Chapter Seventeen: Begins Here

97.6K 2K 131
                                    

Chapter Seventeen: Begins Here

CYRHEL

"Chicken nuggets, check!" Basta ko na lamang inihagis ang kinuhang kahon sa loob ng pushcart. Tatlo ang nasa listahan pero isa lang ang kinuha ko. "Baby, what's next?" Niyuko ko si Baby Ron-Ron na tahimik na dumede sa loob ng pushcart. Mukhang komportable siya sa kanyang kinalalagyan habang nasa kamay niya ang listahan na ibinigay ni Tyron.

"Hotdog, tocino, longganisa..." Magkasalubong ang mga kilay habang binabasa ko ang nakasulat sa papel. Ang dami naman gustong ipabili ng bakulaw na iyon!

Sa lahat naman ng may sakit ay si Tyron ang pinakamatakaw. Ang dami niyang gustong kainin. Nakakapagtaka dahil imbes na mawalan siya ng gana sa pagkain ay parang mas lalo pa siya naging patay gutom. Daig pa niya ang naglilihi. Nang wala na siyang makain sa kusina ay dali-dali niya akong inutusan maggrocery. Napilitan akong isama si Baby Ron-Ron dahil bukod sa hindi niya mababantay ito ay baka mahawa pa sa kanya ng sakit ang bata.

"As if naman na mabibitbit kong lahat ng gusto niyang ipabili," bubulong-bulong na dinampot ko ang maliit na supot ng hotdog. Napalingon tuloy sa akin ang katabi kong ale. Pilit akong ngumiti at saka sinabayan ng alis. Baka isipin nito ay nababaliw na ako.

Out of twenty, seven items lang ang binili ko. Bukod sa mahihirapan akong bitbitin ang mga iyon ay kakargahin ko pa si Baby Ron-Ron. Mabuti sana kung wala akong kasamang bata. Pero kahit na, sa liit kong ito ay hindi ko pa rin mabibitbit lahat ng mga gusto ng lalaking iyon. Sana pala ay nagpasama ako kay Kevin. Nawala naman sa isip ko na itext siya kanina. 

"Ang cute naman po ng anak ninyo," nakangiting sabi ng binatilyong bagger nang iabot sa akin ang mga pinamili ko.

Awtomatikong napangiti ako. "Thank you." Kahit yaya lang ang peg ko, proud pa rin ako. Hindi ko maipaliwanag pero sa tuwing may nagsasabi na anak ko si Baby Ron-Ron, ang sarap sa pakiramdam.

"Ang bigat mo na baby." Habang tumatagal ang bumibigat ang timbang ni Baby Ron-Ron. Kaya pala lately ay hinihingal na ako sa tuwing karga-karga ko siya. Hindi kasi normal ang laki niya kung ikukumpara sa batang kasing-edad niya. Paglaki niya malamang six-footer din siya katulad ni Tyron. Hiling ko na sana ay hindi ako mahirapan tumawag ng taxi. Another five minutes na buhat ko si baby, baka bumigay na ang braso ko.

"Cyrhel!"

Napalingon ako nang may tumawag sa akin. Malayo pa lang ay natatanaw ko na si Azure at hindi siya nag-iisa, mayroon siyang kasama. At huli na para umiwas ako sa kanila.

Wala na akong nagawa nang sapilitan akong dinala ng mga kaibigan sa paborito namin foodchain. Hindi ako nakaligtas sa mapanuring tingin ng mga ito. At dahil alam kong hindi nila ako titigilan ay sinabi ko sa kanila ang totoo. But in a way, nakatulong din iyon sa akin dahil nakagaan sa dibdib ko ang pagtatapat na ginawa. 

"Akina na si baby," basta na lamang kinuha sa akin ni Azure si Baby Ron-Ron. "Hmmm...guwapong bata. Siguradong guwapo rin ang tatay."

Baby, You And I (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon