Chapter One: Not Me

158K 2.5K 69
                                    

Chapter One: Not Me

TYRON

Sunday. Restday. But not for me. Imbes na makapagpahinga at ma-enjoy ang paborito kong araw, napilitan akong pagbigyan ang hiling ni Ate Sandra na makita at makasama ako. Kung ako lang ang masusunod, mas gugustuhin ko pang matulog buong araw, lalo't kakagaling ko lang sa magdamag na pagpa-party. But knowing my sadist big sister, mas maigi nang puyat at kulang ako sa tulog kaysa manakit ang buo kong katawan.

Pagbaba ko ng sasakyan ay nagsalubong ang mga kilay ko nang makita ang pamilyar na sasakyan sa garahe. They are here?

Nagmamadali akong pumasok sa kabahayan. Pero pagbungad ko pa lang sa pintuan ay sinalubong ako ng dalawang batang paslit.

"Tito Tyron!" Sigaw ng mga ito at mabilis na kumapit sa mga binti ko.

"What the—" Hindi na ako nakapiyok nang madumihan ng mga pamangkin ang bagung-bago kong Levi's denim pants. Naglaro na naman siguro ang mga ito ng lupa sa garden. "Nasaan ang nanay ninyo?"

"Tito, where is our pasalubong?" Tanong ng batang lalaki sa halip na sagutin ako.

Natapik ko ang noo. Sabi ko na nga ba at mayroon akong nakalimutan. "Sorry kids..."

"Nooo!" Sigaw ng batang babae. Halos um-echo sa buong kabahayan ang matinis niyang boses. "You forgot again! I hate you!" Sa edad niyang apat na taon ay matatas nang magsalita.

"Yeah, we hate you!" Segunda naman ng isa at sa halip na bumitiw ay lalo pang humigpit ang pagkakapit nila sa binti ko. Hindi ko tuloy maihakbang ang mga paa.

"Kids...aray!" Bigla akong kinagat ng isa sa kambal. Bumulanghit naman ng iyak ang isa at iyon ang naabutan na eksena ni Ate Sandra.

"Tyron!" Mabilis na umigkas ang kamay niya at binatukan ako. "Pinatulan mo na naman ang mga pamangkin mo!"

"Wala akong ginagawa sa kanila— Aray!" Muling umigkas ang kamay ng kapatid. Hindi ko naman magawang makailag. "Ate Sandra naman!"

Inirapan lamang niya ako at saka binalingan ang anak na umiiyak. "Don't cry, honey." Kinarga niya si Tara. Kusa namang bumitiw sa kanya si Samuel at nagtatakbo palayo.

"Bakit ngayon ka lang? Kanina ka pa namin hinihintay."

"Namin?"

"JT, anak!"

"Mom, kelan pa kayo dumating?" gulat na tanong ko nang sabulungin ng mahigpit na yakap ng ina. Its a been a month since they left for a mediterranean cruise with Dad.

"Kaninang umaga lang," sagot ni Mommy nang bumitiw sa akin. "How are you, son?" Tinitigan niya ako nang biglang kumunot ang kanyang noo nang makita ang nanlalalim kong mga mata. "You look so tired! Napapabayaan mo na yata ang sarili mo."

"Don't be surprised, Teresa," sabad ni Dad na tumayo mula pagkakaupo sa sofa. Hindi ko napansin ang presensiya niya kanina. "Matigas ang ulo ng anak mo. Pilit pa rin niyang pinagsasabay ang trabaho sa kumpanya at ang pagba-basketball. Akala siguro niya ay may superpower siya."

"Dad naman!" Napakamot ako ng ulo. Hanggang ngayon ay tutol pa rin siya sa propesyon na pinili ko. Pero hindi ko naman siya masisi. Ako lamang ang inaasahan ni Dad na hahalili sa kumpanya na minana rin niya sa mga magulang. Bakit ba kasi hindi ako nagkaroon ng kapatid na lalaki?Wala sa loob na napasulyap ako kay Ate Sandra. Kunsabagay, daig pa niya ang lalaki sa bigat ng kanyang kamay.

Baby, You And I (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon