Chapter Twenty Seven: Something Has Changed

81.1K 2K 115
                                    

Chapter Twenty Seven: Something Has Changed

TYRON

"Guys!" I took my friend's attentions. Dumating na ang tamang pagkakataon para sabihin sa kanila ang tunay na dahilan ng aming pagtitipon sa paborito naming tambayan. Kumpleto ang buong barkada. Mabuti na lamang at nakahabol pa si Mark.

"I would like you to meet someone..." 

"Wooh! Magpapasakal na si Tyron!" Sigaw ni Jared. 

"Palakpakan mga kaibigan!" Panggagatong ni Vince. Sumipol naman ng malakas si Riley. Habang si Mark ay tahimik na nakamasid lamang.

"Shut up, guys! Pwede ba patapusin nyo muna ako." Sa halip na tumigil ay lalo lamang silang nag-ingay. Pinatunog pa nila ang babasaging mga pinggan at baso gamit ang kutsara. 

"Mga baliw talaga!" I said in desperation and puts both hands on my head and walk away. Pagbalik ko ay buhat-buhat ko na si Baby Ron-Ron.

"Guys, this is..."

"Tyron, pamangkin mo?" Nangingibabaw ang boses ni Jared. Magmula kanina ay hyper na siya.

"He's not my nephew."

"Inaanak mo?" Panghuhula naman ni Riley.

"He's my son."

"Alam ko na, he's your adopted son," sabi naman ni Vince. "Nag-ampon ka ng baby para magkaanak ka."

"Tyron, baog ka?"

"No way, man! Wala sa mga lahi natin ang supot. "

Pinigilan ko ang pag-ikot ng mga mata. Bakit ba ayaw nilang makinig?

"Mark, wala na ba talagang pag-asa si Tyron?" Banat ni Jared. Nilapitan pa nito ang walang kibong binata. "Baka mayroon pang paraan!"

"Dodo!" Agaw-eksena ni Baby Ron-Ron na nagpatahimik sa kanilang lahat. Siya lang pala ang magpapatigil sa mga kaibigan. "Dodo hmmm... Popo!" At itinuro ng bata si Mark. Medyo matagal na rin nang huli niyang makita ang binata.

"Ano daw?" React ni Vince. 

I chuckled. "Dodo means daddy. Iyon ang tawag niya sa akin. Right, baby?" Baby Ron-Ron giggled in response. "Guys, I want you to meet John Tyron Sebastian Jr, my biological son."

They gasped. Shocked registered on their faces, maliban kay Mark. 

"This is what I want to tell you. I know this is a bit shocking, pero iyon ang totoo. Isa akong binatang ama."

Baby, You And I (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon