Chapter Twenty Four: Powertrip

88.5K 2K 85
                                    

Chapter Twenty Four: PowerTrip

CYRHEL

Nag-isang linya ang mga kilay ko nang makasalubong si Ate Val habang akay niya ang pasuray-suray na asawa.

"Cause all of me. Loves all of you. Loves your curves and all your edges. All you perfect imperfections. Give your all--to me..."

Napangiwi ako sa asintunadong boses ni Kuya Vince na ume-echo sa buong kabahayan.

"Kapatid!" Nakangising bulaslas niya nang makita ako. "B-bakit gising ka pa?"

"Ikaw, bakit ka naglasing?" Balik-tanong ko. 

Bigla na lamang niya akong sinunggaban. Sapo ng mga kamay niya ang aking mukha. "A-ang cute-cute naman ng little sister ko!" Pinanggigilan pa niya pati mga pisngi ko.

"Kuya, ano ba!" Saway ko sa kanya. Para kasi siyang bata.

Natatawa na nakamasid lamang sa amin si Ate Valjean. "Mukhang pinaglilihan ka ng kuya mo."

Sumimangot ako. "Gusto mo bang maging kamukha ko ang magiging anak mo?" Sa halip na sumagot ang kapatid ay niyakap niya akong bigla. 

"I-I know we had a lot of fights..." he said but this time in a serious tone. Nagtatakang napatingin ako sa hipag. "...and there were times that I hated you for being so annoying. Gusto kitang pektusan ng paulit-ulit. But I want you to know that... I treasue you as my little sister. I care for you a lot and I love you."

"Kuya, ang drama mo!" React ko sa pagsesenti niya. Hindi ako sanay na makarinig ng sweet words galing sa kapatid. Gayunpaman ay lihim akong natutuwa. Ang sweet niya kapag nalalasing.

Muntikan nang mabuwal si Kuya Vince kung hindi namin siya agad naalalayan ng hipag. 

"Hindi ka na naawa sa asawa mo. Buntis na nga si Ate Valjean ay pinahihirapan mo pa," banayad kong asik. Sarap niyang pektusan. Pagkatapos ay binalingan ko ang hipag. "Ate, kung ako sayo pababayaan ko na lang si kuya."

"S-sorry, honeybee..." Halos hindi maidilat ang mga mata na wika ng kapatid. "S-si Tyron kasi hindi ko matanggihan... P-promise last na ito."

Mabilis na umangat ang kilay ko nang marinig ang pangalan ng binata. Magkasama pala silang dalawa. Pahamak talaga ang bakulaw na iyon.

"Ako na ang bahala sa kuya mo," sabi ni Ate Val pagkatapos namin mailapag si Kuya Vince sa ibabaw ng kama. Tuluyan na siyang nakatulog sa labis na kalasingan. "Puntahan mo na lang si Tyron sa may veranda."

Napasinghap ako sa nalaman. Hindi ko akalain na nandito pala siya sa bahay.

"Kawawa naman baka lamigin at pag-fiesta-han siya ng mga lamok."

"Hayaan na natin siya roon." Hindi lumilingon na sabi ko nang lumabas ng silid. Pabalik na sana ako sa kuwarto nang biglang magbago ang isip ko. Natagpuan ko na lang ang sarili na tinatahak ang kinaroronan ng hagdan. Katulad nang inaasahan ko ay naabutan ko si Tyron na nakabulagta sa semento.

"Huy, bakulaw!" Sinipa ko siya sa binti. "Bumangon ka nga dyan. Isa kang napakalaking kalat. Huy!" Subalit wala siyang response. Malamang katulad ni Kuya Vince ay nakatulog na rin siya sa sobrang kalasingan. "Bahala ka sa buhay mo!" Patalikod na sana ako nang biglang may kumapit sa binti ko. Napasigaw at napatalon ako sa gulat.

"H-hindi ka na naawa. Maaatim mo na pabayaan ako rito," wika ni Tyron habang namumungay ang mga mata. Nagtutulug-tulugan lang pala siya.

"Adik ka! Tinakot mo ako." Muli ko siyang sinipa sa binti. Napaupo siya sa sakit.

Baby, You And I (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon