Special Chapter

143K 3.1K 276
                                    

SPECIAL CHAPTER:

One year ago...

"Male-late ako... Yes, again. Wala naman bago..." Nangingiting wika ni Tyron habang tinatahak ang ang daan patungong elevator. Siguradong kalahati na lang ng practice game ang maaabutan niya. "Pagbigyan nyo na ako, besides this is my last season. Hindi na ninyo ulit ako makikita sa hardcourt."

A bitter laugh rose inside him. Bagaman tanggap na ni Tyron na malapit nang matapos ang kanyang basketball career, a part of him still holding on. For almost ten years, ito na ang naging buhay niya. At hindi niya akalain na sa isang iglap ay masasayang lahat ang mga pinaghirapan niya. Since his knee injury last season, he was never been the same again. 

Maybe he was really destined to manage their family business. Tiyempo naman ang pagbabalak ng ama na mag-retire at i-turn over sa kanya ang maiiwan nitong posisyon. Whether not he like it, siya lamang ang nag-iisang anak nitong lalaki na magmamana sa lahat ng mga pinaghirapan nito. 

Napaatras si Tyron nang bumukas ang elevator. Napamulagat siya sa dalawang nilalang na nagtatalo sa loob. Nag-aalangan siya kung sasakay. But who cares? Mukhang wala rin naman silang pakialam kahit may ibang tao sa kanilang paligid.

"What about this baby? Wala ka bang pakialam sa magiging anak mo?" Wika ng babae sabay turo sa malaki nitong sinapupunan. Sa tantinya ni Tyron ay nasa early twenties lamang ito. Habang ang kausap nitong lalaki ay pamilyar sa kanya ang mukha. Marahil isa sa mga tenant sa gusaling iyon.

"Ikakasal na ako, Lilibeth. Ano ang gusto mong gawin ko? Magback-out dahil nabuntis kita?" 

Kulang na lang ay hilahin ni Tyron pababa ang elevator sa groundfloor. Siya ang naiilang para sa mga ito. 

"Paano naman ako? Do you think, matatanggap ako ng pamilya ko sa oras na malaman nila na buntis ako? Siguradong itatakwil nila ako at baka hindi na rin ako makatuntong ng Canada."

"Sinabi ko naman sayo, ipalaglag mo na lang ang bata para wala na tayong problema!"

Nag-init ang tainga ni Tyron sa narinig. Gabundok ang pagpipigil niya sa sarili na suntukin ang lalaki. Hangga't maaari ay ayaw niyang makialam sa pagtatalo ng mga ito.

"Hayup ka!" Pinagsusuntok ng babae ang kaharap. "Napaka-selfish mo. Ikaw ang pinakawalang kuwentang tao na nakilala ko. At pinagsisihan ko na minahal pa kita!"

"Tumigil ka!" Tangkang sasaktan ng lalaki ang babae nang pigilan niya ito. 

"Pare, konting respeto naman," aniya sa tinitimping galit. May pagkababaero man siya pero kailanman ay hindi siya nanakit ng pisikal.

"Huwag kang makialam!"

Mabilis na umatras si Tyron at itinaas ang dalawang kamay. "Hindi ako makikialam kung hindi mo siya sasaktan," banta niya. Eksakto naman bumukas ang elevator. Nasa groundfloor na sila. Palabas na sana ang lalaki nang makaisip siya ng kalokohan. Pasimple niyang pinatid ito sa paa. Tumumba ang lalaki at nangudngod ang pagmumukha sa marmol na sahig. Serves him right!

Nagmamadali siyang naglakad palayo. Mahirap na baka resbakan siya. Bukod doon ay kinakailangan din niyang magmadali. Masasabon na siya panigurado ng mga taong naghihintay sa kanya.

"Tyron!"

He frozed. Tinawag siya ng babae. Subalit bago pa siya makalingon ay nagmamadali siyang nilagpasan ng magkasintahan palabas.

"Tyrone, you can't do this me! Come back!" 

Nakaramdam siya ng relief. Ibang Tyron pala ang tinutukoy nito. Magkapangalan pa sila ng gunggong na lalaking iyon. Di bale, di hamak na mas guwapo naman siya rito.

Baby, You And I (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon