Chapter Thirty Five: Finale
CYRHEL
Nagkasalubong ang mga kilay ko nang makatanggap ng tawag mula sa isang anonymous number.
"Tyron is missing," bungad ng isang nakakatakot na tinig ng lalaki sa kabilang linya. Kahintulad ang boses nito sa napanood kong horror movie noong isang araw sa HBO. Ang creepy.
"W-Who's this?"
"If you really love him, find him before it's too late."
Ano daw?
"Koya, sigurado ba kayo na ako ang gusto nyong makausap?"
"He needs your help."
"Eh?"
"Find him!" Nailayo ko sa tenga ang cellphone sa lakas ng boses nito.
"Kung sino ka man buwisit ka..." Ganting sigaw ko. "Piliin mo ang taong lolokohin mo! Kung ipa-salvage kaya kita?" Ngunit bago ko pa namalayan ay naglaho na ang kausap sa kabilang linya.
"Hello? Hello?" Adik lang. Obyus na nagtitrip at walang magawa sa buhay. Kung ipa-block ko kaya ang number nito sa NTC.
Sa wakas, pagkatapos kong maipit sa sobrang traffic ay nakarating rin ako tagpuan namin ni Tyron. Kanina ko pa siya tine-text na male-late ako pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong reply na natatanggap mula sa kanya. Nasaan na kaya ang bakulaw na iyon?
Nang mainip ay ako na mismo ang tumawag sa kanya ngunit nakakapagtaka na hindi sinasagot ni Tyron ang cellphone niya. Duda tuloy na baka na-late din siya kaya ayaw niyang sagutin ang tawag ko.
Labinlimang minuto ang mabilis na lumipas. Wala pa rin ni anino niya. At ang mas lalo pang nakakainis, ni isang text ay hindi man lang siya nagpaparamdam. Malalagot ka talaga sa akin pagdating mo!
Pagkaraan ng kalahating oras, nag-walk out na ako. Hindi ko na kayang maghintay pa sa kanya lalo na at walang kasiguraduhan kung sisiputin pa niya ako. Buwiset na bakulaw na iyon! Gumastos pa ako para pagpa-parlor. Nagpaganda pa ako ng husto para sa kanya. Iyon pala ay iindyanin niya lang ang beauty ko.
"Bunso, kamusta ang date mo?" Salubong sa akin ni Mama pag-uwi ko ng bahay.
"Ma, ngayon pa lang ihanda na ninyo ni Papa ang inyong mga sarili dahil magkakaroon kayo ng matandang dalagang anak!" Walang likod-lingon na dumiretso ako ng kusina at binuksan ang refrigerator. Kailangan ko ng malamig na malamig na tubig upang kahit papaano ay maibsan ang init ng aking ulo. Waley! Sirang-sira ang araw ko.
"Here. Mas mabuti itong pampalamig kaysa sa tubig." Inaabutan ako ni Ate Valjean ng ginawa niyang fruitshake. "Seems like your first date turned into disaster."
Iyon pa ang isa sa kinasasama ng loob ko. First ever date namin iyon ni Tyron as official couple. Talagang pinaghandaan ko ng husto ang araw na ito dahil ang sabi niya may surprise raw siya sa akin.
"Sis, may next time pa naman."
"Wala ng next time! Subukan niya lang magpakita sa akin, babasagin ko talaga ang mukha niya!"
"Give him another chance." Bigla na lang sumulpot si Kuya Vince sa tabi ng kanyang asawa. "For sure, mayroon siyang balidong dahilan."
Tila namamalik-mata na napatitig ako sa kapatid. Tama ba ang pagkakarinig ko o nabibingi lang ako? Para kasing nagbago ang ihip ng hangin. Biglang nagsalubong ang mga kilay ko.
"Kuya, anong nangyari sayo?" Saka ko lamang napansin ang mga pasa sa kanyang mukha gayundin ang malaking blackeyed sa magkabila niyang mata niya.
"Nakipagbasag-ulo lang naman siya," wika ni Ate Valjean sabay irap sa asawa.
BINABASA MO ANG
Baby, You And I (Published under PHR)
Romance"A guy needs one kiss from his girl to get back on his feet." Settling down is the last thing on my mind. Kaya ganoon na lang ang pag-iwas ko sa mga magulang ko tuwing nababanggit nila ang tungkol doon. Ang katwiran kasi nila, baka raw sakaling tumi...