Chapter Nine: Second Day Out

104K 2.1K 119
                                    

Chapter Nine: Second Day Out

CYRHEL

                "Hindi pa ba tayo uuwi?"

                "Who's next?"

                Awtomatikong humaba ang nguso ko at ini-scan ang hawak na listahan. Out of twelve names, lima na lamang ang natitirang walang ekis. Ibig sabihin, limang babae na pawang mga ex niya ang hindi pa namin napupuntahan.

                "Tyron, hindi ba pwedeng bukas na lang natin ipagpatuloy ito? Nagugutom na ako," reklamo ko.

                "Sandali na lang ito," wika ng binata na hindi man lang nag-abalang lingunin ako habang nagmamaneho.

                "Puro ka sandali na lang! Halos apat na oras na tayong naglalakbay. Kabuwisit ka talaga!"

                Hindi pa nga tuluyang nagigising ang diwa ko nang sapilitan akong isama ni Tyron. Mayroon daw kaming mahalagang pupuntahan kasama si Baby Ron-Ron. Ang balak ko noong una ay matutulog na lang siya sa biyahe. Ngunit paano ko naman magagawang makaidlip kung ang nasa kandungan niya ay isang napalikot na bata.

                "Cyrhel, nararamdaman ko na matatagpuan na natin siya. Malakas ang kutob ko na isa sa mga nasa listahan ay ang tunay na ina ni Baby Ron-Ron."

                Gumawa pa talaga si Tyron ng listahan ng mga ex niya na posibleng maging ina ng bata. Iyon pala ang kanyang pinagkaabalahan kagabi. Buong akala ko ay may take home siyang trabaho mula sa opisina.

                "Paano ka naman nakakasiguro?" Kontra ko. "Napakadaling magsinungaling, Tyron. Pwede nilang ipagkaila na hindi sila ang nanay ng bata."

                "I can tell if they we're lying... And I can tell through their bodies." May napansin akong pilyong ngiti sa mga labi niya. Hindi ko na kailangan hulaan ang tumatakbong kamanyak sa kanyang isipan.

                "Who's next?" Muling tanong ni Tyron.

                "Si Nayu-" Naputol ang sasabihin ko nang biglang agawin ni Baby Ron-Ron ang hawak na papel. Si Tyron ang bumawi ng listahan rito. Subalit sa ginawa niya ay biglang nag-iiyak ang bata na animo’y inagawan ng laruan. Kinuha ko ang papel sa kanya at muling ibinigay kay baby. Nakakapagtaka na tumahan siyang bigla.

                "Kailangan ba natin silang puntahan lahat?" Muli kong tanong. Baka sakali na magbago ang kanyang isip.

                 "Hindi ka rin makulit!” Umangat ang kamay ng binata at dinunggol ako sa sentido. “Kailangan ko pa bang ulitin sayo? I need to do this. Ilang gabi na akong hindi nakakakatulog ng maayos sa labis na pag-iisip."

                "Hindi ka pa nakakatulog ng lagay na iyan?" She doubt it. Sa tuwing sisilipin siya sa kanyang kuwarto ay himbing na himbing siya sa pagtulog. Kung mayroon man sa amin dalawa ang hindi nakakatulog nang maayos ay ako iyon. Abnormal naman kasi ang oras ng pagtulog ni Baby Ron-Ron.

Baby, You And I (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon