Chapter Thiry Two: Miserable

82.9K 2K 197
                                    

A/N:  Dahil hiningi ng pagkakataon, nagkaroon ng POV si Mark. He's very first. Enjoy :)

PS: Salamat po sa lahat ng mga nagpadala ng kanilang mga ginawang bookcover para sa BYAI. Hayaan nyo isa-isa kong ipo-post dito sa watty ang mga ginawa ninyo. 

Chapter Thiry Two: Miserable

CYRHEL

"Ang cute-cute mo. Akin ka na lang!" Bago ko pa mapigilan si Eric ay pinanggigilan na niya si Baby Ron-Ron at pinugpog ng mga halik sa pisngi. Nag-iiyak tuloy ang bata.

"Enrico, huwag mo ngang takutin si baby!" Saway ni Azure at kinuha ang bata mula sa kaibigan. "Sa akin ka na lang baby, mas maganda ako keysa sa kanya."

"Hoy! Mas maganda ako sayo!" Muling kinuha ni Eric ang bata. "Ako na lang ang aampon kay Baby Ron-Ron. Ako na lang ang magiging nanay niya."

"Tange, ikaw ang tatay. Ako naman ang nanay."

"Anong akala mo sa akin, tomboy?"

"Huwag kang ambisyosa."

Bago pa sila tuluyan mag-away ay agad kong binawi sa kanila si Baby Ron-Ron na patuloy sa pag-iyak. "Ano ba kayo? Nai-stress sa inyo ang bata!"

Bigla na lamang napasugod ang mga kaibigan sa bahay. Ang lakas ng mga radar nila. Hindi pa nga ako nagsasabi ay tila alam na nila na mayroon akong kinakaharap na problema. Hindi ko naman magawang maglihim sa kanila dahil alam kong gagawa sila ng paraan para malaman iyon. 

"Friendship, sigurado ka na ba sa desisyon mo?" Tanong ni Azure sa seryosong tinig. "Hindi biro ang responsibilidad na aakuin mo."

"She's right," sang-ayon ni Eric. "Pero kung sa palagay mo iyon ang nararapat, then go. Narito lang kami para suportahan ka." 

Sa kabila ng pagiging hyper at sira ulo ng mga kaibigan ay alam naman nila kung kailan magseseryoso.

"Pumayag na rin sila Mama at Papa na ampunin ko si baby, pero may kondisyon sila."

"Ano?" Magkasabay nilang tanong habang namimilog ang mga mata.

"Doon kami mag-i-stay ni Baby Ron-Ron sa La union." Hindi ko maintindihan kung bakit bigla nagdesisyon ang mga magulang na ipatapon kami sa San Gabriel. Though, sasamahan nila ako doon ay hindi pa rin ako sang-ayon.

"Exciting! Sama ako friendship," sabi ni Azure.

"Ako rin. Gusto ko doon," si Eric.

Pinigilan ko ang pag-ikot ng mga mata. Akala ko pa naman ay nakahanap ako ng kakampi sa kanila.

"Don't worry, friend. Hindi magiging boring ang life mo doon dahil sasamahan ka namin ni Azure."

Baby, You And I (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon