Chapter Six: Stressful Day

107K 1.9K 125
                                    

Chapter Six: Stressful Day

CYRHEL

                Nagmamadaling akong lumabas ng unit pagkatapos kong makatanggap ng text mula kay Tyron. Nai-deliver na raw ang pagkain na hinihintay ko. At dahil hindi pwedeng i-deliver iyon sa mismong unit ng binata for "security tsismis purpose” daw ay napilitan akong bumaba sa guard post.

                "Magandang umaga, Manong Ed!" Masiglang bungad ko sa guwardiyang naka-duty. Halatang nagulat siya nang makita ako.

                "Mam, kelan pa kayo nag-i-stay sa unit ng kapatid mo?"

                "Kahapon lang po," pagsisinungaling ko. "Manong, maaari ko bang makuha ‘yung pinadeliver kong pagkain?” Kinuha ng guwardiya ang isang supot at inabot sa akin. "Bakit hindi mo na lang pinahatid ito sa itaas? Hindi ka na sana bumaba."

                "Okay lang po. Parang exercise ko na rin ito nang mabawasan naman ang fats ko sa katawan."

                Ang lakas ng tawa ni Manong Ed. "Eh di sana ay naghagdan ka na lang pala."

                Pilit akong ngumiti kahit na medyo nainis ako sa sinabi niya. Alangan naman maghagdan ako mula seventeen floor hanggang ground floor. Lawit ang dila ko panigurado.

                Pagsakay ng elevator ay agad kong sinilip ang laman ng supot. Ano kaya klaseng pagkain ang inorder ni Tyron para sa akin?

                "Hi!" Mabilis akong nag-angat ng tingin sa bagong dating. Oh my! Si Suho, este si Kevin pala.

                "Hi..." ganting bati ko na hanggang gilagid ang pagkakangiti.

                "Nagtake-out ka ng pagkain?" Tanong niya at ininguso ang bitbit kong supot. Umiling ako.

                "Nagpadeliver lang ako."

                "Mayroon resto d’yan sa kabilang kanto. Doon ako bumili," aniya at iniangat ang bitbit na plastic bag. "Mura na, masarap pa. Next time magpabili ka na lang sa akin."

                “Nakakahiya naman sayo.”

                “Okay lang. No big deal.”  And to my surprised, hinihingi ni Kevin ang cellphone number ko. "Save my number," he said smiling pagkatapos niyang imiskol ang phone ko. "Kung may kailangan ka, huwag kang mahiya na magtext sa akin."

                "Okay." Bagaman kinikilig ay hindi ako nagpahalata. Eksakto naman na bumukas ang elevator. Palabas na sana ako nang pigilan ni Kevin. "Hindi ba sa twenty floor ka pa?"

                "O-oo nga pala. Nagkamali siguro ako ng pindot ng button," pagdadahilan ko. Ang alam nga pala ng binata ay sa unit ako ng kapatid tumutuloy. Hindi na lamang ako kumibo nang pindutin niya ang button sa twenty floor. Maghahagdan na lang ako pababa ng seventeen floor.

Baby, You And I (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon