Chapter Ten: Panic Mode

103K 1.9K 59
                                    

Chapter Ten: Panic Mode

CYRHEL

                Na-scan ko na ang isang hilera ng estante ngunit hindi wala akong makitang olive oil. Muli akong bumalik at sinipat isa-isa ang mga nahilera. Buwisit talaga ang lalaking iyon! Ang lakas ng loob mag-vegetable salad kulang naman ang ingredients. Di bale sana kung siya mismo ang bibili pero ako pa ang inutusan niya na sumaglit sa grocery store. Buwisit talaga! Ang lakas pa din ng ulan sa labas.

                Sa inis ay dumampot na lamang ako ng bote sa estante. Pwede na siguro ang sesame oil pang-subtitute sa olive oil. Bahala na kung mapagalitan ako ni Tyron. Pumunta ako sa personal care section para kumuha ng sanitary napkin nang biglang may tumawag sa akin.

                “Cyrhel!” Ganon na lamang ang paglukso ng puso ko nang makita ang binata.

                "H-hi, Kevin!" Awtomatikong umangat ang sulok ng mga labi ko.

                "Sabi ko na nga ba ikaw ‘yan!" He said smiling too. Nag-isang linya ang singkit niyang mga mata. Duda tuloy ako kung nakakakita pa ang binata. May bitbit siyang basket na puno ng grocery items.

                "Ang dami mo naman pinamili."

                "Napag-utusan lang ako ng nanay ko," aniya na nahihiyang nagyuko. "Ang dyahe di ba?"

                "Ano ang dyahe doon? Ang cute mo kaya… I mean ang cute naman nito," sabay dampot sa toothbrush na nasa basket niya. "Saan mo ito kinuha?” Nangingiti na itinuro ng binata ang estante.

                "May bibilhin ka pa ba?"

                “Wala na. Ito lang naman ang kailangan ko. Ikaw?” Balik-tanong ko.

                “Wala na rin,” he said, smiling from ear to ear. Syete! Balak ba siya nitong patayin sa sobrang kilig?

                Pagdating sa cashier ay kinuha ni Kevin ang mga hawak ko at isinama sa kanyang basket.  “Isabay mo na lang sa akin.” Nahihiya na binawi ko ang mga iyon, at itago sa likuran ang sanitary napkin.

               

                "Nakakahiya. Ako na lang.”

                "I insist.” Inilahad niya ang kamay sa akin.

                "Pero-" Wala na akong nagawa sa pamimilit niya. "Basta babayaran kita mamaya," giit ko

  

                Tumila na ang ulan nang lumabas kami ni Kevin ng grocery store. Malapit na kami sa condo nang bigla niya akong yayain na magmeryenda sa JCO. Hindi na ako tumanggi. Minsan lang may manlibre sa akin at nataon pa na crush ko. Pakiwari ko tuloy ay ito ang first date namin ng binata.

Baby, You And I (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon