Chapter Eighteen: Next Level

96.6K 2K 174
                                    

Chapter Eighteen: Next Level

TYRON

"Tyron, are you with us?"

"Huh?"

Nagtawanan silang lahat sa naging reaksyon ko. Kanina pa lutang ang isip ko at wala akong ganang makipag-socialize.

"Babe, kinakausap ka ni Daddy," natatawang sabi ni Kate habang nakapulupot siya sa braso ko.

"Anak, masama ba ang pakiramdam mo?" May pag-aalalang tanong ni Mom habang hindi inaalis sa akin ni Dad ang kanyang tingin.

Bahagya kong hinilot ang noo. "Sumakit lang ang ulo ko."

"Hindi kaya nabinat ka?" Si Mom ulit. Ilang araw pa lang kasi akong nakakarecover pero nagpumilit na akong pumasok sa trabaho.

Pilit akong ngumiti. "Nah, I think I'm fine. Nasobrahan lang siguro ako ng ininom na champagne," pagdadahilan ko, which is partly true. Parang nanibago ang sistema ko nang mahulaan ng alcohol. Bukod doon ay kaninang umaga pa hindi maganda ang mood ko at gustung-gusto ko nang umuwi.

This dinner with our parents is unexpected. Ang sabi sa akin ni Kate ay kaming dalawa lang. Pero nagulat na lang ako nang makitang naroon ang mga magulang namin. Parang nahuhulaan ko na kung saan mauuwi ang ganitong gathering.

"So, kailan natin ise-set ang engagement ng mga bata?" Excited na tanong ni Mrs. Villafuerte.

Sabi ko na nga ba!

"Mommy, it's too soon to discuss about it. Hindi pa nga nagpo-propose sa akin si Tyron," nahihiyang sabi ni Kate sa ina. 

Pinigilan ko ang pag-ikot ng mga mata. Si Dad naman ay pasimpleng umubo. Pero si Mom, ang lapad ng pagkakangiti niya.

"Oh! I thought you already engaged. I'm so sorry. I never meant na pangunahan kayong dalawa," sabi ni Mrs. Villafuerte.

"It's okay, amiga. Doon din naman mauuwi ang mga bata," segunda naman ni Mommy. 

Wala sa loob na nagkatinginan kami ni Dad. He's giving me a looking sign. Noong una ay hindi ko maintindihan hanggang sa nakuha ko ang gusto niyang ipahiwatig. 

"Aww!" Bigla kong sinalo ng dalawang kamay ang ulo.

"Oh my god, Tyron! What happened?" Agad akong dinaluhan ni Kate.

"Tyron, anak?" Bakas naman sa mukha ni Mommy ang pag-aalala.

Sa halip na sumagot ay umungol lang ako. Lalo tuloy silang nagpanic. Lumapit sa akin si Dad at inalalayan akong makatayo. "Ako na ang bahala sa kanya," I heard him said.

Baby, You And I (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon