Chapter Twenty Two: He's The One
CYRHEL
Bakulaw na iyon, haggang sa panaginip salot!
Hindi maipinta ang mukha ko nang lumabas ng silid. Ang aga ko tuloy bumangon dahil pagkatapos ng masamang panaginip na iyon ay hindi na ulit ako nakatulog.
Buwisit! Akala ko pa naman ay magkakaroon ng katuparan ang matagal ko nang pangarap...ang mahalikan si Dr. Mark kahit sa panaginip man lang. Pero ang hayup na bakulaw na iyon, bigla na lang sumulpot sa eksena. Imbes na si Mark ay siya ang nahalikan ko. Kadiri! Napabalikwas tuloy ako ng bangon. Pakiramdam ko ay para akong nagising sa isang bangungot. Naliligo ako sa sariling pawis at shocked na shocked. Iyon pala ay naka-off ang aircon. Brown-out pala.
Speaking of bakulaw, hindi na siya bumalik kahapon. Sabi ni Kuya Vince ay may lakad pa raw ito. Ayaw naman sabihin kung saan. Pero duda ako na nakipag-date lang si Tyron sa 'babe' niya.
Nakalagpas na ako sa tapat ng kuwarto ng newlywed nang mapaatras ako pabalik. May narinig akong ingay na nanggagaling sa loob. Dala ng kuryusidad ay bahagya akong sumilip sa nakaawang na pinto. Nakita ko si Ate Valjean na inaalalayan si Kuya Vince patungo sa banyo. He almost couldn't make it. Panay ang duwal ng kapatid.
Nasobrahan siguro si Kuya Vince sa kain kahapon. Siya ang nakaubos ng mga ginawa kong cupcake. Noong una ay panay ang pintas niya. Hindi raw masarap at saka walang lasa. Ngunit pagbalik ko ng kusina ay wala na akong naabutan kahit isa. Ang sumbong sa akin ni Manang ay binitbit daw lahat ng kapatid, walang tinira kahit isa.
Dumiretso ako sa kusina at binuksan ang ref. Nagulat pa ako nang makakita ng cupcake sa loob. Mga apat siguro iyon.
"Nagbilin ang kapatid mo na huwag gagalawin ang mga iyan," sabi ni Manang na abala sa paghihiwa ng mga gulay. "Iyan daw ang aalmusalin niya paggising."
"Kasupangan talaga ng lalaking iyon. Hindi na nga niya makain ayaw pang ipagalaw sa iba."
Nangingiti na nag-angat ng mukha si Manang. "Hayaan mo na, mukhang naglilihi ang kapatid mo."
"Ang sabihin nyo, matakaw talaga siya!" Hay naku, umagang-umaga ay pinag-iinit ni Kuya Vince ang ulo ko.
Kaysa tuluyan akong topakin ay nagluto na lang ako ng agahan. Wala nang nagawa si Manang nang agawin ko sa kanya ang sandok.
"Relax ka lang dyan, Manang. Manood ka na lang kayo ng TV. Promise, hindi ko kayo isusumbong kay Mama."
Napapakamot na lang ng ulo si Manang at ini-on ang maliit na television sa may sulok. Eksaktong pagbukas niya ay Be Careful With My Heart ang palabas. Wala na akong narinig mula sa kanya dahil nakatutok ang mga mata niya sa screen.
"Hmmm... Mukhang masarap."
Paglingon ko ay nasa tabi ko na si Ate Valjean.
BINABASA MO ANG
Baby, You And I (Published under PHR)
Romance"A guy needs one kiss from his girl to get back on his feet." Settling down is the last thing on my mind. Kaya ganoon na lang ang pag-iwas ko sa mga magulang ko tuwing nababanggit nila ang tungkol doon. Ang katwiran kasi nila, baka raw sakaling tumi...