Chapter Twenty Eight: More Than Enough

93.1K 2K 211
                                    

Chapter Twenty Eight: More Than Enough

CYRHEL

"Are you sure gusto mo akong samahan sa ospital?"

Sinulyapan ko si Ate Valjean sa rear mirror at pilit na ngumiti. "Oo naman. Mukha ba akong napipilitan?" May himig ng pagbibiro na sagot ko bago muling ibinalik ang atensyon sa kalsada.

"Honeybee, hindi ko siya pinilit," depensa agad ni Kuya Vince. "Si Cyrhel mismo ang nag-volunteer na samahan ka for your pregnancy check-up." Magkatabi silang mag-asawa sa backseat. Nagmistulang driver tuloy nila akong dalawa.

Ang original plan ay kami lamang dapat ng hipag ang pupunta ng ospital. Ngunit nagpumilit pa rin sumama si kuya sa kabila ng kanyang 'morning sickness'. Ayaw niya raw magmukmok mag-isa sa bahay. Isang linggo na kasi siyang hindi nakakapasok sa trabaho.

"Seems like you're not okay."

"I'm fine. Really."

"Honeybee, si Cyrhel ang tinatanong ko at hindi ikaw," sabay turo sa akin ni Ate Valjean. Akala ng kapatid ay siya ang kausap ng asawa.

"Ako?" Tila nagulat pa ako sa narinig. "Bakit naman ako hindi magiging okay?"

"She looks fine with me," sabat ulit ni Kuya Vince. "Sa palagay ko nga ay muling bumalik ang umbok ng kanyang mga pisngi."

"Kuya!"

Tinawanan lamang ako ng kapatid at may kung anong ibinulong sa asawa. Nangingiti na sinulyapan ako ni Ate Valjean. Tama bang pagkaisahan nila akong dalawa?

Momo! Dodo! Momo! Dodo!

"Ano iyon?" React ng hipag.

"Parang narinig ko na iyan?" Si Kuya Vince. Hinahagilap nila ang pinangggalingan ng tunog.

"It's mine." Agad kong inabot ang cellphone sa dashboard. Napagtripan kong gawin ringing tone ang boses ni Baby Ron-Ron. Ngunit sa halip na sagutin ang tawag ay hinayaan ko lamang tumunog iyon hanggang sa matapos.

"Bakit hindi mo sinagot?" Nagtatakang tanong ng kapatid.

"Hindi naman importante."

Nang muling tumunog ang cellphone ay mabilis kong pinindot ang off button.

"I knew it!" Napapitlag ako ako nang biglang dumukwang ang hipag sa driver seat. "Sabi ko na nga ba at siya ang tumatawag!"  Hindi ako sigurado kung nakita niya ang pangalang nag-registered sa screen ng phone ko.

"Sino ang tumawag?" Tanong naman ni Kuya Vince at hinila ang asawa pabalik sa upuan. Hindi siya pinansin ni Ate Val at muli akong dinukwang.

Baby, You And I (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon