Chapter 2

10.1K 243 12
                                    

The moment the van stopped, I immediately stepped out.

I smiled. We're here in the Philippines. At kaharap ko ngayon ang bahay na pinagkatiwala sa 'kin ng mga Mendoza. Nakakahiya dahil may bahay na na ibinigay si sir Nick sa akin at eto na naman.

Ayoko sanang tanggapin pero ang sabi niya masyadong maliit ang bahay ko para sa pitong 'yon.

Napakalaking bahay naman nito. Tapos sa marangyang subdivision pa.

Hinampas ko naman ng malakas ang pinto ng van saka binuksan. At wow ah. Tulog na tulog ang pitong itlog.

"Wake up Mendozas!" Sigaw ko at kinalabog uli ang van.

Maski itong bagong van na 'to magsisilbing service namin at may driver na din.

Inis na inis naman silang lahat na nagmulat ng mata. At matalim na matalim ang mga mata ni Zahir. What do I expect from him?

"What do you want?!" Sigaw niya sa 'kin at talaga namang nakakatakot ang sigaw ng batang 'to.

"Get out you guys. We're here." Kalmado kong sabi.

Nagsibabaan naman sila at iginala ang tingin.

"Ma'am saan ko po ito ilalagay?" Tanong sa 'kin ng driver dala dala ang bagahe ko.

"Xyzzy na ang itawag niyo manong. Doon nalang po 'yan sa pinto." Nakangiti kong sabi at sinunod naman niya.

"Hey! Get my things too!" Matapang na naman na sabi ni Zahir.

"'Wag na manong." Agad kong sabi at saka ko naman hinarap si Zahir at tinitigan sa mata. "He's a driver. Not your servant. You all carry your things!"

"What the fuck?! I can even pay his life." Mayabang niyang sagot. "And what the fucking hell is this place?! Bahay lang 'to ng mga katulong namin."

Napailing ako. "Buti naman at marunong ka ng tagalog. And well, do you have money or even cards?" I mocked.

Mas tumalim naman ang mata niya.

"You have nothing now my dear. In fact, sa akin manggagaling ang allowance niyo. Nasa akin nalang kung maawa ako sa inyo. At 'yang bahay na 'yan, diyan ka lang naman titira for the whole year." I added with my lopsided smile.

"Miss. Nandoon na yung ni wala manlang kaming gadgets, pera at cards. Pero yung pagkasyahin kami diyan sa bahay na 'yan, it's a big mess." Malumanay na sabi ni Zaine.

"Can you do something about it then?" I asked.

"Can you at least make things clearer?" Iritadong sabi naman ni Raven.

Alam na alam ko na ang mga pangalan at ugali ng mga 'to. I did a lot of research.

"We'll talk about it inside. Get your things." Utos ko at hinarap naman ang driver. "Manong doon nalang sa inyo yung sasakyan at tatawagan ko nalang kayo kapag kailangan. Alam niyo naman, ang mga alaga ko hindi mapapagkatiwalaan." Pagpaparinig ko.

"Sige hija. Mauuna na 'ko. Paalam mga señorito." Paalam niya at umalis na.

"Hell. Mas nagtiwala ka pa doon." I heard Brile said.

Bunch of MENDOZAsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon