Chapter Fourteen: Guilt

84.4K 2K 165
                                    

Chapter Fourteen: Guilt

TYRON

Hindi rin naman nagtagal si Kate. Pagkatapos naming maglunch, ilang sandali ay nagpaalam na rin siyang uMuwi. Ayoko sana siyang paalisin ngunit may importante pa raw siyang pupuntahan. Sinadya niya lamang ako para lang makita ako.

"Kate, ihahatid na kita," pagpriprisinta ko.

"Don't mind me, kaya ko na. Besides, sobra na ang pang-iistorbong ginawa ko sayo," aniya at mahinang tumawa. "Nakakahiya naman kung magpapahatid pa ako."

"Lubus-lubusin mo na kaya ang pang-iistorbo sa akin?" Pagbibiro ko habang inaalalayan siya patungo sa nakaparada niyang sasakyan.

"Hmmm... I'll think about it," pakikisakay ni Kate at muling tumawa.

"Come on, pumayag ka na bago pa magbago ang isip ko. Sige ka, next time na istorbohin mo ako may bayad na ang kada oras ko."

Umangat ang kilay niya. "At magkano naman ang rate mo?"

"Medyo mahal. Pero para sa'yo mayroon kang discount."

Humagalpak ng tawa si Kate sa pagkamangha ko. Halos um-echo ang boses niya sa buong parking area. Bentang-benta sa kanya ang mga hirit ko.

"Sorry for that." Agad niyang tinakpan ng kamay ang kanyang bibig. Nakuha kasi niya ang pansin ng matandang mag-asawa na noo'y pasakay ng elevator. "I couldn't help it. Ikaw kasi!" At pabiro niya akong hinampas.

Ngumiti lang ako at pasimpleng hinimas ang braso. May kabigatan ang kamay niya. Parang si Cyrhel lang.

"Got to go," aniya pagkatapos ko siyang pagbuksan ng pinto ng kotse. "I really have a good time, Tyron. Thank you," nakangiting sabi niya na tumingkayad at dinampian ako ng mabilis na halik sa pisngi.

I smiled sheepishly in return. "Ako nga ang dapat magthank you sayo. Bukod sa nakalibre ako ng masarap na lunch, nag-enjoy ako ng husto na kasama ka. Salamat sa pang-iistorbo mo."

"See you then?"

"How about a dinner with me tonight?"

"I'll call you," she said with this smitten smile on her lips and enter her car. Pinaandar niya ang kotse at saka umalis.

Does it mean yes? Alanganin kasi ang sagot ni Kate. Hindi bale, hindi man siya pupuwede mamaya ay may ibang araw pa naman.

Pasipul-sipol pa ako na sumakay sa elevator nang makasabay ko si Manong Ed. "Sir, mukhang maganda ang mood ninyo. Anong meron?"

Hindi lang maganda ang mood ko kundi maganda rin ang pakiramdam ko. Para akong nakalutang sa alapaap at daig ko pa ang na-high sa drugs. Bukod doon ay para akong sira na kanina pa pala nakangiti.

"In love na yata ako, manong."

Ngumiti ang matanda. "Kanino? Doon sa babaeng madalas mong kasama?"

Mabilis akong tumango.

"Kung sabagay maganda siya at mukhang mabait. May pagkasiga nga lang kung kumilos."

Kumunot bigla ang noo ko. Teka, hindi yata si Kate ang binabanggit ng guwardiya. "Sino po bang babae ang tinutukoy ninyo?"

"E 'di 'yung kapatid ng kaibigan mo. Siya lang naman ang madalas kong makita na kasama mo."

Baby, You And I (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon