Chapter Twenty Three: Spare Her

97K 2.2K 327
                                    

Chapter Twenty Three:  Spare Her


TYRON

Palakad-lakad ako sa opisina at hindi mapakali. Kinakain na ng kaba ang dibdib ko at nagsisimulang magpanic. Tatlong beses ko nang tinatawagan si Mark ngunit hindi nito sinasagot ang cellphone. Naman! Kung kailan emergency ay saka hindi ko makontak ang kaibigan. 

Inaapoy ng lagnat si Baby Ron-Ron. Iyon ang tinawag sa akin ni Katkat kani-kanina lang. Nang marinig iyon ay basta ko na lamang iniwan ang nakatambak na trabaho. Ang una kong naisip ay humingi ng tulong kay Mark. Alam kong nasa pad lang din ang kaibigan tuwing restday niya. Subalit nakakapagtaka na hindi nito sinasagot ang tawag ko. Muli kong dinayal ang number sa bahay.

"Katkat dalhin mo na sa ospital si Baby Ron-Ron," utos ko at binanggit sa kanya ang pangalan ng ospital kung saan nagtatrabaho ang kaibigan. "Hanapin mo agad si Dr. Mark Mendoza."

"P-pero, kuya-"

"Wala ng pero-pero. Dalhin mo ngayon si baby sa ospital. Now na!" I've never been scared, ngayon lang. Ganito pala ang pakiramdam ng isang magulang para sa kanyang may-sakit na anak. 

"P-pero, kuya..."

"Katkat!" Natataranta na nga ako sa paghahanap ng susi ng kotse ay nagdadahilan pa siya. 

"Kuya, pwede ba makinig ka muna sa akin!" Ako naman ngayon ang sinisigawan ng kausap. "Nandito po ngayon ang nanay ni Baby Ron-Ron."

Nanay? "N-nandyan si Cyrhel?" Hindi ako sigurado kung siya ang tinutukoy ni Katkat.

"Opo, si Ate Cyrhel nga."

Napatuwid ako ng tayo sa narinig. "Bakit... Paanong..." Hindi ko malaman ang sasabihin. 

"Naisip kong tawagan siya, kuya."

"Good job, Katkat!" May pagkaaning-aning man minsan ang dalaga ay maaasahan ko din pala siya. Bakit ba hindi ko agad naisip si Cyrhel kanina?"

"Kuya, kaya lang..." Nag-aalangan na sabi ni Katkat. "Bago ko pa matawagan si Ate Cyrhel ay dumating na siya dito sa pad."

I couldn't help but smile. "Nevermind. Ang mahalaga ay nandyan siya. She will take care our baby." Eksakto naman na nakita ko ang hinahanap na susi. Natakpan lang pala ng mga nakakalat na papeles sa mesa. "I'll be there in fifteen minutes," sabi ko at saka pinindot ang endcall. Pipilitin kong makauwi agad kahit anong mangyari.

Palabas na sana ako ay saka naman ang pasok ni Adrian, my secretary and assistant in one. Humarang siya sa daraanan ko. "Sir, aalis kayo?"

"I need to." Hindi lumilingon na sabi ko at nilagpasan siya.

"Pero, sir may bisi-"

"Babe!" Bumukas ang pinto at iniluwa si Kate. What the hell! Bigla niya akong sinunggaban at niyakap ng mahigpit. "I miss you, babe! Bakit hindi mo na ako tinatawagan?" At bago pa ako makahuma ay hinalikan niya agad ako sa mga labi. Pasimpleng lumabas ng opisina si Adrian.

I pulled her back at pilit na kumawala sa kanya. "I'm too busy, Kate. Alam mo naman na sobrang dami ng trabaho rito sa opisina." Wrong timing ang pagdating niya. Paano ba ako makakawala sa kanya?

"Kahit na, hindi mo lang ako naalala," may himig na pagtatampo na sabi niya. "Anyway, mukhang hindi ka naman busy ngayon. You can take me anywhere you want. This is your chance para masolo mo ako," she whispered seductively.

Napakislot ako nang hipan ng dalaga ang pinakasensetibong bahagi ng aking katawan. Muntikan ko na siyang maitulak. "Kate, I'm sorry but I really have to go." Pilit akong kumakawala sa mahigpit niyang pagkakakapit. "Something came up and it's emergency."

Baby, You And I (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon