nagustuhan ako handa naman akong ligawan siya
dumiretso na ako sa cr upang maligo at makakain na ako nang makapasok na sa school
Sabon dito, sabon doon, shampoo dito, shampoo doon, banlaw dito, banlaw doon at BOOM tapos na akong maligo haha
Pagkatapos ko maligo ay kinuha ko na ang bagong uniform na susuotin sa bago kong school sila mom ang kumuha nito kahapon para may masuot na agad ako pag pasok ko
Masasabi kong maganda ang uniform nila kulay Royal blue ang pants at white polo shirt na may logo ng school
Pagkatapos kong magbihis ay dumiretso na ako sa baba at pagbaba ko nakita ko ang aking magandang ina na kumakain na kaya sumabay na din ako
Good morning mom" sabi ko habang nagsasandok ng kanin
"Good morning son ready ka na ba pumasok?” tanong nito sa akin
"Yes mom” at tumango lang ito wala si dad ng ganitong oras dahil maaga yun pumapasok early bird kumbaga,
Tinuloy ko na ang pagkain ko, masarap magluto si mom kaya marami akong nakakain kapag siya ang nagluluto
pagkatapos kong kumain ay nagpaalam na ako kay mom para pumasok
"Mom alis na po ako" sabi ko sabay halik sa pisngi nito
"Sige anak mag-iingat ka” sabi niya at tumango lang ako
sumakay na ako sa kotse ko yes may lisensiya na ako ginagamit ko kasi yung car ko kapag umaalis kami ng mga kaibigan ko sa dati kong school
Isa kasi sa mga trip naming gawing magkakaibigan ay ang gumala at mag road trip ang saya kasi kapag may mga napupuntahan kang bagong lugar at ang gaganda talaga ng mga lugar dito sa Pilipinas ika nga nila
"Its More Fun In The Philippines!”Pagkapark ko sa parking lot ng school ay bumaba na ako dito at para magsimula ng hanapin yung classroom ko bago pa lang kasi ako dito at masasabi kong maganda din naman tong school na to
Sana magustuhan ko rin kung paano ang way ng pagtuturo ng mga teacher yung tipong hindi boring para may matutunan lahat ng estudyante niya
Papaliko na sana ako ng may bumangga sa akin isang lalaki na parang babae sa sobrang amo ng mukha niya, sino kaya to?
Nakita ko ang mukha nito ng tumingin siya sa akin at napanganga ako dahil sobrang amo ng mukha niya ang cute niya lang teka ano ba tong sinasabi ko, naputol ang pag-iisip ko ng magsalita siya
"sorry hindi ko sinasadya sige babay!” sigaw nito at dali daling tumakbo
Aba't ang tigas talaga ng mukha non ni hindi man lang nag sorry ng maayos mukhang di tinuruan ng GOOD MANNERS AND RIGHT CONDUCT yung taong yun
"Hoy! San ka pupunta? humanda ka sa akin kapag nagkita tayo ulit!” sabi ko ngunit ang bilis niyang tumakbo kaya di ko na hinabol pa.
"Nakakainis talaga yun kung naabutan ko lang yun patay talaga sa akin yun" sabi ko at naglakad na lang ulit ako upang hanapin ang aking classroom
Nagtanong tanong ako sa mga dumadaang estudyante kung saan yung classroom ko buti na lang di nila ako niligaw at nahanap ko ng maayos yung classroom namin
Hay sa wakas sa loob ng 123456789 years nahanap ko din yung classroom ko mabuti na lang di pa ako tinatawag para pumasok.
Nasa star section ako kaya pagpasok ko may mga nakikita akong estudyante nakasuot ng salamin at sa tingin ko matalino sila sa mukha pa lang nila eh
Maya-maya pinapasok na ako ng aming guro sa pagkakarining ko MR. A ata pangalan nito, pagkapasok ko nakita ko agad yung bumangga sa akin kaya nakaisip ako ng ideya para mapakaba siya humanda ka sa akin ngayon.
"Ok introduce yourself” sabi ni MR.A
"HI IM CLARK SANDER VENTURA BUT YOU CAN CALL ME SANDER IM 18 YRS. OLD AT SANA MAGING MAGKAIBIGAN TAYO LAHAT DITO LALONG LALO NA IKAW” sabay turo ko sa kaniya habang nakangisi nakakatuwa ang naging reaksiyon niya gulat na gulat siya haha
Pagkatapos non ay nagtilian ang aming kaklase kaya pinaupo na ako ni MR. A at sa di inaasahan magkatabi pa kami ni payat oo payat itatawag ko sa kaniya kasi parang di siya kumakain sa shape ng katawan niya talo pa babae eh
Ang sexy niya lang tingnan ay ano ba tong iniisip ko bakla siya hindi siya babae.
-------------------------------------------------------------
AN: Sana po nagustuhan niyo, please support
Please Vote and Comment kung nagustuhan niyo para sipagin akong mag-update bukas
SALAMATSU! <3
BINABASA MO ANG
Ang Crush Kong Transferee ( BOYXBOY) (COMPLETED)
RomanceAko si Klei isang simpleng bakla na may pangarap sa buhay at ngayong pasukan ay inaasahan ko na magiging katulad rin ito ng mga pasukan dati ngunit nagkamali ako dahil may makikilala ako na isang lalaki na siyang babago ng ikot ng mundo ko. Maging m...