Chapter Nineteen: Too Soon

93.6K 2K 90
                                    

Chapter Nineteen: Too Soon

 

 

CYRHEL

                Nagising ako na masakit ang ulo. Hindi dahil sa epekto ng alak na ininom ko kagabi. Sumakit ang ulo ko dahil sa pagkakabagok. Pucha! Nagkabukol pa yata ako.

                Napamulagat ako nang maabutan si Tyron na nagtitimpla ng kape sa kusina. Ang buong akala ko ay natutulog pa siya. Ang aga niyang nagising.

                "Morning!" Masigla niyang bati. Na-freezed ako sa pag-atras. Huli na para bumalik sa kuwarto.

                "M-morning," ganting bati ko at pilit na ngumiti. Umikot ako sa kabilang side ng table para lang makalapit sa ref. Kung tutuusin ay ilang hakbang lang iyon kung dadaanan ako sa harapan ni Tyron. Pero dahil sa nangyari kagabi, nailang akong bigla sa kanya.


                "Hindi ko na maalala kung paano ako nakarating sa kuwarto ko. Binuhat mo ba ako?"

                Doon ako napalingon sa kanya. Hindi ako sigurado kung nagbibiro lang siya. "Wala kang maalala?"

                Mabilis na umiling si Tyron. "The last thing I remember ay 'yung nag-sorry ako sayo. Pagkatapos 'nun..." Bahagya pa siyang nag-isip. "Wala na talaga akong maalala."

                Nagdududa na tinitigan ko siya. Hindi ako kumbinsido sa kanyang sinabi. "Sigurado ka na wala ka talagang maalala?" Saglit na dumaan sa isip ko ang ginawa niyang pagtatangka na halikan ako kagabi. Mabilis kong pinilig ang ulo.

                "May dapat ba akong maalala?" Balik-tanong niya. Naka-detect ako ng amusement sa kanyang tinig. "Now tell me, binuhat mo ba ako?"

                Umismid ako. "Sa laki mong 'yan sa palagay mo ba kaya kitang buhatin?"

                Sa katunayan ako nga ang binuhat niya. Hindi naman ako makapalag dahil pinanindigan ko talaga ang pagkukunwaring tulog. Nakakapagtaka lang na sa kabila ng kanyang kalasingan ay nagawa pa niyang buhatin ako hanggang sa kuwarto.

                "Hindi mo nga ako kayang buhatin pero kayang-kaya mo akong kaladlakarin. Kaya siguro masakit ang buong katawan ko paggising."

                "Sana nga kinaladlad na lang kita," pabulong na sabi ko habang inihahanda ang mga lulutuin.

                "May sinasabi ka, monay?"

                Pusang-gala! Muntikan ko nang mabitiwan ang hawak na itlog. Hindi ko namalayan ang mabilis na paglapit ng binata.

                "Bakit ka ba nanghihipan sa tenga?" Angil ko. I swear! Nagtaasan lahat ng mga balahibo ko sa katawan.

Baby, You And I (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon