Chapter Twelve: Hot Seat
CYRHEL
Pagdating namin ni Mark sa ospital, everyone is greeting us. Bagaman noong una ay naroon ng pagtataka at pagkagulat sa mukha ng mga staff, napalitan naman iyon ng pagkagiliw sa batang karga ng binatang doktor.
"He is so cute!" Lahat halos ng mga nakakasalubong namin ay iyon ang sinasabi. No doubt, eye-catcher talaga si Baby Ron-Ron. Manang-manang siya sa kanyang yaya na sobrang cute!
"Doctor Mendoza!" Isang humahangos na nurse ang bigla na lamang bumalya sa akin.
"Aray naman!" Reklamo ko. Subalit dedma lamang siya at tila walang narinig.
"Sir, pa-sign ako ng release-" Na-freezed sa kamay niya ang hawak na ballpen kasabay ng panlalaki ng mga mata. "A-anak nyo siya?" Gulat na tanong niya na mukhang hindi naman nagulat at saka tinuro si Baby Ron-Ron. Doon ko lamang din napansin ang mga kapwa niya nurse na nakamasid sa gilid at mukhang naghihintay sa isasagot ng binata.
Sa halip na sumagot ay ngumiti lamang si Mark sa mga naroon. Sa ginawa niya para na rin siyang umamin.
"Siya po ba ang nanay ng bata?" Tanong ulit ng nurse sabay turo sa akin. Naroon ang disgusto sa kanyang mukha. Ito yata ang presidente ng fans club ng binata. Subalit bago pa ako makapag-react ay muli lamang ngumiti ang doktor.
Takte ka naman, Mark. Huwag ka ngang ganyan!
"No way! Siya ang nanay ng anak ni Dok?" Bigla na lamang may nag-react mula sa likuran ko. Sila yata 'yung mga member ng fans club.
"Meaning asawa niya?"
"Tange! Binata pa kaya si Dok."
"So, isa siyang binatang-ama?"
"At 'yung girl ang mapalad na ina ng anak niya?"
"Cyrhel, kunin mo muna si baby," utos ni Mark at inabot sa akin ang bata. Kinuha naman niya sa akin ang bitbit kong shoulder bag na pinaglalagyan ng mga gamit ni Baby Ron-Ron. "Dumiretso muna tayo sa opisina ko," dagdag pa niya.
Sunud-sunod ang ginawa kong pagtango at dumikit lalo sa kanya. Nangingiti na lumingon ako sa pinanggalingan. Pwes, manigas kayo sa inggit!
Paliko na kami ng hallway nang bigla akong natalisod. Mabuti na lamang at naging maagap ang binata at naalalayan niya agad ako sa braso.
BINABASA MO ANG
Baby, You And I (Published under PHR)
Romance"A guy needs one kiss from his girl to get back on his feet." Settling down is the last thing on my mind. Kaya ganoon na lang ang pag-iwas ko sa mga magulang ko tuwing nababanggit nila ang tungkol doon. Ang katwiran kasi nila, baka raw sakaling tumi...