Chapter Twenty: Back Home
TYRON
"Morning!"
Mabilis siyang lumingon sa akin at ngumiti. "Good morning din po, kuya."
Nadismaya ako nang malaman na hindi pala siya si Cyrhel. Nasanay kasi ako na siya ang palagi kong nabubugaran sa kusina tuwing umaga.
"Matagal pa ba iyan?" Kumalam bigla ang tiyan ko nang maamoy ang niluluto niya.
"Malapit na pong maluto. Sandali na lang po."
Magtitimpla sana ako ng kape nang agawin niya sa akin ang thermos. "Ako na po dyan, kuya. Maupo na lang kayo."
Nabigla man ay hinayaan ko na lang siya. "Oo nga pala, Kitkat-"
"Katkat po," pagtatama ng dalaga. Madalas ko siyang natatawag sa ibang pangalan. Magkatunog kasi ang mga pangalan nila ng pusa ni Mark. Wala akong maipipintas sa kanya. Masipag at mabilis kumilos. Palibhasa bata pa. Disinuwebe lang yata siya. At saka marami siyang alam na gawaing bahay. Hindi lang siya yaya ni baby, all around maid din siya.
"Nasaan si Baby Ron-Ron?"
"Nandoon po sa sofa. Nakatulog po ulit pagkatapos kong pakain," halos hindi ko maintindihan na sabi niya. Para kasing may humahabol sa kanya sa tuwing magsasalita siya.
Dali-daling nagtungo sa sala si Katkat nang umiyak si baby. Pagbalik niya ay bitbit na niya ang bata.
"Akina na," sabi ko at kinuha sa kanya si Baby Ron-Ron. "Dodo is here. Anong problema ni baby?"
"Momo!" Bulaslas nito habang patuloy na umiiyak. "Momo!"
Napahugot ako ng malalim na hininga. Ito ang isa sa pinoproblema ko. Hindi pa man ay nahihirapan na si Baby Ron-Ron na mag-adjust lalo't nasanay siya na si Cyrhel ang palagi niyang nakikita.
"Momo!" Halos pumapalahaw na siya ng iyak habang patuloy niyang itinuturo ang direksyon ng kuwarto ng dalaga.
"Si Cyrhel?" Tanong ko kay Katkat. Tanghali na ngunit hindi pa siya bumabangon.
"Nandoon po sa kuwarto niya. Masama raw po ang kanyang pakiramdam."
I saw her lying in the bed. Naka-fetus position siya habang mahigpit na nakayakap sa unan. Agad na huminto si Baby Ron-Ron sa pag-iyak nang makita ang 'momo' ang kanyang 'momo'.
"Not now!" Namamaos na sabi ni Cyrhel nang tangka kong ilalapit sa kanya ang bata.
"Anong nangyayari sayo?"
Hindi siya sumagot habang nanatili sa kanyang posisyon. Pagkaraan ay bigla siyang napaungol. Nagpagulong-gulong siya sa ibabaw ng kama hanggang sa tuluyan siyang nahulog.
"Arghh..." Daing ni Cyrhel.
"Okay ka lang?" Hindi ko malaman kung paano siya tutulungan.
She climbed farther onto her bed. "Mukha ba akong okay?" Butil-butil ang pawis niya sa noo at namumutla siya.
"Are you sick?"
"Sinusumpong ako ng dysmenorrheria."
"Menstruation problem?" Hindi ako sigurado kung iyon nga ang ibig sabihin nyon. Madalas kong naririnig ang term na iyon kay Ate Sandra. "Uminom ka na ba ng gamot?"
BINABASA MO ANG
Baby, You And I (Published under PHR)
Romance"A guy needs one kiss from his girl to get back on his feet." Settling down is the last thing on my mind. Kaya ganoon na lang ang pag-iwas ko sa mga magulang ko tuwing nababanggit nila ang tungkol doon. Ang katwiran kasi nila, baka raw sakaling tumi...