Chapter Sixteen: Babysitting

98.6K 2.1K 251
                                    

Chapter Sixteen: Babysitting

TYRON

                Katatapos ko lang maligo nang marinig kong umiiyak si Baby Ron-Ron sa kabilang kuwarto. Hindi ko pinansin noong una dahil alam ko naman na nandyan si Cyrhel. Hanggang sa makapagbihiis ako ay patuloy pa rin siya sa pag-iyak. Napasugod tuloy ako sa kabilang silid at natagpuan ko siyang nag-iisa roon. Nasaan na naman ang babaeng iyon?

                Nagulat pa ako nang makasalubong ko ang dalaga sa may sala.

                "Huwag kayong lalapit sa akin!" Sigaw niya.

                Awtomatiko naman akong napahinto. Kahit si Baby Ron-Ron ay napahinto rin sa pag-iyak. 

                "Momo!" Bulaslas ni baby at itinuro ang dalaga. Nakasabog ang mahabang buhok niya sa kanyang mukha at may hawak na isang rolyo ng bathroom tissue.

                "You're right baby, she looks like a momo. Ano bang klaseng trip 'yan, Cyrhel?"

                Sunud-sunod na pagbahing ang itinugon niya.

                "May sakit ka ba?"

                Suminga muna siya bago sumagot. "I have a cold." Mukha nga dahil patuloy siya sa pagsinghot.

                "Ayusin mo nga ang sarili mo. Para ka tuloy si Sadako."

                "Makakapag-ayos pa ba ako sa ganitong kalagayan?" Banayad niyang asik at muling bumahing ng paulit-ulit.

                "Momo!" Nagpupumilit si Baby Ron-Ron na makalapit kay Cyrhel.

                "Huwag mong ilapit sa akin si baby. Baka mahawa siya sa akin," halos hindi maintindihan na sabi ng dalaga dahil nakatakip ng tissue ang kanyang bibig. "Ikaw na muna ang bahala sa kanya."

                Nanlaki bigla ang mga mata ko. "What? Pero Cy, may pasok pa ako sa trabaho." Paalis na nga sana ako kung hindi ko lang narinig umiyak ang bata.

                "I can't take care of him. Ayokong magkasakit din siya." 

                "Sinong mag-aalaga sa kanya?" Ako rin ang sumagot sa tanong ko nang bigla kong naisip si Mark. Agad ko siyang tinawagan. "Hello Mark, pwede bang sumaglit ka muna sandali sa pad ko? Basta! Pumunta ka na ngayon. It's emergency." Iyon lang pinindot ko ang end button.

                "Cyrhel, solve na ang problema natin." Subalit paglingon ko ay wala na siya sa kinaroroonan niya kanina. Saan nagpunta iyon?

                Ilang sandali ay humahangos na lumabas ng silid ang dalaga. Nagtataka na hinagod ko siya ng tingin. "Akala ko ba hindi ka makakapag-ayos?"

Baby, You And I (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon