Chapter 17

6.8K 173 3
                                    

"Ano'ng gusto niyong bags?" I asked and faced them.

"Ano 'yang mga 'yan?" Mahinang tanong ni Aki habang nakatingin sa iba't ibang brands ng bags.

We're here at the mall, syempre kailangan ko din silang bilhan ng mga gamit.

"Bags, Aki." I answered.

They all looked at me like a criminal so I raised a brow.

"Really? Pagagamitin mo kami ng brands na ganyan?" Masungit na naman na sabi ng demonyo.

"Una sa lahat, hindi naman na tayo dapat bibili ng bags niyo dahil sandamakmak ang bags niyo na mga BRANDED. Pero ang aarte niyo at ngayon reklamador pa!" I shouted at him. "Mamili kayo ngayon diyan sa Jansport at Hawk! Kung ayaw niyo, yung garbage bag!"

"WHAT?!" They all said.

"May Herschel at Nike! Really?!"

I stepped closer to him while glaring. "Bakit Brile? Sabihin na nating nandiyan ang pinakamahal, may pambili ka ba?"

He glared at me more. "We're Mendoza! We deserve nothing but the best."

"Eh bakit hindi mo 'yan sabihin sa lolo mo?" I mocked.

Magsasalita sana siya pero agad siyang inakbayan ni Breii at nilayo sa 'kin.

"Why don't you choose for us?"

We all looked at Zaine.

"Tutal hindi kami magkakasundo ng brand, to be fair ikaw na ang bahala." He added and looked down.

"Wow?! Pakabayani ka diyan hayup ka mamaya kung ano piliin ng babaeng 'yan." Galit naman na sabi ni Brile.

I tightly closed my eyes and turned around.

Pinagtitinginan na naman kami dahil sa demonyong 'yon. Sa totoo lang naluluha ako. Hindi ko maintindihan kung bakit siya ganyan sa 'kin. Siya nalang ang hindi ko kasundo sa kanila.

"Kaysa magpakagago katulad mo." Zaine seriously shot back.

"Eh ano ngayon? Wala akong pakialam! I still can't even get it why I'm here! I could've just ran away than being with some idiots and a bitch!" He shouted the last word at me that made my tears fall.

"If you can't even respect my existence go back home!" I said and threw him my wallet. "Suko na 'ko sa'yo! I don't get you and I can't even have a nice conversation with you! Sawa na 'kong pinapahiya mo sa lahat. Bahala na kayo sa mga buhay niyo." And I left.

Bwisit na bwisit na 'ko! Kanina pa sa school ako pinapahiya ng lalakeng 'yon! It's too much. Hindi ko nga alam kung bakit hindi ko siya mapatulan tulad ng mga ginawa ko kila Raven at Zahir eh. Siguro takot ko nalang dahil sa pagiging manyak niya.

Sa lahat kasi manyak ang ayokong nakakasalamuha. Hindi na baleng loko loko lang o matapang.

Lumabas na 'ko ng mall at kinuha ang phone ko saka tinawagan ang driver.

"Kuya? Paki-drive nalang agad sa bahay kung may lalapit man sa inyo sa kahit sino sa pito. Hindi po ako sasabay. Salamat po."

Bunch of MENDOZAsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon